Kabanata 7

7 3 0
                                    

Kabanata 7

Bakit ikaw lang?





Pinayagan nga ako ni Tita na dito na lang mag-aral pina absent naman ako ng dalawang araw. Ayon tuloy hindi ko alam kung saan ba ako nakaupo o sino ang katabi ko. Mukha kasing ayaw akong kausapin ng mga kaklase ko. Ilag ang tingin nila sa akin.

Hindi ko rin naman nakita si Jarrel. Na saan na kaya siya?


Akmang lilingon sana ako sa likod ko nang may mag salita galing doon.

"Magkatabi tayo. " at kahit pa hindi ko siya lingunin ay kilala ko na siya.

Nakaramdam ako ng kiliti nang marinig ko ang boses niya. Kagaya no'ng una, malamig na ang boses niya. Ibang-iba na siya sa Jarrel na nakausap ko sa soccer field.

Napatitig ako sa likod niya nang lagpasan niya ako. Hindi ko maiwasang hindi malungkot.

Ano kaya ang dahilan kung bakit niya kailangang magpanggap na wala siyang pakialam?

Sumunod ako kay Jarrel. Napahawak pa ako sa gilid ng aking buhok. Brown na bear kasi ang clip ko.

Bigla akong tumigil at tila naging ugat ang mga binti ko nang bahagya akong lingunin ni Jarrel gamit ang malalamig nitong mga mata. Tatlo ang upuan. Sa gilid niya ay doon nakaupo ang babaeng nakatabi ko sa likod na malungkot na nakatingin kay Jarrel. Ang ex niyang si Cora.

"Dito ka. " sabi ni Jarrel sabay turo sa kanan niya banda.

Nag iwas ako ng tingin sa babae nang tumingin siya sa akin. Panandalian ko ring nakita ang pagkainis sa mga mata niya.

Biglang naglaho ang babaeng nakatabi at nakausap ko noong unang araw ko rito. Nawala ang awa sa kaniyang mga mata.



Naiinis siya sa akin? Pero bakit?


"Absent nang dalawang araw si Jarrel noong malaman niyang katabi niya sa upuan si Cora. "




Narinig kong bulungan ng ibang babae habang sumusulyap kay Cora na nananatiling kalmado ang mukha pero nasa mga mata ang pagkairita.

Hindi ko alam kung dahil ba sa akin o sa bulungan.

Pasimple ko namang sinulyapan si Jarrel na nakatitig sa akin.

Nagulat ako nang makasalubong ko ang mga mata niya. Nakapangalumbaba siya sa desk niya habang nakatingin sa akin na tila ba ay naaaliw.

Bumilis ang tibok ng puso ko. At parang bigla akong 'di mapakali.

Namumula ang mukhang umiwas ako ng tingin. Humigpit pa ang hawak ko sa palda ko nang hindi pa rin nito iniiwas ang tingin sa akin.

Parang hindi ako makahinga ng maayos at makagalaw. Saka lang ito nag iwas ng tingin nang may pumasok na teacher at binati kami.

Tumayo kami para batiin din siya. Akmang uupo na sana ako nang hawakan ni Jarrel ang siko ko sa gulat ko ay nilingon ko siya, at nakita ko siyang matalim na nakatingin sa likod ko. Kaya lumipat ang tingin ko sa likod ko at nakita ko ang lalaki na nakatayo sa mismong upuan ko at napansin ko rin na umurong ang upuan ko. At sobrang layo niyon sa akin, at kapag umupo ako ay babagsak ang pwetan ko sa sahig.

"Maupo na kayo. Prepare one half lengthwise for our quiz math number one! "

Umungol naman sa pagrereklamo ang mga kaklase namin nang sabihin iyon ng Math teacher namin.

Kahit pa binitawan nani Jarrel ang siko ko ay pakiramdam ko ay nakahawak pa rin siya sa akin.

Napakamot ako sa pisngi ko. Nag review nga ako pero wala naman akong lengthwise. Nakalimutan ko pa.

Silent Voice of Love (Rush Beast Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon