Kabanata 11

7 1 0
                                    

Kabanata 11

Chalk









Minsan na ija-judge natin ang tao dahil lang sa kasamaang nagawa nila.

May iba kasing tao na makita lang ang masamang side ay ka aayawan na, wala naman kasing perpekto sa mundo. Alam kong maraming tao ang ayaw sa masama, pero isipin mo ang sarili mo. Hindi kaba naging masama?

School is so hard for me. Pero hindi ako sumusuko dahil may future na naghihintay sa akin.

Nasa gym kaming lahat dahil may program. Nakapila kaming lahat habang nakaupo sa upuan. Ako ang nasa dulo at walang katabi dahil wala namang may gusto akong makatabi. At nasa malayo ang Kuya Adonis ko na panay ang linga sa akin.

Hindi na nag-aaral si Kuya Abraham pero nagpupunta pa rin siya dito sa school para mag trabaho bilang taga linis ng library.



Pasimple ko ring hinahanap si Jarrel. Kanina pa siya hindi mahagilap ng mga mata ko.

Tumigil lang ako sa paghahanap sa kaniya nang makita siyang naglalakad pero hindi siya nag-iisa. May kasama siya. Hindi na iyon dalaga pero lakas maka vibes ng rich Tita. Makapal ang kilay niya na natural lang at mukhang suplada. Pero nang ngumiti siya kay Jarrel ay nawala ang pagiging suplada niya. Marami din siyang alahas at makinis ang balat.

"Yes, Tita, " sagot ni Jarrel nang makadaan sila sa gilid ko.

Ni hindi man lang niya ako na pansin. Humaba tuloy ang nguso ko at sumandal sa upuan.

"Hi, Vivs! "

Nagulat ako nang lingunin pa ako ni Jarrel para lang batiin. Napatingin din tuloy sa akin 'yong Tita niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Napalunok naman ako at nahiya. Pilit ko siyang nginitian. Hindi ko magawang makangiti ng todo dahil sa bahagyang pagtaas ng makapal niyang kilay.

Nawala lang sa akin ang tingin niya ng ayain na siya ni Jarrel na umalis.

Grabe kung makatingin sa akin ang Tita niya. Hindi ko alam kung ano pero parang may ideya na siya kung sino ako.

Hinabol ko sila ng tingin hanggang sa makaakyat sa stage ang Tita niya at nakipag kamayan sa mga guest.


Umakyat na rin maging ang tagapamahala ng buong eskwelahan. "Good morning, students and teachers. And of course to our guests here. I have an announcement. Magkakaroon tayo ng fieldtrip. At kung sino ang sasama ay bibigyan ng mataas na points direct to the card."


Nagsitanguan ang iba sa kanila. Pero may iba namang hindi nakikinig.





"Kaya rin may program because we all want you to introduce our big time sponsor! Siya ang sasagot sa lahat, at kung saan tayo mag fi-fieldtrip." sabi pa niya at nilingon ang Tita ni Jarrel na biglang ngumiti.

Nagpalakpakan naman ang lahat bigla dahil sa pag ngiti niya. Maganda siya kapag nakangiti. Umaamo ang mukha niyang mabangis.

"Ang ganda pala talaga ng Tita ni Jarrel. "

"Oo nga. Ang ganda ni Untie Maureen!"

"Gaga! Hate niya 'yong name na iyan!"

May tumikhim sa mic kaya natigil ang bulungan.


At sa harap ng mic ay may babaeng nag-uumapaw ang ganda. Kulay pulang dress na hapit na hapit sa kaniyang katawan. Kaya nakikita ang hubog ng kaniyang katawan na pinagpala. At iyon ang Tita ni Jarrel.

Silent Voice of Love (Rush Beast Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon