Kabanata 8

7 3 0
                                    

Kabanata 8

Layuan mo



Ngayon ko lang na pansin na masama pala ang paraan ng pag tingin sa akin ng mga kaklase kong babae. Parang ayaw nilang nakikita 'yong mukha ko.

Nakakaramdam tuloy ako ng hiya at pagkailang. Hindi ako sanay na ganito. Pakiramdam ko rin ay wala akong kakampi. Parang hindi nila ako tanggap bilang kaklase nila at hindi ko alam kung bakit.


Kung iisipin ko si Jarrel ay mukhang malabo. Palagi kaya siyang nasa mga kaibigan niya. At bihira lang niya akong makausap. At kung kakausapin niya man ako ay tila sinasadya niya pa para mainis si Cora.



Na parang ang dating ay ginagamit niya lang ako para lang mabwisit sa kaniya ang ex niya. Pero hindi naman talaga sa kaniya na iinis, kundi sa akin.


Ayaw ko ng ganon. Pero may bahagi sa akin na parang kaya kong tanggapin kung si Jarrel ang gagawa. Pero nakakababa iyon sa akin bilang babae. Kaya hindi na lang ako titingin o tatango kahit pa ang hirap.


Malakas akong nagbuntong hininga at hinawi ang mahabang buhok na tumakip sa mukha ko dahil sa hangin. Nasa likod ako ng building. Gusto kong mapag-isa. At mukha namang ayaw nilang lahat sa akin kaya lalayo na lang ako at magtatago.

"Sigurado kana ba talagang ayaw mo na? " narinig kong tanong ng boses ng lalaki sa gilid ng building na pinagpapahingahan ko.

Natigilan ako at napatitig sa baon ko. Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

Humigpit ang hawak ko sa baon ko.

Jarrel.

Tumayo ako at may pag iingat silang sinilip. Nakaharap sa akin si Cora at nakatalikod naman sa akin si Jarrel.

Seryoso ang mukha ni Cora. Pero ang mga mata niya ay punong puno ng emosyon. Na nakita ko rin noon kay Jarrel.

Parang dinakot ang puso ko habang nakatitig sa likod ni Jarrel na malungkot.

Why are you begging?

Kung mahal ka niya hindi ka niya hahayaang magmakaawa at mahirapan. Pero baka may rason...baka...

"Oo, Jarrel. Sigurado na ako."

Matapos sabihin iyon ni Cora ay agaran siyang tumalikod. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pag tulo ng mga luha niya. Na hindi nga lang nakita ni Jarrel kasi yumuko siya.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng panghihinayang at kalungkutan. Kasi bakit hindi magawang ipaglaban ni Cora si Jarrel? Kung may mawala man sa kaniya sa oras na ipaglaban niya si Jarrel ay mananatili si Jarrel sa tabi niya at ipaglalaban siya.

Napaksuwerte nga ni Cora. Kasi nariyan si Jarrel kahit pa wala na sila. Malas lang kasi hindi sila ang ipinagtagpo.

"Kanina kapa ba nandiyan? "

Nabalik ako sa huwisyo ko nang marinig ang malamig at mahinang boses ni Jarrel.

At nang tingnan ko siya ay nasa harap ko na siya. Nakapamulsa siya at mabigat ang tingin sa akin. Para bang pagod siya, pero hindi niya magawang maiiiwas ang tingin sa akin.

Tumigil ang mundo ko. Gusto kong ibuka ang bibig ko. Pero nang mapagtantong hindi ako nakakapag salita sa huli ay ang mga kamay ko ang gumalaw.

Tinuro ko siya at itinaas ko ang thumbs finger ko na tila nag tatanong.

Bumaba naman ang tingin niya sa aking kamay at umangat sa aking labi.

Parang nanuyot ang lalamunan ko dahil doon.

Silent Voice of Love (Rush Beast Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum