CHAPTER 17: KERANG SELOSA

55 4 0
                                    

—KERA POV—


Habang nasa kalagitnaan kami nang paguusap mayro'ng biglang sumulpot.

Speaking of maarte.” Bulong ko.

Hi guys, can I join?” Pagsalita nito.

Di ako nagkakamali siya ‘yong babaeng pumunta sa bahay ni Kyro noong nando'n pa ako namamalagi.

‘Ano nga pangalan nito?’

She's wearing a black dress with a pair of  white sandals. ‘Yong design ng dress niya pa heart sa dibdib hindi bowl gown diretsahan lang ito. Bigla naman ako nag isip na same rin pala kami ng design at kulay ng damit.

Ano nga pangalan nito, Fiona. . . Feral.’ Pagiisip ko.

“Ohh. Faith, why are you here?” Tyler ask.

‘Ahh siya pala si Faith.’

“Bored kasi sa kabilang table. Kaya naisipan kung mag join sa inyo nandito rin naman si Kyro,” sagot naman nito habang may ngiti sa labi.

‘Yong pwesto namin ngayon pa harap, si Faith magkatabi sila ni Kyro at sa kabilang upuan ako tapos si David naman 'yong sa side ko. Bali si Tyler lang ang mag isa sa mahabang upuan.

“Aws kaya pala, it's okay na maki join ka sa 'min kaming apat lang din naman dito.” Pagsasang-ayun ni Tyler.

Habang ‘yong dalawa naman nagkatinginan lang parang nag-uusap gamit ang mga mata.

“Oh. Kera, right?” Tanong naman nito sa 'kin.

‘Hinde teh! Si Marian 'to.’ Sabi ng utak ko pero 'di ko 'yon sinabi sa harap niya baka ano pa mangyari.

Yes. I'm Kera.” Oh, pak english 'yong ate niyo.

Kala niyo kayo lang makapag english. Tumayo naman ito at pumunta sa harap ko.

“Nice to meet you again.” Sabay abot ng kamay niya. Kaya kinuha ko naman ito.

‘May galit ba 'to sakin? Ang higpit kasi makahawak.’ 'Di lang ako nagpahalata na nasaktan, 'yong ginawa ko pa simple kong hinigpitan with smile epek.

Bumalik na ito sa kaniyang upuan katabi ni Kyro.

Nag-uusap lang kami sumasabat naman ako kung tinatanong nila. Pero epal talaga 'yong Faith, ang arte-arte kapag nagsasalita. Seven battles na rin naubos nina David, Kyro at Tyler ako naman hanggang juice lang. 'Yong Faith naman nakikisabay rin uminom ng alak, sabagay mukhang sanay naman ito sa mga ganitong party.

“So. Guys gusto niyo bang sumayaw sa dance floor.” David ask. “Can I dance you?” Gulat naman akong tumingin kay David.

“Ah-Ahh ako? Sasayaw?” 'Di kasi ako sanay sumayaw lalo na 'yong sound sweet.

“HAHAHAHA. Don't worry sabayan kita. I know na first time mo ngayun.” -David.

Nag-isip naman ako minsan lang din naman ito wala naman mali ro'n. Bigla naman umusog si Kyro sa 'kin parang mayro'ng gustong ipahiwatig. 'Di ko na lang ito pinansin.

Tumayo si David at nilahad 'yong kamay niya tinanggap ko naman ito.

“So ako lang pala ngayon walang ka dance HAHAHA,” patawang sabi ni Tyler.

“Find your own bro! Ang daming mga babae riyan.” Sigaw ni David. Bago kami pumunta sa dance floor nakita ko pa 'yong mukha ni Kyro titig na titig ito sa kamay namin ni David. Pero 'di ko na lang ito pinansin at lumakad na.

Nilagay ni David 'yong kamay niya sa baywang ko, 'yong kamay ko naman nasa balikat niya. Naiilang pa ako dahil nakatitig ito sa 'kin.

“HAHAHA don't be shy look at me.” Pagsasalita nito.

Ang lapit talaga ng mukha namin.

“Ah-Ahh naiilang kasi ako ang la-lapit ng mukha natin.” Pagsasalita ko habang umiiwas ng tingin.

Bigla naman itong tumawa, ano naman nakakatawa.

“Ang cute.” Bumulong ito.

Pero 'di ko masiyado na rinig.

“May sinabe ka?”

“Nothing.” Habang naka ngiti.

Nasa kalagitnaan kami ng pagsasayaw ng biglang mayro'ng tumulak kaya napasubsub ako sa dibdib ni David.

“So-Sorry.” Paghinge ko naman ng sorry rito. sakit ng noo ko ang titigas din pala ng dibdib ni David.

Sorry miss, mayro'n kasi akong hinahabol.” Pag hingi ng paumanhin ng isang lalake kaya pala ang lakas ng pagkatulak.

Next time look at your pathway, para hindi ka maka disgrasiya.” Maangas na sabi ni David sa lalaki.

Pinatigil ko na lang si David baka magkagulo pa. Tiningnan na kami ng ibang mga tao.

Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Nakita ko naman sina Kyro at Faith, sumayaw rin pala sila.

Grabe ang sweet nila ang sakit tingnan sa mata. Nakatitig si Kyro sa mga mata ni Faith gano'n din si Faith at naka pulupot 'yong kamay niya sa batok ni Kyro nag tatawanan pa ito. Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib.

“Pagod na ako pwede umupo na tayo?” Reklamo ko kay David pero ang totoo hindi ako napapagod ayaw ko lang nakikita silang dalawa.


MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now