Kabanata 6

7 3 0
                                    

Kabanata 6

Tumawa



Hindi ko alam kung paano ko mapapasalamatan si Jarrel. Pagkatapos kasi niya akong ipagtanggol sa lahat ay walang sali-salita siyang umalis.

Parang may dumaang anghel sa loob ng room noong umalis si Jarrel. Nagkakatinginan lang sila at nagtatanong ang mga mata.

Habang ako naman ay nakaramdam ng pangamba kasi baka sabihin niya kay Kuya Adonis. Ayaw kong makaabala kay Kuya at ayaw kong mag-alala ang mga kasama ko sa bahay.

Hinakbang ko ang aking mga paa upang habulin siya. Tinawag naman ako ni Ma'am Micah pero ang ginawa ko lang ay ang tingnan siya na tila nanghihingi ng permiso. Gusto kong mag-salita pero hindi ko kaya dahil sa situwasyon ko.

Nang makuha ni Ma'am ang gusto kong mangyari ay tinanguan niya ako at ibinalik ang tingin sa klase na nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin at hinawi ang mahabang buhok sa aking pisngi at tumakbo para sundan si Jarrel.




Hindi naman siya mahirap hanapin sa lawak ng school na ito at ay nasisiguro ko na hindi pa siya nakakalayo. Basta ay nakita ko na lang siyang nakapamulsang naglalakad sa field ng eskwelahan. Wala masyadong tao rito. Panigurado akong nasa loob na sila ng klase. At ngayon ay naririto kami sa labas.


Mabilis akong tumakbo at maagap na humarang sa daraanan niya. Sa aming dalawa ako pa nga yata ang mas nagulat nang muntik na akong mabunggo sa kaniya. Ilang galaw na lang kasi ng mukha ko ay sasagi na iyon sa matigas na dibdib niya.



Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang maramdaman ang pag baba ng tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung titingin ba ako. Pero sa huli ay ibinaling ko sa gilid niya ang tingin ko at hindi sa i-taas. Ayaw kong makasalubong ang mga mata niya.


"Ano 'yon?" kahit kalmado ang boses niya ay para akong nakaramdam ng kaba. Dahil siguro sa mga titig niya sa akin. Hindi ako mapakali gayong sobrang lapit namin.



Mabilis akong yumuko sa white board ko. Isang letra palang ang naisusulat ko nang mag salita na siya.


"Hindi ko sasabihin kay Adonis kung iyan ang inaalala mo. " sabi niya at malakas na nagpakawala ng buntong hininga.



Napatigil ako. Umatras siya at bigla akong sinilip na ikinalaki ng mga mata ko.



Naramdaman ko ang kamay niya sa tuktok ng aking ulo na ikinanigas ko.



Pero nanatili lang ang tingin ko sa kaniya na tila ba ay napako na.


"Huwag kang matakot sa kanila. Mas matakot ka kung tumatawa ka na lang mag-isa na wala namang dahilan." sabi niya at kumawala sa mga labi niya ang mahinang tawa na ikinagulat ko.



Pero parang may humaplos sa puso ko nang marinig siyang tumawa. Malamyos ang tawa niya na may kalutungan. Parang mahinhin pero mababakas doon ang tunay na nararamdaman niya ngayon.



At noong tumawa siya ay nawala bahagya ang mga mata niya at nakita ko ang kulay puti at pantay niyang mga ngipin.



Ngayon ay ibang-iba na siya sa Jarrel na malamig sa una. Siya 'yong Jarrel na nakita ko noon sa Casa Bilarmino na tumatawa habang nakikipagbatuhan sa mga pinsan niya. Hindi siya malamig sa akin ngayon na tila walang pakialam.

Ibang-iba siya sa Jarrel na nakausap ko sa labas ng bakuran noong nakaraan at paraan ng pagtitig niya.

At kahit pa wala na si Jarrel sa harapan ko ay hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang malakas na kabog ng dibdib ko.


Silent Voice of Love (Rush Beast Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon