CHAPTER 20: ANOTHER BOUQUET

50 3 0
                                    

—KERA POV—

Oh. Kamusta naman 'yong party na pinuntahan mo?” Tanong ni Tanya.

Nasa classroom kami ngayon. Ang aga-aga ito agad bungad sa 'kin. Nasa harap ko pa talaga. Ta's si Sabrina naman nasa gilid ko banda. 'Di pa kasi dumating 'yong first subject namin sa English. Si Kyro naman nasa upuan lang ito natutulog si David 'di ko pa nakita. Mukhang late pa 'ata.

“Kung 'yon lang ang pag-usapan, hindi ok!” Nakasalupaypay kong pagsalita rito.

“Why? What happened on the party? Sayang naman kung hindi naging ok ang ganda pa ng ayus mo no'n ta's may pa flower kapa girl.” Sunod sunod na tanong ni Sabrina.

“Alam ko 'yan girl! Kung bakit hindi ok.” Si Tanya naman.

“Oh ano kung alam mo?” mataray kong dagot dito. Ayan naman pala alam naman pala ba't pa ako mag-explain.

“Hindi mo na sayaw 'yong crush mo 'no?!” diretsahan nitong sabi.

‘Pasalamat na sana ako dahil hindi na maka pag-explain Mali mali rin naman pala.’

“Tama ba?” Paninigurado ni Sabrina.

“Mali, hindi 'yon ang dahilan kung bakit hindi ok. Mamaya ko na lang sabihin sa inyo pag recess time.” Kita ko naman ang pagkadismayado sa mga mukha nila. Pero imbes na magreklamo ito bumalik na lang sa kanilang mga inuupuan. Dahil pumasok na 'yong Adviser namin.

“Ok class listen! Mayro'n akong announcement.” Pagsisimula ni Ma'am.

“Next week mayro'ng gaganaping contest. Sa isang section mayroong representative babae at lalakei." Marami naman ang naghiyawan.
.
Tumingin ako kay Kyro nasa malapit kasi ito sa bintana. Pero parang wala itong pake, habang nakikinig lang ito. 'Di ko inasahan na bigla na pala itong tumingin sa 'kin.
Kaya umiwas na lang ako.

“But I already chose a contestant in this section na representative sa section natin. KERA and KYRO two of you kayo ang mag dadala ng section natin.” Bigla naman akong nagulat 'yong kaklase ko naman naghiyawan. Lalo na 'yong dalawa kung friend ayiee ng ayiee parang timang.

Si Kyro gano'n pa rin walang pake pero ako parang sasabog na 'yong puso ko dahil sa kaba. Kahit hindi pa naman ngayon 'yong contest daw.

“Kayo na ang bahala kung ano 'yong e-perform niyo sa stage. Magbibigay ako ng plus sa performance niyo kung tutuloy kayong dalawa. Pag-usapan niyong dalawa,” last na sabi ni Ma'am at lumabas na ito. 'Di na lang ako umimik dahil pumasok na 'yong second period namin.

Nag discuss lang ito at nag bigay ng activity.

Noong recess time na pumunta kaming tatlo sa cafeteria. Nakita ko pa si Joys kasama nito 'yong mga alipores niya. Sila naman ni Kyro nasa dating tambayan nila kasama sina Tyler at David.

Nag order lang ako ng Milk tea at isang burger. 'Yong kay Tanya naman Milk tea at Burger tas isang slice na cake. Ang takaw talaga. Si Sabrina milk tea lang sa kaniya, oh 'di ba ang tipid mayaman naman.

“So ano nangyari ba't hindi ok 'yong party na pinutahan mo?” Pagbasag ng katahimikan ni Tanya, habang kumakain ito.

“Pagpunta ko doon ok pa, naguusap lang kami tapos bigla na lang dumating 'yong babae na pumunta sa bahay nila Kyro, Faith 'yong name. Tapoa natatandaan niya pa ako noong nag kamayan na kami ang higpit maka hawak ng kamay parang galit.” Parang bata kung sumbong sa dalawa.

“Aba siya pa ang may galit sa 'yo, siya na nga 'tong sumulpot!” Medyo napalakas ata 'yong pagsabi ni Tanya dahil tumingin 'yong ibang student sa 'min.

Pero maya maya bumalik rin naman sila sa mga kanilang ginagawa.

