Kabanata 10

12 3 0
                                    

Kabanata 10

Mahirap ba akong mahalin?




Nakatali ang mahaba kong buhok at nakahawi naman ang bangs ko na medyo mahaba na.



Kaunting pula lang ang nilagay ko sa aking labi. Pinasadahan ko pa iyon ng dila kasi nanunuyot. Parang lalamunan ko kapag malapit siya sa akin.

Habang papalapit ako sa classroom namin ay parang gusto kong umatras. Iniisip ko ka agad ang magiging reaksiyon ni Jarrel. Pero nakakaramdam ako ng excitement. Base kasi sa naging reaksiyon ng mga nakakasalubong ko ay nagagandahan sila sa akin, kaya baka maganda rin sa akin si Jarrel—



Napatigil ako sa pag iisip sa kaniya dahil sa nakita ko.



Si Jarrel at Cora na nag hahalikan. Nakasandal sa blackboard si Cora habang nasa harap naman niya si Jarrel at nakatukod sa blackboard habang hinahalikan siya.





Parang tumigil ang mundo ko. At parang nabasag ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang nilusob ng maraming emosyon ang puso ko.



Napaatras ako. Bakit parang dinakot ang puso ko? Ganito ba talaga kapag nasasaktan ng isang Jarrel?




Parang pigang-piga ang puso ko. Sa sobrang piga halos makalimutan ko ng huminga.



Hindi nila ako na pansin kasi nagmamadali silang kumalas nang marinig nila ang mga kakalse namin na paparating. Sakto pag lingon naman ni Jarrel sa akin ay ang pag pasok naman ng mga kaklase namin. Kaya hindi ako mapaghihinalaan ni Jarrel na nakita na nag halikan sila ni Cora.



Pero kahit ganon parang binuhusan pa rin ako ng malamig. Parang may nag aagaw buhay sa loob ko.




Tulala akong umupo sa upuan ko at hindi ininda ang mga titig sa akin ni Jarrel. At hindi na pinansin ang magiging reaksiyon niya sa mukha ko.



Daig ko pa ang pinapatay. Sila na kaya ulit?



Akala ko ba hindi na sila magkakabalikan? Siguro nga tama ang pagkakarinig ko. Mahal na mahal nga talaga ni Jarrel si Cora. Na halos hindi niya makalimutan.



Yumuko ako. Napakasuwerte naman ni Cora.




"Nag make-up ka? Ang ganda mo, ah. Bagay na bagay sa iyo. Nag mukha kang dalaga lalo," ang baritono niyang boses ang nagpagising sa naglalakbay kong diwa.




Pero hindi sa puso kong parang nilamon ng sobrang sakit.

Malungkot ang mga mata ko siyang tiningnan at maliit na nginitian. Tipid ko rin siyang tinanguan.

Nangunot ang noo niya dahil sa ginawa ko at mas lalong tumitig sa mukha ko. Lalo sa mga mata ko. Hindi ko naman magawang iiwas ang tingin ko sa kaniya, kasi parang na hipnotismo na yata ako.

"Okay ka lang? " Itinaas niya ang thumbs finger niya at tinuro niya ako nang sabihin niya ang ka lang.

Nagulat naman ako sa ginawa niya. Naririnig ko naman ang tanong niya, hindi na niya kailangang gawin pa iyon.

Nakakatuwa lang kasi ginawa nga talaga niya ang sinabi niya.

"Usap..." Tinuro niya ako at siya. "Mamaya ha?" Tumango ako sa kaniya. Mukhang nahihirapan pa siya pero hindi siya sumusuko makausap lang niya ako.

At nakikita kong na aaliw siyang makausap ako na ganoon. Ginagamit ko lang naman ang sign language para makipagusap, pero hindi ibig sabihin niyon ay bingi ako. Pero hindi naman ako galit dahil sa ginawa ni Jarrel. Natutuwa pa nga ako, eh. Hindi rin kasi madali ang mag aral ng sign language. At na aappreciate ko iyon.

Silent Voice of Love (Rush Beast Series #2)Where stories live. Discover now