CHAPTER 5: LAME

91 4 0
                                    

—KERA POV—

Nagising ako  ng makaramdam ako na parang nasa malambot ako na  kama. Minulat ko ng dahan dahan ang aking mga mata. Bumungad sakin ang puting kisame. Agad ko naman iginala ang aking paningin sa paligid, at  alam kong hindi sa akin itong kwarto kong saan ako ngayon nakahiga.

Hindi ko rin masasabi na nasa hospital ako. Dahil ang interior nito ay gray. Amoy kopa ang panglalaki na pabango. Parang familiar ito sakin pero hindi ma sink in sa utak ko kong sino ang nagmamay-ari nito.

'Saan ako? At kaninang kwarto to?' tanong ko saking sarili.

Nakita ko si mama na'ka upo ito sa may sofa malapit sa pinto, Kasama nito si Kieron.

"Ma!" pag tawag ko dito. Bigla naman ito nagulat at tumingin sakin, at agad itong tumayo pumunta sa akin.

Tinapunan ko naman ang lalaking nakatayo. Gulat naman akong ng makita ko si Kyro na'ka tayo ito malapit  sa pinto naka ito habang nakapamulsa.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Dika ba nahihilo?" Bungad ni mama sakin nong tuloyan na itong nakalapit. Bakas sa mga mata nito ang pag-alala.

Babangon na sana ako. Pero nong maramdaman ko na medyo masakit ang paa ko napabalik ako sa pagkahiga. Naramdaman ko rin sa banda siko ko na mahapdi.

"Wag ka muna gumalaw, dipa pa masyadong ok ang paa mo." ani niya. Agad naman akong tinulungan ni mama sa pag upo, para maka lapat ang aking likoran sa headboard ng kama.

"Ok na ako ma, wag kana mag-alala." sagot ko naman dito ng maka-pwesto na ako. Nagpakawala naman ito ng buntong hininga.

"Bata ka talaga! Ano ba ang nakain mo bat mo ginamit yung bike na yun." Sermon nito sakin. "Alam mo naman na sira yun," dugtong pa nito.

Ngayon ko lang naisip na sira pala yung bike na ginamit ko. Dahil ata sa iniisip ko kaya nakalimutan ko na di pala gumagana yong preno.

"Nakalimutan ko. Sorry." banggit ko dito, bigla naman nakisali si Kieron. "Nakalimutan niyan ni ate Dahil ka—," sambit nito pero hindi kuna pinatapos pa.

"Kieron!" sigaw ko dito. Alam kuna kong ano ang sasabihin ng lukong ito.

Binigyan lang ako nito ng isang ngiting nakakaluko, at binalik ang tingin sa cellphone na hinahawakan nito.

Nakita ko naman na tumitingin lang si Kyro sa amin. Habang naka tayo parin ito sa  pinto.

"Ma. Saan ba tayo at sinong bahay to?" pabulong kong Tanong kay mama. Curious talaga ako kong kaninang bahay to, at kong bakit andito rin si Kyro.

Iba kasi ang design ng kwarto. Gray ang kulay nito at merong table sa gilid ng kama, at doon naka lagay ang lampshade nito. Yong kulay naman ng kama ay gray ganon din ang mga unan, pati na rin ang mga curtain. Meron din itong aircon sa loob. May malaking closet din ito na pwedeng pagtaguan at  kulay gray din ito.

'Iwan koba sa nagmamay-ari nito fav ata ang kulay gray.' Mga salitang nabuo sa utak ko.
 
May sariling study table din ito at computer, meron ding upoan na pang gamer kulay red. Saka naka arrange din ang bawat libro. Kong lalaki ang nagmamay-ari ng kwarto na'to masasabi ko na lang na ang swerte ng future wife nito.

"Andito ka sa bahay ni sir Kyro." wika ni mama, dahilan ng pagkagulat ko." siya ang nag buhat sayo nong nahimatay ka., kaya dito ka niya dinala dahil malapit lang ito kong saan ka kanina na accident," Dugtong pa nito, habang ako naman hindi maka recover na andito pala ako ngayon sa bahay ng crush ko.

Kakahiya naman parang gusto ko na lang magpalamon as kama. Siya pala ang nagbuhat sakin, at lalo na na dito pala niya ako dinala sa kanyang bahay at mukhang sa sariling kwarto pa nito.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now