Kabanata 21

11.4K 211 0
                                    

I love you too.

When you hurt by the one you loved even just once, you're starting to hate that person, hate that eager you to plan a revenge.

Hate is like an acid. It damages the vessel in which it is stored, and destroy the vessel in which it is poured.

"Mom... pupunta si Jerome." wika ni Ate at tumingin sa akin. Nginitian ko lamang siya. Nang tamaan akong muli ng isang mahika na tinatawag ng karamihan na pag-ibig  ay nawala ang sakit sa puso ko, nawala ang nais kong paghihiganti at isa na lamang ang nais ko, ang maging masaya kasama ng bago kong mahal.

Sometimes people says 'Love is equal to pain' but it is also equal to happiness.

Ilang saglit lang ay may nagdoor bell, pinagbuksan ni Manang iyon at tinignan ko ang bungad ng kusina kung sino iyon kahit na sigurado na naman ako.

"Tita, Tito, Vannalein.. Andito po ako para magpakilala bilang boyfriend ng bunso niyo." Nakikita kong kinakabaha  siya pero tinatago lang niya.

"Kailan pa?" tanong ni Dad at binigyan ako ng pamanuring tingin. "Kahapon po Dad."  sagot ko.

Tumayo ako at kinuha ang dala ni Jeremy na lunch box. "Ano 'to?" bulong na tanong ko. "Pinagluto kita ng ulam." aniya kaya napangiti ako. "Kumain ka na?" tanong ko umiling naman siya. "Sabay tayo." sagot niya.

Dad cleares his throat. "Mamaya na yan. Kumain na muna kayo." aniya kaya inakay ko si Jeremy papunta sa hapag, Pinaghila niya ako ng silya bago siya naupo sa tabi ko.

Having Jeremy beside me was one of the wonderful thing that happened to me.

Naramdaman ko ang titig ng ate ko sa akin kaya tinignan ko siya at pinagtaasan ng kilay. May kakaibang tingin sa mga mata niya na agad kong napangalanan at hindi ko matukoy kung bakit ganong ang tingin niya.

----

"Hindi kita mahahatid." wika ni Jeremy. Nasa labas kami ng room ko kung saan kakatapos lang ng klase ko.
"May group meeting kami... Baka umabot ng mahigit sa isang oras." dugtong pa niya at kinuha ang palad ko para paglaruan. Huminga ako ng malalim. Minsan na lang kami magka oras ng Jeremy sa isa't-isa dahil busy kami sa kanya kanyang pag aaral at tanging sa pag uwi na lamang kami bumabawi. "Miss na kita." malambing na wika ko agad niya akong hinila at niyakap. Ang braso niya ay nasa leeg ko nakapulupot. "I miss you too! kahit ngayon na magkasama tayo na mimiss miss kita." bahagya niya akong nilayo. "Gusto mo bang sumama sa akin? makinig ka na lang din sa meeting namin." Aniya.

Sumama ako kay Jeremy at nakinig sa usapan nila. Nasa tabi niya ako at tahimik na nagkakalkal sa phone niya ng kung ano ano. Nang bumigat ang mata ko ay binalik ko na sa bulsa ni Jeremy ang phone niya, napatingin siya sa akin at nilagay ang braso niya sa bewang ko, sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

Tinignan ko ang mga ka blocks niya. Ang iba sakanila ay nakatingin sa amin ang iba ay walang pakialam at ang iba ay naiingit pero hindi ko gaanong  pinansin iyon dahil inaantok na ako. Pinikit ko ang mata ko.

"Vann.. Vann... Baby ko... mahal ko.. babe.." napadilat ako sa iba't ibang tawag niya sa akin. "Tara na.." aniya at inalalayan akong tumayo niyakap ko ang braso ko sa bewang niya at pumikit muli. Half asleep and half a wake.

"sorry natagalan." aniya pero ngumiti lamang ako. "Okay lang. Ang sarap kayang matulog katabi ka." wika ko para gumaan ang pakiramdam niya. Ngumiti naman siya kaya lumabas ang biloy niya. Kinabit niya ang seatbealt ko at tinitignan ko lang siya the whole time.

Nang matapos niya ang pagkabit ay tumingin siya sa akin at sa labi ko bago iyon ginawaran ng halik, kusang umangat ang braso ko sa leeg niya to deepend the kiss. "I love you." halos sabay na wika namin ng maghiwalay ang labi namin.

Inuwi ako ni Jeremy sa bahay ng pass nine p.m dahil kumain pa kami sa labas.

"Ingat sa pag pasok." aniya kaya napatawa ako. "Babay. Ingat! Love you too." sigaw ko kaya namula siya.

Once His  (Published)Where stories live. Discover now