Steffy 115: Special point of views

1.1K 69 2
                                    

Steffy's point of view

Itong si Asana palage lamang akong pinandidilatan ng mata. Kundi lang ako nag-aalalang mas lalong lalaki ang mata niya hinding-hindi ko siya pakikinggan. Buti nalang talaga at takot akong magmukha siyang tarsier kaya susundin ko nalang siya. Di na muna ako maglilikot at dadadaldal. Mamaya nalang ulit.

Iidlip nalang ako sandali. Pipikit na sana ako nang bigla kong naisip ang taong ibon na parang anghel. Susubukan ko kayang hanapin ang link papunta sa kanyang isip para makausap ko siya sa pamamagitan ng isip.

I closed my eyes and feel the energy in my surroundings. Pinakiramdaman ang bawat aura sa buong paligid at sa bawat lugar na madadaanan ng presensya ko. While closing my eyes, nakikita ko ang buong paligid. Pero ang malinaw lang sa aking paningin ay ang sinumang ipopokus ng aking utak. Para nga lang akong naglalakbay mag-isa na walang katawan. Yung pakiramdam na parang nakalutang sa hangin at tumatagos sa bawat pader na madadaanan?

Pinagpapawisan na ako pero hindi ko parin mahahanap ang pamilyar na aura. Malabo pa naman ang paningin ko kapag maglalakbay gamit ang isip at ang inner energy. Hindi naman maaring ipopokus ko nalang lage ang aking atensyon sa bawat bagay na malalagpasan ko para lilinaw sila sa aking paningin. Mas madaming enerhiya ang kakailanganin ko kung ganon. Ang tanging malinaw lang na makikita ko ay ang mga aura at enerhiyang nakikita ko sa bawat bagay o bawat mysteriang madadaanan ko. Kasi sa mga energy sa paligid ako nakapokus.

Hindi ko alam kung mararamdaman ba ako ng iba o hindi. Hindi ko naman dala ang aking katawan. Saka mental energy ginagamit ko ngayon at hindi ang aking kaluluwa na kaya ring maglakbay. Sinusubukan ko lang kung hanggang saan ang kaya ng mental ability ko.

Kung gugustuhin ko, kaya kong pumasok sa isip ng iba at kakalabanin sila mentally. O ba kayay, baguhin ang kanilang alaala, maari ring kontrolin ang isip nila. Pero kapag mas malakas ang kanilang mental ability baka ako yung mapahamak o magmistulang puppet ang katawan ko na nawalan ng huwisyo. Kaya mapanganib kung mag-trespass ako sa isip ng iba na mas malakas ang mental ability kaysa sa akin.

Mahanap na nga ang isang yon. Bakit ba hindi ko parin nahahanap ang aura niyang kulay puti na may halong ginto? Asan ba yon? Ang layo na ng nalakbay ko a. Ang daming malalakas na aura sa lugar na ito. Nakakakilabot yung iba. Buti nalang at mas malakas ako dahil kundi pa baka nagkamental injury na ako.

Nakikita na rin akong pamilyar na awra. Sa wakas at nakita ko na rin ang awra mo, kaso nasaan na ba ang katawan?

Lakbay pa Steffy, ang layo pa ng katawan niya. Napatigil ako dahil kaharap ko ngayon ang napakatayog at napakalaking parang enchanted palace. Nababalot ng sari-saring kulay ng malalakas na aura. Ibig sabihin mga bigatin ang nasa loob ng palasyong ito. Lumalakas ang aura ng taong ibon papasok sa loob. Ibig sabihin nasa loob siya.

Sinundan ko ang aurang kulay puti na may halong golden light. Kaso napatigil ako sandali dahil sa kulay pula na aurang ito. Ang lakas kasi. Ganito din kaya kalakas ang aura nina lolo kapag inilabas nila? Napatingin ako sa nagmamay-ari ng napakalakas na aurang ito na wari nararamdaman ang aking presensya.

May korona siyang kumikinang ni di ko mawari kung ginto ba yan o silver? Maari namang diamond. Di ko na yon iisipin. Ang iisipin ko nalang ay kung bakit niya ako nararamdaman?

"May problema po ba mahal na emperador?" Tanong ng kung sinong di ko kilala na nakatayo mga anim na hakbang mula sa trono kung saan nakaupo ang tinatawag na emperador daw.

Te-teka? Emperador daw?

Sinuri kong mabuti ang tinatawag nilang emperador na ito.

Sa pagkakaalam ko apat na Emperador lamang ang meron sa Mysteria. Ang Emperador ng Chamni, Emperador ng Wynx, Emperador ng Celeptris at ang dapat sanang Emperador ng Emperialta na si Haring Yuji na tumangging maging Emperador ng mahabang panahon.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Where stories live. Discover now