Steffy 138: taga-disyerto

880 58 0
                                    

Napatingin ang pitong bandido sa nakahandusay na mga kalaban. Mas marami sa kanila ang namatay dahil sa dahon na galing kay Steffy.

Masiglang kinuha nina Arrow, Fan, Spear, Dagger at Sword  ang anumang makikita nilang mga mahahalagang bagay mula sa mga natalo nilang mga kalaban.

"Maganda ang espadang ito." Nakangiting sambit ni Sword habang tinitingnan ang espadang kinuha niya mula sa bangkay ng nakalaban nila kanina.

"Nangyari sa inyong dalawa?" Tanong ni Fan kina Sharp at Blade.

Hindi parin kasi nawawala ang pamumutla ng dalawang. Nasaan na ba ang tapang ng mga to? Tinawag nga silang the fearsome bandit dahil sila ang kinatatakutan at hindi sila ang natatakot.

Iisa lang naman ang kinatatakutan nila. Mga magulang nila.

Sabay na umiling ang dalawa na takot magsalita at mas lalo pang pinagpapawisan.

"Natatae daw sila." Sagot naman ni Steffy.

"Mukha ba kaming natatae?" Panabay pang tanong nina Sharp at Blade sa sarili.

"Kung natatae kayo wag niyo ng pigilan. Mukha niyo palang mukha ngang gusto niyo ng magbawas." Sambit ni Dagger ngunit napalunok ng laway makita ang matalim na tingin ng kanilang lider.

"Wala ba kayong mga flying artifacts o ba kaya magic beast o teleportation stone?" Tanong ni Steffy dahil lakad lang naman ang ginagawa ng mga Mysteriang ito.

"Bihira lang ang nakakakuha ng ganoon. Saka ang layo kaya ng Emperialta rito?" Sagot ni Fan na nakakunot ang noo.

"Anong koneksyon ng Emperialta sa mga tanong ko?" Tanong muli ni Steffy.

"Alam mo bang sa Emperialta lamang makakatagpo ng mga Bysteria na maaring gawing alaga, sasakyan o ba kaya isasama sa labanan?" Sagot naman ni Spear.

"Weh! Di nga? Kung ganon wala ring flying artifact dito? Tulad ng flying sword? Flying spear o ba kaya flying dagger? Na maaring sakyan ng may-ari?" Tanong muli ni Steffy.

"Kadalasan sa mga may ganyan ay ang mga nakakapasok sa Wynx Academy. Bihira lang ang nakakakuha ng ganyan maliban na lang kung may espesyal kang kakayahan para mapansin ka ng mga eksperto sa Wynx Academy at makapasok roon." Sagot naman ni Arrow.

"Wala talaga kayong kahit isang masasakyan man lang? Napakahirap niyo naman kung ganoon." Inaakala kasi niya na normal lamang sa mga Mysterian na may mga flying beast or flying artifact dahil madalas may mga flying beast o flying artifact ang mga nakikita niya sa Norzian or sa Emperialta.

Normal ngang magkaroon ng mga nakakalipad na mga bagay o mga sasakyang panghimpapawid ang mga taga-Emperialta pero hindi sa ibang kontinente dahil pili lamang sa kanila ang may kakayahang makahanap o makakuha ng mga masasakyan, Bysteria man o makapangyarihang bagay na nakakalipad.

"Bakit ikaw ba meron?" Tanong pabalik ni Fan.

"Meron." Taas noong sagot ni Steffy.

"Saan?" Tanong naman ni Spear na na-curious din.

"Ito o. Flying kiss." Sabay flying kiss niya sa dalawa.

Napaikot na lamang sila ng mga mata.

"Bakit di ka man lang nabahala? Paano kung may gagawin kaming masama sayo? At saka bakit kusa kang sumama?" Di mapigilang tanong ni Sword.

Nagtataka kasi sila kung bakit kusa na ngang sumama sa kanila hindi pa nag-alala. At kung kausapin sila parang mga dati ng kakilala?

Wala naman silang nakikitang espesyal kay Steffy. Gusgusin pa nga e. Saka faint na white lang ang makikita nilang paminsan-minsang kumakawalang aura mula sa katawan nito. Ibig sabihin, isa lamang siyang ordinaryong Mysterian na hindi pa stable ang kapangyarihan.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Where stories live. Discover now