Kabanata 26

12.1K 253 6
                                    

Umasa

"Jorgina andiyan ang papa mo." Tawag ko kay Jorgina nang mapagbuksan ko sa pintuan si Jeremy. "Gusto ko lang makita si Jorgina bago ako pumasok." aniya.

Hindi nahirapan si Jorgina sa pag adjust sa papa niya. Maganda ang epekto sakanya ng pagpapakilala ko sa papa niya. Mas naging bibo siya at matalino.

Nagka graduate na si Jeremy at nasa hospital na siya bilang intern. Naalala ko ang pangarap ko, maybe it's not really for me.

Binitiwan ko na din ang trabaho ko bilang janitress at nag apply na lamang ako bilang sales lady sa isang convenient store.

"Mahal..." naiiyak na sigaw ni Jorgina kaya napatakbo ako papasok sa maliit na kwarto namin at nakita ko siyang pilit na tinatanggal ang suklay na sumabit sa nagkabuhol buhol niyang buhok.

"Anong nangyari!?" napatingin ako kay Jeremy na nakasunod pala sa akin. Umiling iling ako at naglakad palapit kay Jorgina. Tinangal ko ang suklay at inayos ang nagbuhol niyang buhok. "Ikaw talaga mahal..." suway ko sakanya. Nang maayos ko ang buhok niya ay tumingin ako kay Jeremy.

Nakatitig siya sa amin wearing his smile. "Parang ayaw ko ng pumasok." aniya. Magsasalita pa lang sana ako ng may lumipad ng unan sa mukha ni Jeremy. "Jorgina!" suway ko sa anak ko. "Pumasok ka na. Ako nga gusto kong mag aral pero hindi pa daw pwede yung age ko diyan sa Day care." pagalit na wika niya habang utal utal pa ang ibang letra.

Pinulot ni Jeremy ang unan at tumabi kay Jorgina. "Wow! gusto mo ng mag aral? gusto mo enroll ka ni Papa? hahanapan kita ng school na tumatanggap ng two and half years old." aniya agad na nagningning ang mata ng anak ko na parang magic ang lumabas sa bibig ni Jeremy. Hindi ko alam kung paano niya naiintindihan ang ganoong mga bagay sa edad niya. But I think the answer is because, Hidalgo's bloods running through her veins.

"Sige Papa." wika ni Jorgina. "Mahal, dinig mo!? tara na bili na tayo ng bag at books.." sabay hila niya sa akin. "Bukas na Jorgina. Para kasama si Papa." sabi ni Jeremy. Agad naman pumayag si Jorgina. "Sige Papa. Gayahin natin yung nakita ko sa palengke. Ang saya nila, buong pamilya." tuloy tuloy na wika niya. Napawi ang ngiti ko at bumigat abg kaliwang bahagi bg dibdib ko. Tama ako, ang pamilya ang tinitignan ni Jorgina noon ayaw niya lang sabihin sa akin dahil ayaw niyang umiiyak ako.

Napatakip si Jorgina ng bibig at agad na kumandong sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Sorry Mahal. Naiingit talaga ako doon pero ayaw kong mag iiyak ka. Sorry Mahal.. wag ka ng umiyak ah. Mahal ka naman ni Papa at mahal na mahal ka ni Jorgina." niyakap ko na lamang si Jorgina hindi ako makatingin kay Jeremy dahil ayaw kong makita na naawa siya sa akin.

"Sige. Hindi na mag ka cry si Mama. Love kasi niya si Papa pati si Jorgina." and when I say it. I mean it.

---

Binihisan ko na si Jorgina na tuwang tuwa dahil sa pinangako ni Jeremy. Nagbihis na din ako at naupo sa sala para doon maghintay kay Jeremy. "Mahal.. i-frozen mo buhok ko." wika ni Jorgina habang hawak hawak ang garapon ng mga panali niya sa buhok.

Sinuklay ko ang buhok niya at binraid ko iyon na parang si Elsa sa frozen. Nakailang ulit ako sa pag braid dahil makulit si Jorgina, kahit naman kasi advance ang pag iisip niya still bata pa din siya, baby pa siya na makulit at kailangan na alagaan.

Hours passed pero wala pa din si Jeremy. Si Jorgina ay nakaupo sa labas ng puntuan at nakapangalumbaba. Bakas sa mukha niya na malungkot siya. Ayaw ko ng ganito, ayaw kong makita ang anak kong nalulungkot. Tinawagan ko si Jeremy sa number na binigay niya sa akin kahapon.

After a few rings ay may sumagot din. Sisinghalan ko na sana si Jeremy ng marinig ko ang boses ng babae ang sumagot.

"Sorry wrong number." mabilis na wika ko at papatayin na sana ang tawag ng magsalita ang nasa kabilang linya. "No Vannah. Number ito ni Jeremy ako lang sumagot tulog pa kasi siya eh. May sasabihin ka ba?" napalunok ako dahil parang may nagbara sa lalamunan ko. Natutulog si Jeremy kasama siya? anong ginawa nila? Bakit hindi sinabi ni Jeremy? umaasa ang anak ko. Umaasa ako..

"Ah. ganoon ba. Sige salamat. hindi naman importante sasabihin ko. wag mo na din sabihin na tumawag ako. Thank you, bye." dire-diretso kong sabi at binaba na ang tawag.

Napakagat ako ng labi at napayuko. Nakita kong bumagsak ang luha ko kaya agad kong pinunasan ang mga mata ko. Kahit matagal nang wala kami, masakit pa din.

"Mahal.." narinig kong tawag ni Jorgina. I ready my smile bago nag angat ng tingin sakanya.

"Mahal, tayo na lang ang bibili ah. Busy pala si papa mo." sabi ko sabay tayo at kuha ng bag ko sa kwarto.

"Sige po Mahal. Tayong dalawa na lang mas masaya yun. Mahal puro blue ang notebook ko ah!" magiliw na wika niya pero alam ko, nakita niyang tumulo ang luha ko. Nahihirapan ang anak ko dahil sa akin, nagpapangap siya dahil sa akin, natuto siyang magsinungaling dahil sa akin.

Once His  (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon