CHAPTER 28: YES OR NO

63 2 1
                                    

—KERA POV—

Diko talaga inasahan na gagawin ito ni Kyro. Akala ko kanta lang ang mangyayari bat merong mga Rosa's. Agad naman akong kumawala mula  sa pagyakap nito. Napuno ng hiyawan ang buong paligid. Habang ako naman nakatitig lang sa taong nasa harapan ko ngayon.

'Di ako makapaniwala ngayon sa nakita ko...si Kyro fernandez na masungit nasa harapan ko ngayon at sa harap ng maraming tao.'

Ramdam ko ngayon ang naghuhurumintado kong dibdib dahil sa kabang nararamdaman. Diko inexpect na mangyari ito ngayong araw.

"K-kyro anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong dito.

Hanggang ngayon nasa stage pa rin kami, habang nakaharap at hawak hawak nito ang isang  Bouquet na inabot ng isang lalake na umakyat dito kanina.

"Nothing I just wanted to prove in front all of them na gusto kita. Listen I'm  not doing this to.... show para magpasikat sa maraming tao. I want to know of theme that  I love you and I can protect you." He said in a sincere tone."At hindi kita pipilitin kung ano man ang maging disessiyon mo tatanggapin ko." Dugtong pa nito habang nakatitig ito sa akin.

Tama nga siya pero hindi ko naman kaylangan na malaman ng lahat na gusto niya ako at kaya niyang protektahan. Pero ginawa niya talaga para patunayan ito at sa harap pa ng mga taong mahahalaga sa 'kin.

Magsasalita pa sana ako ng binalik na nito ang mic para magsalita ulit.

Nakikita ko kay Kyro na kinakaya niya talaga upang maipakita sa lahat ang gusto niyang ipahiwatig. Bumuntong hininga muna ito bago bumitaw ng salita. Na sa buong buhay ko hindi ko pa ito narinig sa kahit sinong lalaki.

"Kera! Can you be my girlfriend?" Tanong nito na nagpatigil sa paligid ko.

Yung feelings na parang kayo lang yung tao sa isang lugar at subrang tahimik ng paligid niyo.

'Oo gusto ko si kyro simula bata pa. Hanggang nakikilala ko ang ugali nito na akala ko ay isang mabait yun pala ay ubod ng kasungitan, na parang walang pake sa pakiramdam ng iba. Pero lahat pala nang 'yon ay naglaho nang makilala ko siya kahit hindi man ganon katagal yung panliligaw niya sa 'kin.

Pero kahit papano nakilala ko siya kung papano siya naging mabuti sa pamilya ko kahit na masungit may mabuting kalooban pa rin para tumulong sa kapwa niya. Tama siya hindi man ganon katagal yung panliligaw niya pero ginawa niya para maipakita sa ibang tao na gusto niya ako.

"Y-yes!"

Bumalik ako sa reyalidad nang narinig ko yung sigawan mg mga tao.

"Yes na yan!"

"Go Kera kaya mo yan!" Sigaw ng dalawa kong friend na sina Tanya at Sabrina.

"Go Kera sagutin mona! Wag kana pabebe teh baka maagaw pa yan ng iba!" Sigaw si Tanya.

Agad naman ako tumingin sa harap at nakita ko naman si Mama na katabi nito si Kieron. Binigyan lang ako nito ng isang ngiti.

'Siguro panahon na para pumasok ako sa isang relationship. Kahit hindi man ganon katagal na manliligaw ko si Kyro napatunayan naman nito sa pamilya ko at sa 'kin.'

"Y-yes!" sagot ko habang naluluha.

"May nanalo na! Wooooooo" sigawan ng mga manunuod at naghiyawan ito.

"Party party na!" Sigawan ng mga students yung iba kaklase din namin.

Nagulat naman ako nang niyakap ako ni Kyro ng subrang higpit. Parang hindi ako makahinga sa subrang pagkayakap nito kaya imbes na magiinarte ginantihan ko rin ito.

"Ky...di ako makahinga."

"I-im sorry Masaya lang ako." Aniya habang may Ngiteng gumihit sa mga  labi nito hindi naka takas sa paningin ko ang pamumula ng tainga.

'Nakakatawa yung masungit ngayon maytinatagong hiya pala.'

"Ok lang tara na may susunod pang mag perform pag-aya ko dito." sabay hawak ng kamay nito.

"Wait! For you" sabay abot ng Bouquet na hawak nito agad ko namang tinanggap ito na may ngiti sa labi.

Sabay kaming  bumaba sa  stage habang magkahawak kamay.

Nang nakababa na kami ni Kyro mula sa stage. Agad naman kami sinalubong ng mga kaibigan namin na sina Tanya, Sabrina,David at Tyler na may malawak na ngiti.

"Eyy! Congrats too of you. Congrats bro!" Bati ni Tyler habang may ngiting nakakaluko.

"Congrats! sa wakas meron naring nauna sating tatlo." Aniya ni Tanya na parang kinilig iwan ko sa babaeng to makapag Congrats parang kinasal na ako.  Bagay talaga pagsamahin  sila ni Tyler mga luko.

'Wait parang ang nice ng though ko si Tyler at Tanya David at Sabrina naman. Hayss ang galing ko talaga mag much.'

"Hey! Kera anong nangyari bat ka nakangiti diyan? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko." Pagrereklamo ni Sabrina. Kanina lang pala ako nagwowonder dito habang nakaharap ko pa silang Lima.

"Ah-Hehehee wala may inisip lang. Ano ba tinanong mo sa 'kin?" Nakangiting tanong ko dito.

"Hays lutang pala." Bored na Sagot ni Tanya." Sabi ko Congrats sa inyo." Dugtong Sabrina

"Ohh what a nice! Pwede ba kaming sumali diyan?" Biglang  sulpot ni Joy's habang papalapit ito sa pwesto namin kasama nito ang dalawang bruha niyang kasama.

"Pwede ba kami sumali sa inyo? Nabobored kasi kami don sa pwesto namin."arte nitong Turan.

"Diba girl?" Tanong nito sa dalawang kasama niya tumango naman mga ito na parang mga tanga.

Halata namang napipilitan lang, bakas din ang takot sa mga mukha ng dalawa dahil nakayuko lang ito habang nilalaro ang mga sariling daliri. Except sa isang malanding Joy's diko alam kong gano ka kapal ang mukha nito. Nagawa pang ngumiti habang yong kasamahan niya gusto ng bumalik.

"Ohh! Kera ano masaya kana dahil alam na ng lahat na kayo na ni Kyro?" Tanong nito na parang naiirita.

"Hindi—" hindi ko pa natapos ang ang gusto kong sabahin nang agad naman pinutol ni Tanya.

"Nagpapatawa kaba? sino ba ang hindi maging Masaya kung yung lalaki na hinabol ng mga babae sa buong campus, ay napunta sa kaibigan namin na maganda. hindi kagaya mo na parang aso habol ng habol! At tinatanong mo kung pwede ba kayo sumali sa amin ako na ang nagsasabi, bawal mga mangkukulam dito!" Sagot ni Tanya dito habang nakataas ang kilay.

Agad naman lumaki ang butas ng ilong ni Joy's na halatang naiinis sa mga sinabi ni Tanya sa kaniya.

"Hinde ikaw ang tinatanong ko, so please shut up!" Sigaw nito ni Joy's sa pagmumukha ni Tanya.

"Ahh talaga gusto mo ng tahimik!" Humarap si Tanya samin." Gusto  niya daw ng tahimik?" Habang nakangito ito ng nakakaluko.

Alam kuna kung anong binabalak nito. Luko talaga.

Ganon na lang ang gulat namin sa sunod nitong ginawa muntik ng matamaan ang pagmumukha ni Joy's sa kamao ni Tanya kung hindi lang na nahawakan ni David sigurado ako sa mga oras nato tulog na ito sa harapan namin.

"Pasalamat ka! Kung hindi lagyan ko yang mukha mo ng pasa!" Kalmadong Turan  ni Tanya sabay bangga dito  at lumabas na ito sa backstage sumunod naman sina David at Tyler pati na rin si Sabrina.

Ganon na lang pamumutla nang pagmumukha ni Joy's ganon din ang dalawang kasama nito na halos hindi na makagalaw sa kinatayuan.

"Don't do this again! Kung uulitin mo pa ako makakalaban mo!" Banta ni Kyro dito

Saka ako hinila pa alis sa lugar na yon. Nang  tinawag na lahat ng Contestant para eh announce kung sino ang magwawagi ngayong gabi umakyat na kami ni Kyro sa stage.

Ang alam ko sa mga oras nato wala akong kabang naramdaman kung ano man ang magiging result sa gabing ito. Dahil ang alam ko masaya ako ngayong gabi.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now