Steffy 133: Magpalamig na muna

1K 64 3
                                    

Sinuri muna nila ang mga kabahayan sa paligid at kung wala bang ibang naapektuhan sa pag-atake ng mga kalaban.

Tinunaw na rin nila ang mga yelo sa paligid para walang mapapahamak rito.

"Wala naman silang ibang ginalaw. Mukhang ang kamahalan lang talaga ang pakay nila." Sabi ni Arken.

"Hindi sila harap-harapang lumalaban dahil alam nilang mas mahina parin sila sa mga Chamnian. Yung mga pinakamahina lamang ang ipinadala nila. Paano kung sa susunod ay ang pinakamalakas na?" Nag-alalang tanong ni Aya.

"Ilalabas lang nila ang mga pinakamalalakas kapag sigurado na silang wala ng makakatalo pa sa kanila." Sagot naman ni Asana.

"Pero bakit palage nilang sinusubukan si Steffy?" Tanong naman ni Sioji na nakakunot ang noo. Kanina kasi sa halip na harapin siya ng dalawang kalaban na iyon, hindi siya pinansin at parang mga puppet ang mga itong diretsong umatake kay Steffy. Kung di siya nagkakamali, si Steffy ang pakay ng kontroler na nagkokontrol sa kanila at hindi ang prinsipe ng Wynx.

"Maaaring sinusubukan nila ang lakas niya? Ngunit maari ring may hinala silang isa siyang pinili." Sagot ni Asana.

Bumalik sila sa Naicron Academy at ibinalita sa mag-asawang Arizon ang nangyari.

Ligtas namang nakarating sa Hariatres ang grupo nina Kurt. Pabalik na sila sa palasyo nang makaramdam ng pagsikip ng dibdib ang prinsipe maging ang ilang miyembro ng Hunters team.

"May Hunters team member ang nasa panganib?" Hindi siguradong sambit ni Zync.

Ang mga misyonaryo, pinadala sa Royal Knight Camp para doon manatili at magsanay na rin. Habang ang prinsipe at ang Hunters team dumiretso sa palasyo. Ang Haria naman agad pumunta sa tahanan ng grand empress para magsumbong.

Kaharap na ngayon ng mga Hunters team members ang Emperador. At dito nila nalamang biglang nawala ang isa nilang miyembro na inatasang pumunta sa timog na bahagi ng Hariatres. Hindi na rin matagpuan ang sinasakyan nitong aircraft, kaya nagpadala ang hari ng hukbo para maghanap rito at alamin kung ano ang nangyari.

"Nasa panganib po ang buhay niya ama." Dahil sa life pact na ginawa nilang mga miyembro ng Hunters team, malalaman ng bawat isa kung nalalagay sa panganib ang mga kasamahan.

"Wala tayong ibang magawa kundi ang maghintay." Napabuntong-hininga na lamang ang Emperador.

"Kumusta ang lakad niyo sa Emperialta? Nagsilabasan ba sila?" Tanong ng Emperador.

Kumunot ang noo ni Kurt sa narinig. "Kung ganoon alam mong aatakehin ako ng mga Dethrin kapag pumunta ako sa Emperialta?" Tanong niya sa ama.

Sa halip na sumagot nagtanong muli ang Emperador. "Kumusta ang lakas ng mga taga-Emperialta? Lalo na ng mga Naicronian?"

"Kaya ba, iilang Hunters team members lamang ang ipinadala niyo para masubukan ang lakas ng mga taga-Emperialta at mga Naicronian?"

Sina Dremin naman nagtatanong kung bakit puro tanong ang pag-uusap ng mag-ama. Gusto tuloy nilang sumingit sa usapan at sabihing pwede bang may sagot naman?

Ang totoo, pinadala ng Emperador si Kurt sa Emperialta hindi lang para mahanap ang mga pinili kundi para makakalap ng impormasyon at mapagtanto kung lumabas na nga ba ang mga Naicronian.

"Magmula ngayon, dodoblehin ko na ang pagsasanay niyo para hindi na maulit ang nangyari. Natuklasan kong may panlaban na ang mga Dethrin sa mga Mysterian energy. At may mga bagay silang hindi natin kayang talunin. Kaya ibabalik ko na muna kayo sa Wynx Royal Academy. Hihigpitan ko na rin ang pagsasanay sa Military academy."

Sa loob naman ng palasyo ng mga Hanaru.

"Naicronian! Sigurado akong mga Naicronian lamang ang nakakagawa non." Sambit ng Emperador ng Hanaru Empire.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Where stories live. Discover now