Kabanata 3

7 2 0
                                    

Kabanata 3

Masakit

Hindi ako isinama ni Tita sa pamimili ng mga gamit ko para sa school dahil masyado raw mainit at baka mangitim ako lalo. Morena kasi ako pero hindi naman problema sa akin iyon.


Kaya nandito lang ako sa bahay at nag guguhit ng isang bahay, ang dream house ko at may mga layout na ito kung na saan 'yong kusina, banyo at ang magiging kuwarto ko.



"Drawing mo? " tanong ng sumulpot na si Kuya Adonis.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya at tumango.


Ngumiti siya at napatitig sa drawing ko. "Ang ganda, dream house mo iyan ano? " manghang tanong niya kaya tumango akong muli.


Nangunot bigla ang noo niya at biglang nagtaka ang guwapo nitong mukha. "Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong niya na ikinatigil ko.



"Adonis! " nanggigigil na pag tawag sa kaniya ni Tita Rose na nagmamadali pang lumapit sa amin.


Napatingin kaming dalawa sa kaniya. Nginitian niya ako ng pilit at hinila ang anak papalayo sa akin at kinausap ito habang sumusulyap sa akin. Parang nagpapaliwanag niya sa anak dahil na rin sa pamimilog ng mga mata ni Kuya Adonis.



Nagbaba ako ng tingin. Alam ko namang pinapagalitan din ni Tita si Kuya Adonis, kasi napaka sensitive ng tanong niya.



"Gusto mo bang sumama sa'min? " tanong sakin ni Kuya Abraham na nasa tabi ko na pala. Ni hindi ko man lang naramdaman ang presensiya niya.

Nilingon ko siya at nginitian.

And then yumuko ako para mag sulat sa whiteboard ko.

Saan po?

Tanong ko at iniharap sa kaniya ang whiteboard. Tiningnan niya iyon at bumalik ang tingin sa'kin pagkakuwan ay nginitian ako ng magaan.

"Sa pag bigay ng mga lutong moron ni inay kay Don Remus. "



Kung si Kuya Adonis ay hindi maintindihan ang kondisyon ko sa tinginan ay iba si Kuya Abraham.


Namilog ang mga mata ko at mabilis na tumango. Pero sumingit si Tita na nakikinig pala sa amin at pinigilan kami. Tapos na pala siyang pagsabihan si Kuya Adonis na kakamot kamot sa batok nito habang nakanguso.




Si Don Remus ang Lolo ni Jarrel. Narinig ko lang sa kanila kahapon. Kasi pinag-uusapan nila ang mga Bilarmino. Sounds like tsismosa ba ako?




"Hindi aalis si Vivoree dito, Abraham. Dito lang siya at hindi mo rin siya mababantayan doon. At isa pa, magagalit ang Tiya Sanya mo!" pag babawal ni tita kay kuya Abraham.


Bumagsak ang magkabilang balikat ko at humaba ang nguso.


Napakamot sa batok si kuya Abraham. "Mababantayan ko po siya, inay. At isa pa baka mabagot lang siya rito," pangungulit niya na ikinangiti ko.

Ipaglaban mo, Kuya Abraham! Ipaglaban mo'ko.


Sigaw ko sa utak ko. Dahil sa kagustuhan ko talagang sumama, may nais lang namang makita.

Sinulyapan ako ni tita kaya napaayos ako ng upo, maya-maya lang ay binigyan ako nito ng isang magandang ngiti.

Bago niya muling ibalik ang tingin kay Kuya Abraham na nakatayo pa rin sa harap nito.


Silent Voice of Love (Rush Beast Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon