Kabanata 12

5 0 0
                                    

Kabanata 12

Selos




Puro pito ang naririnig ko pagkadating ng court. PE raw kasi namin. Kasama ko rin pala si Stefan, siya ang may bitbit ng tubigan ko.


Binigay ko na lang sa kaniya ayaw makinig sa akin eh. Nakailang ulit pa ako ng agaw sa tumbler ko pero nilalayo niya lang kaya hindi na ako nag pumilit. Mukha kasi siyang tanga.



At simula nang makarating kami ay nasa amin na ang mata ng lahat at panay na lang bulungan ang naririnig ko.

"Kawawa itong si Stefan, lamog ito mamaya."

"Di na nakuntento sa chalk."

"Diba magkaibigan sila?"



Nag-alala ako bigla. Kasi baka ako pa ang maging dahilan ng pagkakasira ng pagkakaibigan nila ni Jarrel. Pero ano namang meron sa 'kin?

Sinalubong niya ang tingin ko at mahinang tumawa.



"It's okay. Hindi naman talaga kami magkaibigan. " sabi niya at nag kibit balikat.



Sumandal siya sa upuan na kahoy at nag de quatro.



"May sasabihin ka ba? You can tell me. I can understand hand language naman."


Lumapit ako sa kaniya at tinuro si Jarrel na nakasimangot sa bench at siya. Tapos pinagakbay ko ang mga daliri ko para sa magkaibigan tapos nag how sign ako.

Kagat-kagat niya ang labi niya habang pinagmamasdan ako. Halata ring na aaliw siya sa akin.



"You're cute."

Laglag ang panga ko sa sinabi niya.

Pero inirapan ko siya kaya mahinang kumawala ang tawa sa bibig niya.

"Oh, you're rolling your eyes on me now, huh? Fine. We're friendship is over now because of jealous..." Sabi niya at biglang ngumisi at tumingin kay Jarrel.

Bigla naman akong tumingin kay Jarrel sakto na may bolang tumama naman kay Stefan at tinamaan ito sa ulo kasabay naman ng pagtakbo ng nakangising si Jarrel papunta sa amin.

"Oh! Sorry, man! Hindi sinasadya ni Elmo." Sabi niya at kinuha ang bola kay Stefan na lukot ang mukha.

Umigting pa ang panga niya nang magkatinginan kami at labis ang inis na nagpakita sa kaniyang guwapong mukha.

Iminuwestra bigla ni Stefan si Jarrel na nakatalikod habang nag dri-dribble.

"See? He's jealous!" Inis na sabi niya at gigil na nag buntong hininga.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya. Kinalabit ko siya at nilingon naman niya ako.

Ibinuka ko ang bibig ko at sinabi ng walang tunog ang why.

Bigla naman niya akong inirapan na akala mo'y manhid ako at walang alam sa nangyayari sa paligid ko.

"Because he loves you! Hindi lang niya maamin kasi torpe siya!" Gigil na sabi niya.

Napayuko naman ako. Pakiramdam ko sinesermunan ako ng Mama ko.

Bigla siyang hindi nakaimik at sinilip ang mukha ko kaya natawa ako bigla na walang tunog. At dahil sa tawa ko na walang tunog ay natawa rin siya.

"Tangina kasing tawa iyan eh! Baka mamaya mawalan na ako ng upuan."


Pero nagpatuloy pa rin siya sa pag tawa, maya-maya lang ay biglang may nahulog sa ulo niya na tae ng kalapati kaya nagtawanan ang lahat. Doon ko lang napagtanto na kanina pa pala kami pinapanood ng lahat.



Silent Voice of Love (Rush Beast Series #2)Where stories live. Discover now