"E yung limang bato pong tinutukoy niyo? Ano po yon at saan matatagpuan?" Tanong ni Rujin.
"Ito ang limang bato ng Chamni. Bato na kung sino ang makakakuha ay magiging tagapagmana sa isa sa limang clan ng Chamni." Sagot ni haring Yuji.
"Ang blue stone na kilala rin sa tawag na bato ng kalikasan na kayang bumuhay ng patay at kayang ibalik ang naglahong kapangyarihan na kilala rin sa tawag na healing stone ng Vergellia. Ang scarlet stone na tinagurian ding bato ng Ecclescia na kayang kumukontrol sa lahat ng uri ng apoy sa mundo. Ang Jade stone ng mga Jadeian na kayang paglahuin lahat ng bagay sa mundo. Lightning stone ng Perzellia na kayang bigyan ng superspeed ang lahat ng nilalang sa mundo. At ang bato ng Zaihan na nagbabago ng kulay depende sa kung sino ang makakahawak. Batong pumipigil sa mga kapangyarihan ng sinumang mga Mysterian. Ang sinumang mapapalapit sa batong ito hindi makakagamit ng Mysterian o Chamnian energy." Paliwanag ni Haring Yuji.
"Parang alam ko na kung nasaan ang batong yan." Sagot ni Asana.
Nagsitanguan naman ang mga kasama.
"Kung ganon kailangan namin yon kunin?" Tanong ni Arken.
"Hindi na." Sagot agad ni Yuji.
"Pero bakit po?" Tanong ni Rujin.
"Iisang bato na lamang ang kailangan niyong hanapin. Ang lightning stone. At siguraduhin niyong wag mahahawakan ng isa diyan para di mawawala ang kakayahan ng bato." Sagot ng hari at sinulyapan si Steffy.
"Kung magpaparinig po kayo wag na kayong sumulyap. Sabihin niyo na lang po ng diretso." Nakangusong sagot ni Steffy.
Di naman niya sinasadyang malipat sa kanya ang kapangyarihan ng mga batong yon di ba? Saka dalawang bato lang ang naalala niyang nahawakan niya. Yung batong nakita nila sa Celeptris at ang batong nandito sa Servynx Academy. Kailan pa niya nahawakan ang dalawa pa? Bakit di niya maalala?
"Tingnan mo ang mga batong balak mong gawing bala ng slingshot mo." Sabi ni Haring Yuji kaya kinuha ni Steffy ang pouch niyang lalagyan ng sling shot niya.
Binuhos niya ang laman nito at kumalat sa mesa ang mga bilog na maliliit na mga batong may iba't-ibang mga kulay. May teleportation stone, storage stone, voice transmission stone, energy enhancer stone, energy nullifier stone, ang healing stone at Jade stone na inaakala niyang katulad lang din sa mga teleportation stone.
Agad namang dinampot ni Luimero ang dalawang bato.
"Ang kulay blue na to ay hindi teleportation stone kundi ang healing stone. At ang puting Jade na ito ay ang Jade stone. Napakahalaga ng mga batong yan at balak mo pang gawing bala niyang sling shot mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luimero. "Ni di ka man lang napalo sa puwet mo?"
"Tumakbo ako e. Saka ninakaw ko to sa storage room." Sagot ni Steffy na halos pabulong na lamang yung huli niyang sinabi.
"Kung talagang malapit ka lang dito kanina pa kita napalo." Sagot ni haring Yuji.
"Kaya nga ayaw kong lumapit sayo. Ang sakit kaya nong puwet kong pinalo mo non." Sagot ni Steffy na ibinabalik sa pouch ang mga batong nakakalat sa mesa.
Ang mga kaibigan naman nakaawang ang mga bibig. Ang mga batong inaakala nilang mahihirapan silang hanapin gagawin lang palang bala ng slingshot ng kasama nila?
"Nag-iisip pa tayo kung paano kunin ang mga bato e nasa iyo na pala? Wag mong sabihing na sayo rin yung apat na legendary treasures?" Tanong ni Hyper.
"Na saiyo ang libro di ba? Kung ganon alam mo rin kung saan ang Mysterian core?" Excited na tanong ni Aya.
"Itanong niyo sa libro." Nilahad ang palad at lumabas mula rito ang isang makapal na libro.
"Nasa iyo nga!" Gulat na sambit ng mga kaibigan at mabilis na nilapitan ang libro. Kinuha ito ni Asana at excited na binuksan kaso hindi niya mabubuksan.

YOU ARE READING
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...