Chapter 11: Whatʼs The Result?

37 38 0
                                    

WHATʼS THE RESULT?

Paalis na sana si Vahn nang tawagin siya muli ng kaniyang mga kasamahan. He stopped for a moment inside the headquarters habang hindi pa siya nakalalabas. “Pumunta ka lang dito para lang pakinggan ang statement ng mga kawatan na iyon?” tanong nito, kaya naman hindi nag-alinlangang tumango si Vahn.

“I have to take action. We have been unable to solve the case we are handling for more than three years, and we have yet to find any information,” sabi niya.

“Sir Vahn, hindi baʼt may nabanggit ka sa akin na may babaeng muntikan ka nang masagasaan?” tanong naman ng kaniyang co-agent na nagngangalang Lloyd. “Nasa puder mo pa rin ba siya ngayon?”

Vahn still hesitated whether to tell them about Ms. Luther so that they could have a thorough examination of the case they were handling.

He didnʼt do anything, but just nodded again and was ready to reveal the girl he was with now. “Sa totoo niyan, si Ms. Luther ang kasama ko, pero hindi ko muna ito ipinaalam sa iba,” sabi niya. “Look, everyone knows that she is missing and canʼt be found, pero nasa puder ko na siya ngayon. She herself told me not to tell others.”

Nagkatinginan ang dalawang kaniyang co-agents. “Damn! Vahn, seryoso ka ba? Aba, dapat nga lumabas na siya sa public para hindi na mag-abala pa ang mga pulis sa paghahanap sa kaniya,” komento naman ni Cyruz.

“Ano bang kalagayan niya ngayon? Ayos lang ba si Ms. Luther? Ano raw ang nangyari sa kaniya at kung bakit siyang nawala?” tanong ni Lloyd.

“Iyon nga, nakuha ko na ang mga statements niya, pero hindi siya sigurado kung ang serial killer ba ang may gawa niyon sa kaniya.” He approached the two, and he looked around to avoid those who would hear that confidential matter.

“Noong nakaraang linggo lang siya nawala, at ayon sa statement na sinabi ng dalawang lalaki kanina, kinuha lang nila ang gamit ni Ms. Luther, pero wala silang kinalaman sa bigla nitong pagkawala.

“Ayon pa sa statement na sinabi sa akin ni Ms. Luther, nagising na lang siya na nasa ilalim ng hukay, at noong araw na iyon, doon ko lamang siyang naabutan at muntik ko nang masagasaan sa liblib na lugar. Maaaring sa abandonadong sementeryo ang kaniyang tinutukoy,” pagpapatuloy niya.

“Then what happened to her in two days, if she disappeared that week?” pagtatakang tanong ni Cyruz.

Napailing siya. “Thatʼs the question; even she doesnʼt know it either, as if she had amnesia. Wala siyang maalala maliban noong linggong iyon na nawala siya, dahil pagkatapos daw umatake ang riding-in-tandem na iyon at kinuha ang kaniyang mga gamit, hindi niya na alam kung anong nangyari.”

“There may be such a case. If you donʼt remember anything about the past few days, it could be that someoneʼs brain has been affected, or maybe sheʼs been hit,” sabi nito, at itinuon ni Vahn ang kaniyang atensyon sa co-agent. “That could be the reason why she lost her memory.”

“But not everyone is like that. Vahn, does she have bruises on her body? Did you see any possibilities that he might have been tortured or what?” tanong naman ni Lloyd.

Alam ni Vahn na ginamot niya ang mga pasa at sugat ni Rhian, pero hindi naman ganoon kalala ang kaniyang sitwasyon, at dahil sa ganoon lamang ang napala ni Rhian ay hindi na ito nagpadala sa hospital. “May mga pasa at sugat lang siya, pero hindi naman ganoon kalala; hindi tulad ng mga bangkay na nakikita natin sa crime scene, bugbog-sarado,” tugon niya.

“She may have just been kidnapped, but I canʼt say that the serial killer did it either,” pagpapatuloy ni Lloyd. “Kung hindi naman ang sinabi kanina ni Cyruz, may possibilities na... ginamitan siya ng tranquilizer.”

No Escape Series #2: No ResolveWhere stories live. Discover now