Kabanata 7

11.9K 224 13
                                    

No amount

"Bakla, akala ko may pasok ka eh. Sana pala nag OT ako sa salon." sabi ni Jun na kaibigan ko. Kakauwi lang niya sa trabaho niya at siya ang inaasahan kong nag aalaga kay Jorgina kapag may pasok ako sa trabaho.

"Sorry Bakla. Magpahinga ka na lang. Mag day off ka din sa kaka trabaho." wika ko ng hindi tumitingin sakanya at binaliktad ang galung-gong na piniprito ko.

"May magagawa pa ba ako!? bakla ka eh. Ano ba 'yang niluluto mo?" tumayo siya sa pagkakaupo at naki usisa sa niluluto ko.

"Almusal. Kumain ka muna bago ka magpahinga." sabi ko sakanya. "Kakain talaga ako kahit hindi mo sabihin! Nagugutom na ako eh." bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Si Jorgina?" tanong niya habang kumukuha ng plato kahit hindi pa ako tapos magluto.

"Mahal!" napatingin ako sa pinto ng kwarto ng lumabas doon si Jorgina na nakabusangot ang mukha at nakanguso habang hawak ang phone ko. "Bakit mahal ko?" sabi ko sabay abot ng chansi kay Jun. "Ipagpatuloy mo." sabi ko bago lumapit kay Jorgina. "Mahal! Tignan mo 'to. bumili ako ng sobrero tapos ayaw nilang suotin!" aniya bahagyang nabubulol pa habang may pinipindot sa phone. Pagtingin ko naglalaro siya ng Zombie Tsunami.

"Mahal oh! wala pa din. Bakit ayaw nilang suotin!? madami naman akong pera!" napatawa ako sakanya. "Mahal, kasi kumain ka muna ng zombies tapos kusa nilang susuotin yang hat na binili mo." sagot ko sakanya. "Ah.. ganon pala. Sige mahal." naliwanagan na sabi niya bago nagtuloy na lumabas ng kwarto at umupo sa kahoy naming upuan.

"Ang talinong bata." komento ni Jun. "Oo nga bakla. naalala ko nong isang taon pa lang siya. Nanunuod siya ng Despicable me sa phone, tapos nagulat ako tinataktak yung phone ko." kwento ko habang inaalala ang pangyayari na iyon. Tumawa si Jun at pinagpatuloy ang pagku kwento. "Oo nga. sabi pa niya. 'bas! bas!' kala mo lalabas talaga ang minions sa phone kapag tinaktak niya iyon. Kakaiba 'tong si Jorgina oh."

Sinulyapan ko si Jorgina ng huling beses at nakita kong nakangiti siya kaya bahagyang lumabas ang biloy niya. Kinuha ko ang chansi kay Jun at tinapos na ang pagluluto. at the back of my mind.. sinasabi ko ang salitang 'mana talaga si Jorgina sa papa niya.'.

--

LOUD MUSIC, neon lights, mga taong nagtitipon sa gitna habang sumasayaw, Ang usok na kumakalat sa paligid, ang amoy ng alak. Hindi ako sanay sa ganito, ni hindi ko nga alam ang mga pangalan ng alak na binibenta dito eh.

"Kuya, isa pa nga pong hard drink." alam kong hindi ako sanay uminom pero kailangan ko 'tong gawin. Kailangan ko 'to para kahit papaano maging manhid ako at mawala ang nararamdaman ko.

Ininom ko ang panglimang baso na inorder ko at pagkatapos kong inumin yun ay nahilo ako kaya yumuko ako saglit sa counter, nang iangat ko ang ulo ko nakita ko kung paano umikot ang paligid.

Sa pag ikot nito tila hinihele ako, para akong nasa carousel na paulit ulit na umiikot. Ang saya!

Kaso naalala ko si Jerome at ang mga sinabi niya, ang pinagsamahan namin. Sumalakay ang sobrong kirot sa dibdib ko na nagmumula sa ugat ko sa ibang parte ng katawan papunta sa puso ko. Humagulgol ako dahil tingin mawawala ang sakit kapag ganito ang iyak ko.

Baka maisip ni Jerome na mahal niya ako. Baka akala niya lang na may mahal na siyang iba! sa isipin na iyon ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Jerome, naka ilang ring din iyon bago niya sinagot.

"J-Jerome!? Naisip mo na bang mahal mo ako? hindi ba ako ang mahal mo?" tanong ko habang humihikbi. "Im sorry Vannah." isang salita niya lang pero milyon ang tusok sa puso ko. "Jerome!" hagulgol ko sa isipin na baka mahalin niya ako kapag narinig niya ang pag iyak ko. "Im really sorry." aniya bago nawala ang nasa kabilang linya kaya muli ay humagulgol na naman ako.

Hindi niya ako mahal! Ang tanga ko. Hanggang sa huling pagkakataon nagpaka tanga ako. I throw all even my self-respect.

"Kuya, isa pa." sabi ko sa lalaking nasa harap ko. "Miss, pasensya na pero marami na kayong nainom..." aniya.

"Oo marami na. Pero kulang pa din. Hindi maalis ang sakit!" mula sa mahina hanggang pasigaw na sabi ko.

"Hindi  talaga maaalis ang sakit dahil hindi naman gamot ang alak. And also no amount of alcohol can make him come back. Mas lalo mo lang binibigyan ng sakit ang puso mo." napatingin ako sa nagsalita pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa sobrang pagkahilo ko. "Get a hold of yourself, Vannah. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo." dagdag pa niya.

Itinaas ko ang kamay ko at dinuro siya, parang dumodoble ang nasa harap ko kaya ginagalaw ko din ang kamay ko.

"Sino ka ba!? Paano mo nasasabi yan!? nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko!?" huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko bibigay na naman ako at iiyak. "Hindi mo alam kung gaano kasakit 'to! Masakit na pakawalan ang mahal ko! Pero anong magagawa ko!? ayun yung mahal ko may mahal na iba pala at ang masakit! Isa lang akong part ng game! hindi ako ng premyo! hindi ako mahal sa umpisa pa lang!" at tuluyan ba akong napagagulgol muli.

Once His  (Published)Where stories live. Discover now