Kabanata 1

12 3 0
                                    

Kabanata 1

Bilarmino


"Nasa bag mo na ba ang lahat? " tanong sa akin ni Tita nang makababa ako ng hagdan at bitbit ang aking dalawang maleta na hindi naman kalakihan. 


Akmang kukuhanin na ni Tita ang mga maleta mula sa akin nang humigpit ang hawak ko roon dahil sa ayaw ko na siya ang mag buhat no'n. Nakakahiya, marami na siyang naitulong sa akin at halata rin ang pagod sa kaniyang mukha ayaw kong dagdagan pa iyon. At maleta lang ito kaya ko pang buhatin.

Nag angat siya ng mukha at pumupungay-pungay pa ang mga matang nginitian ako. Nagtataka kung bakit ko hinigpitan ang hawak sa maleta.

"Ako na... Huwag kang mag alala ayos lang din ako," sabi niya na tila ba pinapakalma ako at pinapawi ang pag-aalala ko sa kaniya.

Umiling ako at hindi pa rin ibinigay sa kaniya ang mga maleta dahil nilagpasan ko siya at tumakbo sa kinaroroonan ng sasakyan upang ilagay sa likod ang mga maleta. Para hindi na siya mag buhat pa.

At hindi ko alam na sinundan pala ako ni Tita. Nakita ko lang siya nang maisara ko na 'yong pinto ng lagayan ng mga bagahe sa likod ng kaniyang sasakyan. Nakamasid siya sa akin at hindi mawari ang emosyon na mababasa sa kaniyang mukha, parang proud na ewan.

Nakahilig siya sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip.

Kumamot ako sa aking batok at nginitian siya habang siya naman ay napailing na lang. Pero may isang ngiti na pilit niyang itinatago sa kaniyang mga labi ang nakita ko.

"Sumakay kana sa loob, may aayusin pa kasi ako sa loob ng bahay. " utos niya kaya mabilis akong tumango, akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan nang mag salita si Tita ulit.

"Nandiyan na ba talaga sa maleta mo ang lahat ng mga gamit mo?"

Tinanguan ko siya kaya napatango siya at tuluyan na akong iniwan.

Kaya pumasok na lang din ako sa loob at nagpatugtog sa aking headphone.

Tumigil lang ako sa pagpapatugtog nang matanaw ko na si Tita. Pinapanood ko siya habang kinakandaduhan niya ang pinto ng bahay niya.

Sa kaniya na ako natutulog, dahil hawak na nina Lola ang bahay namin. Maging ang lupain at kompanya na itinayo ni Papa na pangkabuhayan niya para sa amin ni Mama. Pero ang balita ko ay hindi makukuha ni Lola ang pera ng kompanya.

Nagbebenta ng tela si Papa para sa mga designer, kahit ano. Basta tela siya, at ang rinig ko ay kilala ang kompanya namin sa magaling at magandang supplier ng mga tela. May nag mamanage pa naman no'n pero ang Tito Arnie na lang, kapatid din siya ni Papa. Kahit hawak ni Lola ang kompanya ni Papa ay wala pa rin siyang karapatan dahil hindi iyon nakapangalan sa kaniya. Pero malinaw naman na sa akin pa rin mapupunta iyon.

Nagalit nga si Tita Victoria nang malaman niya iyon, kasi bakit sa kanila hindi ibinigay 'yong kompanya at bakit sa akin pa na hindi naman daw makapag-salita, sino raw ba ang kakausap sa akin na parang wala ng dila. Mabigat sa dibdib. Pero hindi ako magpapa api, iniisip ko na lang na higanti ko iyon sa panglalait nila sa akin.

Dahil ang tunay na mga babae pailalim maghiganti. Wala sa bukabularyo ko ang salitang REVENGE pero dahil sa attitude niya meron na.

Pero ang sabi ng abogado ay hindi ko pa raw kayang mag palaki ng kompanya at under age pa rin daw ako para sa age na nasa kontrata. Ang nakasulat kasi doon dapat daw ay mga nasa 25 na ako kapag kukunin ko na yung kompanya ni Papa.

Binigyan ako ng isang matamis na ngiti ni Tita nang makapasok siya sa loob ng sasakyan, kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"Ayos ka lang ba? Hindi kaba nagugutom? " tanong niya.

Silent Voice of Love (Rush Beast Series #2)Where stories live. Discover now