Tinakpan agad ng ginang ang bibig ng anak para di makapagsalita ng kung ano pa.
"Pagkalabas niyo po sa Servynx City magagamit niyo na pong muli ang inyong kapangyarihan." Sabi ni Steffy na ikinatulala ng ginang sa narinig.
"Pero mas ligtas pong pumunta muna kayo sa Myrtle City at doon na muna magtatago. Iyon ang mas ligtas na lugar para sa inyo." Nakita kasi niya ang iilang past ng ginang na ito at ng anak niya.
Mula sa maharlikang angkan ang mag-ina na tinaboy ng mga kamag-anak at asawa para makuha ang yaman ng kanilang pamilya. Patay na ang ama ng batang ito, at balak naman ng mga kapatid ng ama ng bata na makuha nila ang yaman na naiwan sa mag-ina. At para mangyari iyon, ipinapatay nila ang ina at ang batang ito.
Dito naisipang magtago ng ginang sa Servynx City dahil walang nakakagamit ng kapangyarihan sa lugar na ito. At di sila madaling matutunton ng mga kamag-anak nila, dahil di naman nila nagagamit ang mga magic artifact na maaaring magtuturo sa kung nasaan ang mag-ina.
"Myrtle City?" Tanong ng ginang na nakakunot ang noo. Halatang nagtataka. Hindi pa kasi siya nakarinig na syudad na may pangalang Myrtle City.
"Myrtle City. Ang dating Hanje City." Muling sabi ni Steffy na ikinalaki ng mga mata ng ginang. Habang ang mga nakiusyosong mga Mysterian naman ay nagsitawanan.
Alam nila na ang Hanje City ang kinatatakutang syudad sa buong Hariatres tapos sasabihin ng kabataang ito na ito yung mas ligtas na lugar? Nababaliw na ba ang batang ito? Wala pa kayang nakakalabas sa bawat mga Mysteriang napapadpad sa Hanje City? Ni hindi pa nga nakakabalik ang huling team na ipinadala ng Wynx Empire para iligtas ang ilan pang mga Mysteriang nasa loob ng Hanje City?
Pero nang marinig nila ang sinabi ni Lucid napalitan ng pagtataka ang kanilang mga mata.
"Nahihibang ka na ba? Kakatayo lang nong syudad. Ilang taon pa ang kakailanganin para matapos yon." Sagot ni Lucid.
May nagpatayo ng bagong syudad sa Hanje City? Di ba pinamumugaran na iyon ng mga halimaw?
"Wala ka bang tiwala sa akin?" Nakataas noong tanong ni Steffy.
"Malamang." Sino bang gagawa ng syudad na isang araw lang matatapos na?
"Matatapos agad yon. 3 days lang ang kailangan."
"Asa. Hindi mangyayari yon." Giit din ni Lucid.
Agad namang pumikit si Steffy at kinausap ang lolo't-lola niya na magpadala ng mga tauhan para sa pagpapatayo ng syudad. Maging ang mga Mysterian sa disyerto tinawag na rin. May mga teleportation stone naman ang mga ito at madali lang sa kanila ang makarating sa Hanje City. Para sa kanila din naman ang syudad na ito. Mula Hanje patungong disyerto ay papagawan niya ng syudad sa pamamahala ng mga sundalo at sa tulong ng mga Arizonian at Naicronian.
"Anong ibig niyong sabihin dakilang shida?" Napadilat siya marinig ang tanong ng ginang.
"Ligtas na po ang Hanje City laban sa mga halimaw. Kaya maari na pong tirahan ng kung sino." Sagot ni Steffy. Gusto mang maniwala ng ginang pero alam niyang imposible iyon. Nagtawanan naman ang mga Mysterian sa paligid. Iniisip na hibang na nga talaga ang gusgusing shidang ito.
"Aalis na po kami. Kayo na pong bahala sa anak niyo." Paalam ni Steffy. Wala siyang pakialam kung maniniwala ba sila o hindi. Ang mahalaga'y nasabi niya ang anumang ninais niyang sabihin sa ginang.
Paalis na sana sina Steffy nang tawagin siya ng ginang. "Sandali! Maari bang malaman ang pangalan mo dakilang Shida?"
"Wag niyo po akong tawaging dakilang shida. Lalo pong lalaki ang ulo ko." Nakangiting sagot ni Steffy.

YOU ARE READING
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...