Steffy 217: Journey to Central Area 2

903 68 1
                                    

"Woah. Ang ganda dito sa tuktok." Sambit ni Aya sabay takbo malapit sa railings.

Si Rujin naman agad tinungo ang fountain at nanalamin sa tubig.

"Selfie muna ako." Sambit ni Izumi sabay hanap sa kanyang miliphone para makapag-selfie na.

Agad namang nag-record ng video si Arken.

Sina Geonei at Hyper agad binuksan ang kanilang Myllenia account para makapag livestream.

Nakapamulsa namang inilibot ni Sioji ang paningin sa buong paligid.

"Maganda ang view sa bandang ito, kumuha tayo ng mga larawan." Tawag ni Shaira.

Agad namang nagsilapitan ang mga kasama para makakuha sila ng larawan na ang background ay ang makukulay na mga ulap at ang iba pang mga sasakyan sa himpapawid.

Pinalutang nila sa hangin ang miliphone ni Steffy sabay kuha ng mga larawan nila.

Pagkatapos kumuha ng mga larawan, sinuri nilang muli ang paligid.

"Alam mo Steffy, bakit ngayon ko lang napansin na mayaman din pala ang mga adopted parents mo dito." Tanong ni Asana na nakahawak ngayon sa kristal na handrail ng aircraft.

"Gawa ko ito kasama ang adopted mom ko sa Mysteria at kuya Histon. Kapangyarihan ko rin ang nakapaloob sa batong nagpapatakbo sa sasakyang ito kaya madali lang sa akin na kontrolin ito." Sagot ni Steffy.

"Woah. Ang galing mo pala. Nakakagawa ka na ng ganitong sasakyan noong bata ka pa?" Gulat na sambit ni Aya. Noong bata pa siya, ang tanging alam lang niya ay tumakbo at tumakas sa mga tumutugis sa kanya.

"Wala ito kumpara sa Chamni. Siguradong magugulat kayo kapag nakapunta sa lugar na iyon." Sagot ni Steffy at napahinga ng malalim.

"Sinabi kong oras na ng pagbawi kaya babawiin ko na rin ang kapatid ko. Maging ang mga buhay at mga kapangyarihan na hiniram nila sa akin. At nagsisimula na ako." Mahinang sambit ni Steffy. Napatingin siya sa wrist niya. Kailangan niyang matanggal ang ilang layer ng seal na meron siya ngunit hindi niya alam kung paano matanggal ang ikalawang layer ng kanyang seal.

Napatingin si Asana sa iba. Mabuti nalang at naging abala ang mga ito sa kakatingin sa mga kagamitan sa paligid. At di na napansin ang mahinang sambit ni Steffy.

Nagulat sila dahil pabago-bago ang anyo ni Steffy. Minsan nagiging maliwanag ang mukha nito minsan naman nagiging simpleng Steffy. Hindi ito nakikita ng iba dahil natatakpan nina Asana si Steffy.

Napatingin naman si Steffy sa wrist niya. Nagliliwanag na naman ang birthmark niya. Saka niya naalala na tatlong araw na lang at birthday na niya. Ang tunay na birthday ng tunay na siya.

Hindi niya alam kung anong kakayahan na naman niya ang magigising pagkatapos ng kaarawang ito.

Nagtataka na rin siya kung bakit ngayong nagdaang mga araw, hindi na niya nakakausap ang lolo niya. Hindi na rin nagpaparamdam ang kanyang ina't-ama sa Chamni.

***

Mabilis na nakarating sa hangganan ng central area ang kanilang sinasakyan. Hindi nila alam na bukod sa kanila, may marami pang mga Mysterian na nagmumula sa iba't-ibang clan ang nandito at hinihintay ang pagbubukas ng portal patungo sa central area.

Habang pababa ng aircraft, ninais ni Zion na malaman kung anong level na sina Asana.

"Anong level na kayo? Ang lalakas niyo kasi." Sabi niya kay Asana.

"Baka Master?" Di siguradong sagot ni
Asana. Bumaba ang level ng mga kapangyarihan nila dahil sa kanilang mga suot na pampigil ng mga kapangyarihan at kakayahan ngunit hindi nila alam kung saang level ba sila nabibilang kapag may mga suot silang pampigil ng kapangyarihan.

"Hindi niyo alam ang level niyo?" Hindi makapaniwalang sagot ni Zion.

"Oo e." Sagot ni Asana.

"Ikaw Haria, anong level ka na?" Tanong niya kay Steffy.

"Level? Di ko alam e. Ikaw Sioji, anong level ka na kaya?"

