Kabanata 1

29K 387 27
                                    

Mia Jorgina

"Natu-tulog, natutu-log si Mahal, Si Mahal, bigyan ng kamote.." I was watching my baby girl sing a random baby songs. Napapangiti na lang ako dahil hirap na hirap pa siyang magsalita.

At the age of two, Jorgina, my baby girl was so smart at her age. Bibo siya at masayahin.

She was observant too and medyo straight na ang pananalita kahit nahihirapan dahil hindi pa mabigkas ng maayos ang mga words.

Hindi na ako nagulat sa kakaiba niyang pag iisip. Mana siya sa Papa niya eh.

"--bigyan ng kamote. Pampata-e" I laughed hard dahil sa huling words na sinabi niya. "Mahal, hindi ba dapat pang pa utot muna?" Kumamot siya ng ulo niya. "Mahal, don din naman ang bagsak non eh."

Hindi na ako nag taka kung kanino niya natutunan ang pagkanta ng ganoon. Dahil iyon sa nag aalalaga sakanya tuwing nagta trabaho ako. Bakla kasi iyon.

I hugged her. "Sige, A, B, C, D naman." ABCD is a alphabet song but she knows it as ABCD.

She started singing. "A, B, C, D, Ih, F G, H, I J, K, M, N, O.." she stopped and gasped for air. "Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z pagod na ako." Aniya sabay higa sa lap ko.

Hindi pa niya kumpleto ang alphabet songs pero okay lang naman, she's just two years old lang naman. Kung tutuusin sobra na ang natutunan niya sa age niya.

I combed her hair using my fingers. "Mahal, gusto ko ng dede." I smiled at her. Kahit advance siyang mag isip nag papa baby pa din siya na labis kong ikinatutuwa. Pakiramdam ko kasi kailangan na kailangan niya ako.

Kinuha ko ang isang unan sa tabi ko at ipina ilalim ko ang ulo niya. "Wait mo ako huh. Wag ng tatayo nag hugas ka na ng katawan eh." I said and she nodded lazily as an answer.

Lumabas na ako sa kwarto namin at nagpunta sa maliit na kusina. Kinuha ko ang pink niyang feeding bottle na may sterilized na tubig na, kinuha pati ang lata ng gatas, napahinga ako ng malalim nang matansiya kong pang isang timplahan na lang ang gatas niya.

Naiiyak ako sitwasyon namin. Simula ng malaman ng magulang ko na nabuntis ako at wala akong mapakitang ama ng bata ay pinalayas nila ako.

Mag second sem pa lang ako noon sa college ng mabuntis ako. And the father? Long story. Basta isa lang ang sigurado ako ayaw na niya akong makita.

"Mahal!? Naiiyak ka na naman po ba?" I wiped my eyes at ng masigurado kong wala ng bakas ng luha sa mata ko ay ngumiti ako bago humarap sakanya.

"Im not Mahal. Sabi ko wag ka ng bumaba sa kama di'ba..." sabi ko sakanya in a low pero nagagalit na boses. "Iihi ako mahal." Aniya sabay baba ng panty niya.

Nilapag ko muna ang bote ng gatas at nilapitan ko siya bago binuhat papunta sa maliit na banyo namin. Binaba ko siya at pinasuot ng tsinelas niya. Hinawakan ko ang kamay niya habang umuupo siya sa toilet bowl.

"Done na mahal." Aniya. Binuhat ko siyang muli at nilapag sa labas ng pinto ng kwarto.

"Punas muna baby girl ko ah." Paalala ko sakanya habang kinukuha ko ang bote ng gatas sa lamesa.

Inalog alog ko iyon habang papasok ako sa kwarto. Pagpasok ko nakita ko siyang nakahiga na at nakayakap sa isang unan. Tulog na.

Nilapag ko ang bote ng gatas sa gilid ng kamang papag na may manipis na foam.

Inayos ko siya at tinutukan ng electric fan. Tumabi ako sakanya at niyakap siya.

Pinalobo ko ang pisngi ko para pigilin ang luha ko.

Once His  (Published)Where stories live. Discover now