CHAPTER 2: KATANGAHAN

114 9 0
                                    

—KERA POV —

"Tapos kana?" wika ng nasa likuran ko ngayon gamit ang napakalamig na boses.

Parang bigla na lang din ako nakaramdam ng panlamig sa katawan na kahit subrang init naman ng panahon.

Dahan dahan akong humarap at di nga ako nag kamali, dahil naka upo ito sa isang upoan habang naka pamulsa.

"H-Hi Ky," bati ko dito habang naka ngiting may halong kabang nararamdaman.  Yung feeling na parang natatae ka na ngiti.

Pero kahit ganon pa man nilabanan ko parin ang kabang nararamdaman ko ngayon para hindi niya ito mahalata.

Tumayo ito at dahang dahang lumakad papunta sa aking pwesto.

"H-hindi ikaw yung Kyro na tinutukoy ko." mabilis ko namang depensa habang umaatras. Pero nakatingin lang ito sakin ng diritso habang humahakbang papunta sa pwesto ko.

Kaso minamalas na nga naman pader na pala kaya wala na akong kawala, tatakbo na sana ako papuntang exit. Kaso ang bilis niyang gumalaw nasa harap kona ito habang naka harang ang dalawang braso nito ngayon sa magkabilang gilid ko.

"U-umalis ka nga hindi ikaw y-yung Kyro na tinutokoy ko." ulit ko dito, pero hindi man lang niya sinununod.

Maslalo pa niyang nilapit ang mukha niya sakin, kaya ang ginawa ko naman ay pumikit na lang naghihintay sa sunod na hakbang nito.

'Please lord kung siya man ang magiging first kiss ko handa na ako.' sabi ng utak ko habang nakapikit parin.

"Tsk! What are you doing." wika nito na mukhang malayo na sa pwesto ko ngayon. Kaya agad ko namang naimulat ang aking mata.

Tama nga ako malayo na ang distansya nito mula sa pwesto ko ngayon. Nakita kung nakatayo ng matuwid si Kyro habang naka pamulsa.

Ang tanga mo Kera nakakahiya ka. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa sa mga oras nato.

"Hehe sorry." peke kong tawa at saka mabilis na tumakbo, sa subrang pagmamadali ko muntik na akong mahulog sa hagdan.

Nung makarating ako floor namin agad na akong pumasok sa room.

"Oh? Bakit humihingal ka parang may humahabol sayo?" Takang tanong  ni sabrina sakin at tumingin sa likod ko kong meron bang humahabol.

Dina ako magtaka kong bakit ganito ang reaction niya sa itsura koba naman ngayon, tingnan natin kong hindi ka magtaka.

Buti na lang wala pang  teacher nang pumasok ako sa loob ng classroom.

"Hoy, babae ka san ka naman nang galing?" tanong din ni Tanya sakin, habang nakataas ang isang kilay nito.

"Sa rooftop lang, kala ko kasi may teacher kaya nagmamadali ako." pag-amin ko naman dito pero diko na dinugtungan pa.

Mahirap na baka ano pa sabihin ng dalawang to lalo nato si Tanya ang daldal.

"Ano naman ginawa mo don sa rooftop abir?" tanong ni Tanya habang naka taas ang isang kilay.

"Nagpapahangin." sagot ko naman dito.

'Tsk! Kung sinabi ko ang tutuong nangyari baka ano pa masabi ng babae nato.'

magtatanong pa sana si Tanya. "Magsibalikan na nga kayo sa inuupuan niyo." pagtataboy ko dito.

Maya maya dumating na yung second period teacher namin, kaya bumalik narin ang dalawa sa mga upoan nito.

Discuss

Discuss

"Ayy sorry diko sinadya." paghingi ko ng sorry sa nakabangga ko.

Agad naman ko naman inangat ang paningin ko ditk. Pero ganon na lang ang pagkainis ko ng bumungad ang dahilan ng kamalasan ko ngayong araw.

Walang iba kundi si Joys kasama ang dalawa niyang mga alipores.

