Simula

23 6 0
                                    

A/N: I dedicate this story for those people who can't confess their feelings to their love, crush etc, lam niyo na kung sino kayo hahaha. Huwag niyong hayaan na habang buhay na tikom ang bibig niyo.

But don't fall in love to someone who's still in love to their first love. I know it will hurt you, kasi may puwang pa sila sa puso ng taong gusto mo na may gusto pa rin sa first love niya. Pero nasa sakniya na iyon kung ready na ba siyang maging open sa rs, pero kapag hindi sana huwag muna para hindi masaktan iyong sunod na mamahalin niya which is ikaw. Lalo na kung babae ka, precious sa akin lahat ng babae hindi lang dahil sa babae rin ako. Masarap kasing mag-mahal kapag ikaw lang ang mahal at kuntento na sa'yo.




Simula






"Hindi naba makakapag salitang muli ang pamangkin ko? " narinig kong tanong ni Tita Sanya sa doktor na tumitingin sa kalagayan ko.



Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata ng doktor. At dahil doon ay nakuha ko na ang sagot niya sa tanong ni Tita.




Malungkot na nginitian ng doktor si Tita at dahan dahang umiling. "I'm sorry, Ms Santiago, " malungkot din ang tinig nito.


Nag iwas ako ng tingin sa kanila nang lingunin ako ni Tita Sanya. Ayaw ko kasing ipakita sa kaniya ang malungkot kong mukha na may halong pagkadismaya.



Dahil ayaw kong madagdagan ang pag aalala niya sa akin.



"Pero diba may magagawa pa tayo? " nagbabaka sakaling tanong nitong muli.



Halata rin na pursigido siyang gumaling ako. Gano'n din naman ako. Pero minsan naiisip ko na baka nakakaabala na ako sa kaniya hindi niya lang sinasabi sa akin para hindi ako masaktan at maisipang mag layas dahil wala akong matitirahan.




Yumuko ang doktor at dahan-dahang umiling nakita ko iyon sa gilid ng aking mata.




At dahil doon ay parang gumuho ang mundo ko at umatras ang pag-asang namumuo sa aking puso, pag-asa na makakapag salita pa akong muli.




Alam ko namang wala na talagang pag asa, pero umaasa pa rin ako na makakapag salita pa ako ulit. Pero paano?


"Vivoree... " pag tawag sakin ni Tita nang makapasok kami sa loob ng kaniyang sasakyan.



Nag handa ako ng isang ngiti bago ko siya harapin. Nagtataka ang paraan ng pag tingin ko sa kaniya bilang pag tugon ko sa pag tawag niya sa aking pangalan.

Hindi aabot sa kaniyang mga mata ang kaniyang ngiti na isinukli sa akin. "I'm sorry, hija. Kasi wala akong nagawa, I'm very very sorry. B-because I'm not there to protect you and your mother," paghingi niya ng tawad habang tumutulo na ang mga butil ng luha sa kaniyang mga pisngi.

Parang nanikip ang dibdib ko. Hinawakan ko ang kamay ni Tita at ang isa kong kamay ay nag simulang mag type sa keyboard ng cellphone ko.


Ayos lang po, Tita. Tanggap ko na po ang katotohanan, huwag kana pong umiyak nasasaktan po ako.



Napahagulgol si Tita nang mabasa niya ang tinaype ko. Niyakap niya ako habang umiiyak, niyakap ko rin siya pabalik habang namamasa na rin ang aking mga mata.



Nasasaktan akong makitang may taong nahihirapan ng dahil sa akin. At nasasaktan din akong tanggapin ang katotohanan na mag isa na lang ako. At iniwan na ako ni Mama nandito naman si Tita pero iba pa rin ang kalinga ng isang ina at ang pagmamahal ng isang ina.



Silent Voice of Love (Rush Beast Series #2)Where stories live. Discover now