"Ayaw ng kamahalan na kalabanin kita kasi mabait ka raw kaya tumabi ka na muna." Sabi ni Lucid kay Captain Xian.
"Kamahalan?" Tanong ni Captain Xian at tiningnan kung sino sa mga kabataan ang tinutukoy na kamahalan ni Lucid.
Lahat sila may simpleng mga kasuotan lamang at di niya mawari kung sino sa kanila ang mukhang anak ng hari. Napatingin siya kay Steffy. Ito ang nag-utos kay Lucid kanina na siyang lumaban at wari salita niya ang pinapakinggan ng grupo. Kaya lang, nakangiti lamang ito habang pinagmamasdan sila.
Ang alam nilang prinsesa na may dugong maharlika, eleganteng kumilos kahit nakasuot pa ng damit pang pulubi. Hindi basta-bastang yumuyuko kahit kanino at kapansin-pansin sa mga kilos nito at ayos ang pagiging anak maharlika o anak ng hari o emperador. Ang nababagay sa ganoong deskripsiyon ay sina Shaira at Sioji ngunit hindi kay Steffy na naka-cross legs habang nakalagay ang isang kamao sa baba at may hawak na piraso ng inihaw na karne ang isang kamay. Hindi rin pinansin kung nagusot ba ang suot o kung maayos ba ang pagkakaupo. Para itong galing sa pamilya ng mga ordinaryong pamilya lamang na walang royal etiquette na sinusunod.
"Bumaba ka diyan at magtutuos tayo." Biglang sigaw ni Haria Dana kay Steffy.
"Siya ang kumuha sa mga kapangyarihan niyo?" Tanong ni Captain Xian sabay tingin sa mukhang ordinaryong babae lamang na si Steffy.
"Siya po Captain." Nahihiyang sambit ni Haria Dana.
Kaya napatingin ang lahat kay Steffy. Inaakala pa naman nila na nasa 20, middle age Mysterian o ba kaya matanda na ang nagnakaw ng kapangyarihan sa mga kawal ng Raimon pero isang 13 to 14 years old lamang pala?
"Lucid. Pagkaubos ko ng prutas na ito dapat nakaluhod na ang kalahati sa mga mandirigma ng Raimon." Utos ni Steffy. Nakita kasi niyang sinasaktan ng mga kawal ang mga nakikitang mga mamamayan ng Servynx.
Mabilis namang naglaho si Lucid sa kinatatayuan, kasunod nito ang hiyaw ng mga kawal sa likuran.
Nilabas naman agad ng mga estudyante ng Wynx Military Academy ang kanilang mga sandata at inilabas naman ni Haring Daigo ang kanyang mga magic beast upang atakehin sina Steffy. Sabay-sabay namang inatake ng anim na mga black knight ang harang na nakapalibot kina Steffy.
Nanonood naman ang mga naiwan sa bubong at nagsimula ng kainin ang inihanda nilang mga meryenda.
"Gusto ko siyang subukan." Sabi ni Sioji makitang nabitak ang harang na ginawa ni Steffy matapos tamaan ng atake ni Captain Xian.
"Ang lakas nga niya. Sige, subukan mo." Sagot ni Steffy.
"Video-han mo ako." Sabi pa ni Sioji bago tumalon pababa.
"Ako din." Sabi din ni Geonei.
"Lalaban ka rin?" Tanong ni Steffy.
"Pa-video lang ako." Sagot naman ni Geonei. Hindi naman niya alam kung sino ang kakalabanin niya kaya mas gusto na lamang niyang manood.
Si Captain Xian naman napaatras. Kanina lang ay sigurado siyang may nakita siyang bitak ng parang salamin sa harang na inatake niya pero bakit naglaho agad ito?
Agad siyang umiwas nang maramdamang may paparating na bagay sa kanyang likuran. At nakita ang nakapamulsang si Sioji.
Wala siyang nararamdamang kahit kunting Mysterian ki sa katawan ni Sioji.
"Lalaban ka o tititig ka lang?" Tanong pa ni Sioji. Agad namang natauhan si Captain Xian at inihanda ang espada at inatake si Sioji.
Kaya lang, napakabilis ng kilos ni Sioji kasunod nito ang pagtama ng isang kamao sa likuran ni Xian. Napaatras siya ng bahagya.

YOU ARE READING
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...