Nagkibit balikat naman si Sioji. "Wala namang level sa atin e. Basta makontrol natin ang kapangyarihan natin, iyon na yon." Sagot niya pa. Batid niyang hindi na nasusukat ng Mysterian level ang kanilang kapangyarihan pero ngayong napipigilan ng ability suppressor na suot niya ang kanyang kapangyarihan, hindi niya alam kung ilang level ang ibinaba ng kanyang kapangyarihan. Nasa Invincible level ba siya o bumaba sa grandmaster level?

"Hindi ba sinabi sa inyo na bago kayo makakapasok sa portal may susulatan pa kayong form? Kailangan niyong ilagay ang level niyo sa form na yun." Sabi ni Zion sa kanila.

Napatingin sila sa mga naunang dumating. May mga form nga silang sinulatan ng kanilang mga impormasyon. May isang matandang may silver na buhok ang nagbabantay sa daraanan at sa tapat niya ay ang kahon kung saan lalabas ang mga maninipis na puting liwanag at nagiging papel na gawa sa liwanag.

Pagkatapos sagutin ang mga tanong sa papel, maglalaho agad ito at magkakaroon na ng puting badge isang Mysterian na palatandaan na maaari silang pumasok kapag nagbubukas na ang portal.

"Aakalain mo ba namang ipadala ng Wynx Empire ang mga mahihina niyang mga estudyante." Mayabang na sabi ng isang lalaking nakasuot ng kulay puting uniporme. Mula damit, pantalon, coat at sapatos, kulay puti lahat.

Nagsitawanan naman ang mga kagrupo niya na kapareho ng suot sa kanya.

Nainis ang ilang mga estudyante ng Wynx Empire sa narinig ngunit napatigil sila sa pag-atake makitang may mga pakpak ang mga kabataang nanghamak sa kanila.

"Bakit may mga Superian dito?" Gulat na sambit ni Yumi.

Ang mga estudyante namang nanghamak kina Steffy noon, nakayuko na ngayon. Natatakot na pagdiskitahan sila ng mga Superian. Kahit sina Jaino ay nananahimik ngayon kahit na tinisod na ng isang superian ang isa sa mga ka-team nila.

Sa isang sulok naman naka-smirked ang grupong ito habang pinapanood ang mga Superian na inaapi ang mga Wynxian.

"Inaakala ko pa naman na malalakas ang mga Wynxian na yan. Iyun pala para lang silang mga tuta sa harapan ng mga Superian." Sabi ni Nayl.

"Wag kang pakampante. Baka maulit lang ang dati." Sabi ni Solaira. Masyado nilang minaliit ng mga kabataang nakalaban nila sa Perzeton kaya sila natalo. Inaakala nilang madali lang talunin ang dalawang batang yun kaya naman hindi sila nakapaghanda ng bigla silang atakehin nina Steffy.

"Kapag nakita ko ang dalawang yun. Papagbayarin ko talaga sila." Sabi pa ni Solaira ngunit natigilan siya makita ang bagong grupo na kakababa lang sa isang aircraft. Sumama rin ang mukha ni Nayl makita ang mga bagong dating.

Nakita kasi nila sina Steffy ganon narin si Shaira na isa sa mga piniling hinahabol nila sa Perzeton. Isa sa piniling may forbidden ability.

"Hindi yata pagsubok ang ibinigay sa atin kundi pangpatay." Sambit ni Luna makitang ang daming mga Mysterian mula sa iba't-ibang panig ng Mysteria ang nandirito. Higit sa lahat, may mga nilalang din na sa hinala nila ay grupo ng mga Hanaru dahil sa mapuputla nilang mga balat at pulang mga mata.

"Kapag pansin niyong hindi niyo na kaya, gamitin niyo na ang mga teleportation stone na binigay sa inyo." Sabi ng isang Arkian.

May mga teleportation stone na binigay sa bawat isa maliban sa bratty gang na hindi binigyan ng mga elders dahil hindi sila kasali sa listahan ng mga lalahok sa misyon.

"Tandaan niyo. Kung hindi niyo kayang pumasok ng buhay at lumabas ng buhay, hindi kayo karapat-dapat na maging isang pinili." Iyon naman ang sinabi ni Hairu bago bumalik sa loob ng aircraft kasama ang ilan pang mga Arkian.

Nauna namang maglakad ang tahimik na si Karim at naghanap ng mapupwestuhan. Sumunod naman ang iba.

Nagsibabaan naman sina Kurt na nakasakay sa isa pang aircraft at naghanap rin ng mapupwestuhan.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Where stories live. Discover now