Napatingin si Aya sa isang kawal na mas malapit sa gawi nila.
May hanging bigla nalang dumaan sa gilid ng kawal. Nang tingnan niya ang hawak na espada wala na ito sa kanyang mga kamay. Nakita niyang hawak na iyon ni Aya habang papalapit sa isa pang halimaw.
Isang wasiwas lang ni Aya sa espada bumagsak agad ang ulo ng halimaw. Ilang sandali pa'y unti-unting nagiging abo ang katawan nito.
"Ganon lang yon? Tapos na agad?" Hindi maiwasang maitanong ng mga nakasaksi.
Marami ng napatay at nawasak ang halimaw na ito na kahit ang ilang daang mga kawal ay walang laban tapos isang wasiwas lang ng espada ng batang ito, matatapos agad ang buhay ng halimaw na iyon?
"Kaya mo naman pala ba't mo pa pinatagal ang pagtapos sa halimaw na iyon munting shida?" Tanong ng gulat na gulat na mandirigma. Pero nagtaka makitang nadismaya si Aya.
"Nadumihan ang damit ko." Wari iiyak ng sambit niya. "Nakakatamad pa namang maglaba."
"..."
Bakit nakatuon ang atensyon ng mga batang ito sa dumi at hindi sa kanilang kaligtasan? Mahalaga pa ba ang kalinisan sa ganitong sitwasyon?
Hindi tuloy maiwasang mahiya ng mga mandirigma dahil mas magaling pa ang mga kabataang ito kaysa sa kanilang sanay na sa digmaan at labanan.
Nakita din nilang natumba na ang halimaw na kalaban ni Rujin matapos nitong hampasin ang ulo nito gamit ang kanyang palad.
Nalusaw naman ang halimaw na kalaban ni Asana matapos nitong tapunan ng powder. Isang powder na kayang magpalusaw ng kahit anong bagay. Isa sa mga forbidden weapon ng Mysteria dahil sa panganib na dulot nito.
Dumating naman si Hyper na may bitbit ng isang basket ng prutas.
"Meryenda na muna tayo, alam kong pagod na pagod na kayo." Sabi niya at inabot ang basket kay Steffy.
Tumahimik ang lahat. Kahit ang mga sugatan napapigil sa pag-ungol. Saka pagod daw? Hindi kasi halata at mukha ngang naglalaro lang sila e.
Walang nakaimik nang magsimula na namang kumain sina Steffy at Hyper. Kasama na ngayon si Rujin. Napaikot na lamang ng mata sina Asana sa katakawan ng mga kasama.
Si Ruffin naman inalis na ang hiya sa sarili at nilapitan ang grupo nina Steffy upang manghingi ng tulong.
"Maari mo bang gamutin ang mga kasamahan ko?" Nahihiyang tanong ni Ruffin. Alam kasi niyang hindi maganda ang impresyon ng grupo nina Steffy sa grupo nila.
Maliban kasi sa nag-iisang mandirigma na tinulungan ni Steffy wala ng ginamot si Arken na mula sa kanilang grupo. Maliban din sa kanya, wala ng iba pang ginamot si Izumi sa grupo nila.
Napatingin sila kay Steffy kaya napatigil ito sa pagsubo.
Ang mga kagrupo ni Ruffin na ngayon ay sugatan na, napayuko at nahihiyang inangat ang mga ulo dahil sa hiya. Kanikanina lang kasi minamaliit nila ang grupo ng mga kabataang ito at ngayon naman, alam na nila na kahit physical combat lang ang gagamitin ng mga ito, wala na silang laban. Kaya naman pala sila ang pinadala ng Naicron Academy dahil may lakas at katangian silang naiiba sa lahat.
Hindi na sila umasa pang tutulungan ulit ng mga kabataang ito dahil masama ang pakikitungo nila sa umpisa palang. Inisip nila na kung alam lang nila na malalakas nga ang mga Naicroniang ito, baka mas maingat na sila sa kanilang mga pananalita. Gusto nilang magsisi sa mga ipinakita at mga nasabi nilang hindi kanais-nais nong una kaso huli na.
"Ba't sa akin kayo nakatingin? Ako ba lider?" Angal ni Steffy makitang sa kanya nakatingin ang lahat.
Iyon din naman ang tanong ng mga naroroon. Tinatanong nila kung sino ba talaga ang tunay na lider sa mga Naicroniang ito. Parang si Asana o ba kaya si Arken kasi sila lang ang mukhang matitino kunti. Si Izumi kasi masyadong tahimik. Si Sioji naman napaka-cold. Pag si Aya, siya ang mukhang pinakabata dahil siya ang pinakamaliit sa kanilang lahat. Pero mas madalas kay Steffy sila humihingi ng tulong at si Steffy rin ang mahilig mag-utos.

ESTÁS LEYENDO
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasíaRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...