Kabanata 27

12.4K 241 11
                                    

Wag mong paasahin

Pinagmasdan ko ang mahimbing na pagtulog ni Jorgina. Yakap yakap niya ang bag na binili namin kahapon. Hinipo ko ang likod niya dahil baka basa iyon ng pawis. Nilagyan ko iyon ng pulbos at nilakasan ang electricfan na umiikot.

Nakarinig ako ng katok sa pintuan kaya tumayo ako para pagbuksan iyon. Baka si Jun.. 

Ngunit pagbukas ko ay si Jeremy iyon. "Anong ginagawa mo dito?" malamig na wika ko. "Pupuntahan ko lang si Jorgina." aniya. "Tulog. Umalis ka na." mabilis na sagot ko at isinarado ang pintuan.

"Vannah! Ano ba!? buksan mo 'to. Isa! gigibain ko t--.." agad kong binuksan ang pintuan at hinila siya palayo sa bahay.

"Alam mo pasalamat ka pumayag akong makita mo ang anak ko eh. Wala kang karapatan alam mo ba yun!? Wala! Kung hindi ko lang gustong maranasan ng anak ko ang magkaroon ng ama hindi ko siya ipapakilala sayo. Tapos ..Ang kapal mo lang! Pwede mong dalawin si Jorgina tuwing sabado at linggo lang. Kung ayaw mo edi wag. Kung gusto mo ilaban mo pa sa korte wala na akong pakialam, tutal wala ka naman pakialam kahit na mahirapan o masaktan ang anak ko." Singhal ko at bumalik na sa bahay bago ko sinara ang pintuan.

I walk back and forth para mapakalma ang sarili ko. Nakarinig akong muli ng katok mula sa pinto pero hindi ko iyon pinansin. Nang mainis akong muli dahil ang ingay ay binuksan ko iyon. "Umalis ka na!" sigaw ko agad.

"Bakla! anong ginawa ko?" nakita ko si Jun na nakatayo sa labas ng pinto at siya ang nasigawan ko. Ginala ko ang paningin ko sa labas ng pintuan at wala akong nakitang mukha ni Jeremy. Ang kapal talaga.

"Sorry bakla akala ko pulubing nanghihingi ng pera." wika ko ayaw kong ipaalam ang pagpunta ni Jeremy.

Naligo na ako at pumasok sa trabaho ko. Nang umuwi ako ay naabutan ko si Jeremy sa sala at kinakausap ang anak kong nakasimangot. Narinig niya ang pagpasok ko kaya bumaling siya sa akin at napawi ang pagka kunot ng noo niya. "Mahal!" nagtatalon sa tuwa na wika niya bago ako niyakap sa binti.

"Mahal oh." at inabot ko ang donut na gusto niya, dalawang piraso lang iyon dahil ayun lang ang kinaya ko. "Wow!" nagningning sa tuwa ang mata niya at bumalik sa inuupuan niya.

"Bihis lang ako, Mahal ah." paalam ko kay Jorgina. Tumango tango naman siya bilang sagot dahil punong puno ang bibig niya ng donut. "Anak, mabulunan ka. Wala naman aagaw sayo niyang donut." wika ko at kumuha muna ng tubig at binigay sakanya bago pumasok sa kwarto.

Nahubad ko na ang uniporme ko at ang tanging suot ko na lamang ay itim na cycling at sandong itim din nang may nagbukas ng pinto. Paglingon ko ay si Jeremy iyon tutulak ko sana palabas pero ni lock niya ang pinto sa loob.

"Anong ginagawa mo dito!? lumabas ka nga." iritado kong wika. Nakita ko kung paano magpalit ang ekpresyon sa mata niya mula sa normal papunta sa pagkairita na may halong inis.

"Nagsusuot ka ng ganyan ng may lalaki dito!?" pagalit na wika niya. Inirapan ko lang siya bago ako humila ng short at sinuot iyon bago ko siya hinarap. "Bakit ka nandito? hindi ba sinabi ko kanina na --.." pinutol niya ako sasabihin ko ng humingi siya ng tawad.

"Sorry na. Nakalimutan ko yung kahapon." aniya na parang isang maliit na bato ang sorry niya na humampas sa pader na itinayo ko. Nawala agad ang inis ko sa isang sorry lang niya at ayaw ko ng ganoon. Lumabas ako ng kwarto "Kay Jorgina ka dapat mag sorry. Umasa ang bata." wika ko at pumunta sa kusina para kumain.

"Jorgina, Kumain ka ba?" tanong ko habang nagsasandok ng kanin. "Mahal hindi pa po." sagot niya at bumaba sa upuan at lumapit sa akin.

Naglagay ako ng ulam at sinusubuan ko si Jorgina. Nang tignan ko si Jeremy ay nakatayo lang siya sa labas ng pintuan at nakatingin sa amin. Admiration was now visible to his eyes.