"Ano ba dika ba marunong tumingin sa dunadaanan mo!" sigaw nito sakin.


"Sorry diko sinanadya," paghingi ko ng sorry dito.

'Buwisit na babae to ang arte.' mga salitang nabuo sa utak ko, saka binaling ang tingin  sa paligid, marami ng tumitingin na mga student samin ngayon. Kaya binalik ko naman agad ang tingin sa harap para harapin ang bruhildang to.


"Alam mo? Subrang tanga mo but whatever di ako magaaksaya ng oras sa kagaya mong sunga!" mataray na aniya saka tumalikod ito sa gawi ko.

Parang bigla na lang ako nakaramdam ng pagkainis sa mga sinabi nito sa sakin. Saka ano pa talaga ang sinisisi parehas lang naman kaming di tumingin sa daan.

"Alam mo? Napaka cool mo sa part na yan." simula kopa dahilan ng ikatigil nilang tatlo."Coolang sa pansin!"

Mas lalong hindi nila ata insahan ang dugtong nito, dahil bigla na lang ito humarap sakin habang lumaki ang butas ng ilong lalo na si Joys na bakas sa pagmumukha ang galit.

Gulat naman ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Diko rin alam kong saan ko nakuha ang lakas ko para sabihin ito sa harapan ng babaeng to. Siguro dahil na rin sa galit kaya ko yun nabitawan.

Nagmamartsa itong pumunta sa pwesto ko na parang isang lion na gusto akong lapain.

Bigla itong tinaas ang isang  kamay para sampalin ako. Maya pumikit na lang ako para hintayin ang kamay nito na dumapo sa pisngi ko. Pero nagulat ako ng hindi ito lumapat sa pisngi ko saka  bigla narin tumahimik ang paligid.

Pagmulat ko nakita ko si Kyro na naka tayo sa harapan ko, habang hawak ang palapulsuhan ni Joys para sana gamitin ito sa pag sampal sakin.

"A‐aray Ky bitawan mo nga ako." pagpupumiglas ni Joys.


"Stop this nonsense Joys!" madiin nitong sabi sabay bitaw sa kamay ni Joys at bakas sa mukha nito ang galit? Diko alam kong bakit ganito na lang ang pagkainis ni Kyro.

Baka siguro pinoprotektahan lang siguro nito ang pangalan nang paaralan nato kaya ganon na lang ang galit nito.

"Ikaw kasi harang harang ka sa dinadaanan ko." Pangsisi pa nito sakin pinandilatan ko lang ito ng mata.

'Kita mo 'tong babaeng to maghahanap pa talaga ng rason kahit kasalanan niya naman, ako na nga tong humingi ng sorry nagiinarte pa.'

Ang tapang lang naman ng babaeng ito dahil anak ng principal ng university nato. Pero wala siya paring laban dahil sina Kyro parin ang nagmamay-ari nito.


"Diba humingi na ako ng sorry sayo." sagot ko naman dito.

Ako pa talaga kakalabanin niya, pwerkit anak siya ng principal ng school nato dapat na siyang galangin. Pwes ibahin niya ako sa mga student dito na binubully ng mga kasamahan niya.

"Wag niyo nang ulitin ito kung gusto niyong hindi makaabot ito sa office." bilin ni Kyro bago ito tumalikod.

"Salamat Ky!" pahabol ko dito.

At humarap na ako sa mga mukhang paa na feeling artist dito sa campus.

"Humanda kang babae ka, tingnan natin kung hanggang saan yang tapang mo!" banta nito sakin.

'Edi go, kahit pagsamahin mopa buong angkan mo.'

Gusto kong sabihin sa pagmumukha ng babaeng ito pero mas pinili ko na lang na tumahik baka magkaroon pa ng part 2.

Ang tanga niya tinakot pa talaga ako, siguro pag ibang student binully nito umihi na sa takot dahil sa banta nito. Pero sorry siya iba ako sa mga yun.

"Do what you want but paalala lang hindi lahat ng mga nakakasalamuha mo ay natatakot sayo." wika ko bago tumalikod.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now