Kabanata 9

10 3 0
                                    

Kabanata 9

Tipo




Alam ko namang nag-aalala lang sa akin si Tita. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Kaya parang nakakabastos naman kung hindi ko siya susundin.


Pero paano? Kung hulog na hulog ako sa Bilarmino na ito?



"Iniisip mo pa rin ba ang pinag-usapan niyo ni Tita?" biglang singit ni Kuya Abraham na nasa gilid ko.



Nasa daungan kami. Hinihintay namin ang pagbabalik ni Tito Andres. Namangka kasi sila ni Kuya Adonis. Kaya kami nasa daungan para hintayin sila at tulungan sa pagdala ng mga nahuli nila.



Nilingon ko si Kuya dahil sa maingay nitong pag buntong-hininga.


Namulsa ito. Nag angat siya ng tingin sa kulay asul na kalangitan. Banayad lang ang ihip ng hangin at hindi mainit sa balat. Maging ang araw.



"Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon. Alam kong nag-aalala sayo si Tita Sanya, kaya sana huwag kang magagalit sa kaniya kung pagbabawalan ka man niya o masisigawan, ha? "

Hindi naman ako nagalit kay Tita. Never akong magagalit sa kaniya. Wala rin akong masyadong alam sa kaniya dahil bihira ko lang siyang nakikita at nakakausap.

Kaya ganoon na lang kalaki ang pasasalamat ko kasi kahit hindi ako tinggap ng mga relatives ko sa side ni Mama, ay nariyan si Tita para tanggapin ako. Hindi lang basta pamangkin niya, kundi tila anak niya.

Akala ko ang pagkawala ng mga magulang ko ay ang katapusan ng mundo ko. Dahil ayaw sa akin ng mga kamag-anak ni Mama.

"Mabait si Jarrel. Kaso seloso. At babaero. Tatanggapin mo pa rin ba siya?" Tanong sa akin ni Kuya Abraham sabay lingon.


Pumungay ang aking mga mata. Hindi naman siya mukhang babaero. Parang hindi mo nga siya mapagbibintangan sa sobrang amo ng mukha niya.

Tumango ako kay Kuya Abraham.

"Mahal niya pa ang ex niya," mabilis na sagot niya na ikinatigil ko.

Umiwas ako ng tingin. Iyan ang alam ko, simula palang ng kwento. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay sa huli ng kwentong ito ay sila hanggang dulo.

Hindi ko man mapapalitan si Cora sa puso ni Jarrel, sapat na sa akin na makitang masaya si Jarrel sa piling niya.

Nag type ako sa phone ko.

"Kung ang mahalin siya ng patago ang tanging paraan para mahalin siya, ay hindi ako magaalangang gawin iyon. Mamahalin ko ang lalaking katulad niya, na babaero sa paningin ng lahat at malamig. Pero sa puso ko, mananatili ang pangalan niya at alam kong may dahilan kung bakit siya ganiyan. Tatanggapin ko na mahal pa ni Jarrel si Cora. Pero hindi ko matatanggap na matatapos ang lahat na hindi siya sumasaya. " pagkatapos kong i-type iyon ay ibinigay ko sa kaniya ang phone ko at pinanuod siyang basahin iyon.

Walang mga salita ang lumabas sa bibig ni Kuya Abraham.

Napayuko siya. "Paano mo masasabi sa kaniya na gusto mo siya? " nakayukong tanong niya sa akin.

Ngumiti ako. Simple lang. Makikita naman sa bawat galaw ko lalo na sa aking mga mata.

Hindi ko man masabi sa kaniya ng may tinig ang lahat pero kaya ko namang iparamdam sa kaniya.

Silent Voice of Love (Rush Beast Series #2)Where stories live. Discover now