“Buti nando'n si David, kaya siya naging ka paris ko sa sayaw. Ta's dahil 'ata sa nakita ko napa inom na lang sa walang oras. Kaya ayon ang dungis pag-uwi. Nasukahan ko pa si Kyro dahil siya 'yong naghatid sa 'kin noong lasing na ako.” Dugtong ko rito. At uminom ng milk tea nakakauhaw rin kasi magpaliwanag.

Ano ba nakita mo? At bakit ka uminom 'di ba bawal ka pang uminom? At under age ka pa remember?” -Sabrina

“Kasi noong sumayaw na kami ni David, sumayaw rin pala sila ni Faith at Kyro sa likod namin. First time kong nakita si Kyro ang saya nilang dalawa ni Faith. At isa pa 'Di ko naman ginusto 'yon,” mahina kong sabi dito.

“ Sino ba kasing faith na 'yan ang epal naman!”Galit na turan ni Tanya.

‘Baka magkakilala na sila ni Kyro simula bata pa kaya gano'n na lang ka saya si Kyro pag kasama niya si Faith.’ Mga salitang nabuo sa isip ko.

“Don't be sad Kera, no one knows baka ginawa niya lang para pagselosin ka. Gano'n kasi 'yong ibang lalaki pagnakikita nila na mayro'ng lalaki na umaaligid sa isang babae na gusto nila pumaparaan 'yan para pagselosin ka.” Pangaral ni Sabrina sa 'kin.

Sana kung gano'n, kung sila talaga ni Faith bagay rin naman sila mayaman siya mayaman din Faith maganda rin.

“Tama 'yan may gano'n talagang lalaki, at alam ko na may gusto rin 'yan si Kyro sa 'yo. nahihiya lang 'yan umamin may pa flowers pang nalalaman.” Mahabang pagsang-ayon naman ni Tanya sa 'kin. “Ang mabuti pa 'wag ka na mag overthink diyan kumain ka na lang nilalangaw na 'yang pagkain mo!” 'Di ko pa pala na kain 'yong inoder ko. Kaya nilantakan ko na lang kaysa mag-isip ng kung ano ano.

Natapos kaming kumain kaya naisipan namin na bumalik sa classroom para um-attend sa next subject.

“Kami na ang bahala mag paganda sa 'yo sa contest na gaganapin,” sabi ni Sabrina.

Pero ang tanong hindi pa ako naka isip kung ano ang i-perform namin ni Kyro sa stage.

“Wait may naisip ka na bang dapat niyong gawin para sa contest?” Si Tanya naman.

“'Di pa,” turan ko habang paakyat kami sa classroom. Nasa third floor kasi 'yong room namin.

“Sige—” Hindi natuloy ni Tanya ang sasabihin niya ng may biglang tumawag sa 'kin. Same rin namin na senior high ang babaeng ito.

Nagpaalam naman ako sa mga kaibigan ko at sinabihan ko na rin na sumunod na lang ako.

“Excuse me ako ba 'yong tinatawag mo?” Tanong ko rito.

“Opo kayo. Mayro'n kasing gustong kumausap sa 'yo.” Naka yuko ito parang nahihiya. “Sumama po kayo sa 'kin.” Dugtong nito.

Kaya wala akong nagawa sumunod na lang. Habang naglalakad na curios naman ako kung sino naman kaya ang gustong kumausap sa 'kin.

Dumaan kami sa office ng principal.

“Dito na lang ako diretsuhin mo lang 'yan papuntang garden.” Pagsasalita ng babae.

“Sige, thank you.” Tumalikod na ito at ako naman lumakad lang papuntang garden.

Noong nasa garden na ako mayro'n akong natanaw na isang lalake nakatalikod. Parang same sila ni David. Mayro'n ding kahawig ni Kyro.

Naisipan kung lumapit dito. Bigla naman akong nagulat noong lumingon ito sa 'kin Akala ko si David si Kyro pala, mayro'n itong hawak na bouquet kulay pink ito at tulips na kulay pink.

“Ahh—eh ikaw nagpatawag sa 'kin?” Tanong ko noong nakalapit na ako rito, utal akong kong tanong.

Yes.” Parang nahihiya nitong sabi.

Kung pahiyaan lang ano na lang ako parang babagsak na ako ngayon sa kinatatayuan ko dahil sa kaba.

“For you.” Sabay abot ng bouquet.

Parang lutang akong nakipag kamayan sa bouquet. Alam kung fresh 'yong hangin dito sa garden pero pinagpapawisan ako.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now