CHAPTER 6: BUHAT

103 7 0
                                    

—KERA POV—

Andito ako ngayon sa kwarto ni Kyro. Si kieron naman merong pasok dumaan dito kanina si mama bago ito tumuloy sa cavity hinatid muna nito si keiron sa school. 

Meron kaming pasok ngayon pero excuse lang daw muna ako, kinausap narin ni Kyro ang Advicer namin kong bakit hindi ako ngayon maka pasok. Hanggat hindi pa gumaling ang aking pagkapilay. Excuse muna ako ng ilang araw at ganon din si Kyro.

Diko alam kong anong sinabi nito sa adviser namin na ganon na lang ang pagkapayag nito, sabagay anak pala siya ng maynagmamay-ari ng school namin.

Naka upo ako ngayon sa kama ni Kyro habang tumingin dito sa loob ng kwarto niya. Meron din palang itong sariling Cr sa loob at may panting din ng mga mukha. Kakagising ko lang din, kaninang 5 AM dumaan dito si mama, kaya gumising ako tas natulog ulit.

'Saan kaya yun natulog, ahh baka sa kabilang kwarto.' Bulong ko sa'king sarili. Di narin ako nag abala pang mag tanong baka  kasi di naman mamansin. Ang sungit pa naman non.

Maya maya biglang bumukas ang pinto ng kwarto na, kaya naagaw nito ang attention ko. Bigla naman akong umayos sa pag-upo habang nakasandal as headboard ng kama.

Pumasok ito at agad pumunta sa pwesto ko. Basa pa ang mga buhok nito mukhang kakatapos lang ligo. Sa suot niya ngayon ang hot niya tingnan lalo na naka sando lang ito na white at short na black.

"Are you done?" Malamig nitong wika. Dahilan ng pagkagulat ko, nasa harapan kona pala ito ngayon habang nakatayo, dala dala ang trey ng pag kain. Meron itong gatas at fried egg, ham, tubig at meron ding gamot.

Agad naman akong umiwas dito, at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko ngayon.

'Takte ang aga aga ang lalandi mo self!' Galit na ani ng utak ko, at pa lihim ko naman kinurot ang isa kong kamay.

"Here, you can eat now." ani nito sabay lapag ng trey sa tabi ng table nito sa kama.

"Ubusin mo yan at inumin mo yang gamot." sambit nito gamit ang malumanay na boses.

"ah o-oo." bulol kong sagot, habang naka iwas parin dito. Kahit sinong babae naman siguro nahihiya pag yong crush mo ang nag serve ng breakfast mo tas hindi kapa naka hilamos. 

Agad naman ako napatingin sa kaniya para sabihin na hindi pa ako na'ka hilamos.

"Ma–maghilamos muna ako bago ko yan kainin." ani ko dito habang dahan dahan bumaba sa kama. Hindi ko narinig ang sagot nito.

Pero ganon na lang ang pagka gulat ko ng buhatin ako nito. "Uy, da–Dahan dahan lang." pagpapaalala ko dito binuhat lang naman ako nito na pang bridal style. Kaya amoy na amoy kupa ang  ginamit nitong pang paligo.

"Tsk!" hasik nito.

Kumapit na lang ako sa batok nito habang dinaramdam ang matigas niyang dibdib. Nang naka pasok na kami sa Cr pina upo ako nito sa upoan na gawa sa kahoy.

"Sa–salamat pala." pagpapasalamat ko dito.

Akala ko lalabas na ito pero laking gulat ko na naka tayo ito malapit sa pinto habang naka pamulsa ito.

"Ah-eh, Pwede ka-kanang lumabas tawagin na lang kita kung tapos na ako." Utal utal kong banggit.

Eh nakakailang kaya pag may tumitingin sayo habang may ginagawa ka, tas crush mopa.

Tumalikod ito. Kaya sinimulan kuna ang paghilamos. After 10 minutes natapos kuna rin.

"Tapos na ako." Tawag ko dito, kaya naghintay na lang ako na magbukas ang pinto ng Cr.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now