Kumunot ang noo ko at hindi na siya pinansin. Nang naghuhugas na ako ng pingan ay lumapit sa akin si Jorgina. "Mama, antok na ako. Hugas mo na ako ng katawan." aniya kaya tumingin ako kay Jeremy. "Pahugas ka sa papa mo. Naghuhugas pa ako ng pinggan eh." Wika ko at nagpatuloy sa paghuhugas napansin kong hindi umaalis si Jorgina sa tabi ko kaya tinignan ko siya. Nakasimangot siya at naka krus ang braso sa dibdib niya. "Mahal..." malambing na wika ko. "Ayoko mahal! hi-intayin na lang kita." bakas sa boses niya ang galit. "Mahal... dali na huh! pagod na din si mama." wika ko kaya naglakad na siya papunta sa papa niya na nakaupo sa kahoy na sofa namin. Tumingin siya sa akin pero wala akong reaksyon. "Andito ang banyo." sabay turo ko sa banyo.

"Bakla. Aalis na ako." napatingin ako kay Jun. "Sige Bakla, ingat. may pamasahe ka?" tanong ko.

"Madami bakla." sagot niya at nagpaalam muli bago umalis.

Pagtapos kong maghugas ng pinggan ay pumasok ako sa kwarto para kuhanin ang tuwalya ni Jorgina at naghintay ako sa labas ng banyo. Paglabas ni Jorgina nilagyan ko siya ng tuwalya at binuhat papasok sa kwarto. Binihisan ko agad siya.

"Dito ako matutulog." wika ni Jeremy kaya napatingin ako sakanya. "Hindi pwede. Hindi ka kasya dito." wika ko at gusto ko sanang idugtong na 'magagalit ang girlfriend mo.'

"Sa lapag ako." aniya na parang wala lang at tuluyan ng pumasok sa kwarto bago sinara ng pintuan. "Anong ginagawa mo!?" tanong ko sakanya.

"Sinasara ang pinto." sagot niya.

"Oo. sara mo yan kasi nakabukas pa ang pinto sa labas." agad naman niyang binuksan ang pinto sa kwarto at lumabas ilang saglit lang ay pumasok na siyang muli sa kwarto at nilock iyon.

Naghubad siya ng pantalon kaya sininghalan ko siya. "Ano namang ginagawa mo!?" tanong ko. "Mainit eh." sagot lang niya at sinabit ang pantalon niya sa likod ng pinto. God! Jeremy and his boxer short! Vannah, get a hold of yourself, galit ka diyan.

Nahiga na si Jorgina kaya nahiga na din ako. Nagulat ako ng sa gilid ko sumiksik si Jeremy kaya hinampas ko siya agad. "Doon ka sa tabi ni Jorgina. Wag kang malikot matulog dahil baka malaglag ako." wika ko. Nahiga naman siya doon at ini-stretch ang braso niya naramdaman kong yumakap iyon sa bewang ko kaya napatingin ako doon bago sa mukha ni Jeremy. Nakangisi siya kaya tinignan ko siya ng masama pero binaliwala niya lang.

"Papa, pinapatawad na kita. Basta dito ka na titira sa amin." wika ni Jorgina nagpalaki ng mata ko.

"Jorgina hindi pwede." apila ko agad.

"Sige anak." halos sabay na sagot namin ni Jeremy. Tinignan ko ng masama si Jeremy at pagsasabihan sana siya ng humiyaw si Jorgina sa tuwa at yumakap sa papa niya.

Ilang saglit lang ay tulog na si Jorgina. "Anong sinasabi mo Jeremy!? paasahin mo na naman ang bata." wika ko hinimas niya ang bewang ko kaya inalis ko ang palad niya doon at tinignan siya ng masama.

"Hindi ko siya paasahin. Dala ko na nga ang gamit ko sa sasakyan eh. Dito na ako titira." aniya kaya napaupo ako. "Tumayo ka diyan. Umuwi ka na." utos ko sakanya.

"Wag ka ngang maingay! natutulog na yung anak natin." aniya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. 'anak natin'

"Sorry Vannah" aniya.

"Para saan!?" tanong ko medyo hininaan ko ang boses ko dahil baka magising nga si Jorgina. "Sa lahat. babawi ako." aniya magsasalita sana ako ng dinugtungan pa niya. "Pupunta daw si Jewel dito sa linggo."

"Alam na niya!?" tanong ko. "Oo kanina lang. Si Jerome nagsabi." tumahip ang kaba sa dibdib ko. Sinabi ni Jerome ibig sabihin alam na ni Jeremy ang ginawa ni Ate noon?

--

Na block ako! Sorry natagalan.

-Myka

Once His  (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon