Kabanata 3

14.1K 261 10
                                    

Hinala

Hinatid ako ni Jeremy hanggang sa makasakay ako ng taxi. Bitbit ko pa din ang box ng cupcakes. Pinalobo ko ang pisngi ko ng maalala ko si Jerome, dinukot ko ang phone ko sa maliit kong bag at tinignan kung may text siya doon.

May apat na messages doon.

-----
Jewel

Ano girl? Kamusta naman? Hindi pa ba kayo uuwi ni Kuya?

----

Alam kasi ni Jewel na lalabas kami ng kuya Jerome niya. Nag reply ako sakanya.

-----
To: Jewel

Pauwi na ako. Pero hindi ko kasama si Jerome kanina kasi may importante daw na nangyari.

----

Nag ma send iyon ay binuksan ko naman ang ibang messages.

----
Ate Vannalein

Umuwi ka ng maaga huh. Ma le late ako ng uwi. Tatawagan kita mamaya pagbuksan mo ako. Wag kang maingay kila mommy ah.

-----

I sighed and reply to Ate na 'Okay.'
The next two messages was from Jeremy.

----
Jeremy

I had fun. =))) thanks. Take care sa pag uwi.

----
Jeremy

I forgot! Yung bayad ko pala sa tickets... treat na lang kita ng lunch sa school.

---

Nag reply ako sakanya.

----
To: Jeremy

I had fun din and about sa ticket, okay lang kahit wag na.

----

Pagka send ko ay may message ulit na pumasok. Nang binuksan ko iyon ay isa kay Jewel at kay Jeremy.

----
Jewel

Huh!? Pero umalis siya tapos tinanong ko kung saan pupunta sa mall daw magkikita daw sila girlfriend niya.

----

Pinalobo ko ang pisngi ko sa reply ni Jewel. Huminga ako ng malalim bago siya nireplyan.

----
To: Jewel

Ah. Ganon ba? Baka habang on the way siya ay may tumawag... Nga pala Jewel, papasok ka bukas?

----

Iniba ko ang topic namin ni Jewel. Binuksan ko na ang message ni Jeremy.

----
Jeremy

No. I'll treat you lunch. See you tomorrow. =)))

---

Nag reply na lang ako ng okay kay Jeremy para matapos na ang usapan. Tumingin ako sa bintana ng taxi. Madilim na at kitang kita na ang mga nag gagandahan na ilaw mula sa street lights.

Isinandal ko ang ulo ko sa sa bintana at naalala ko ang cupcakes. Bibigay ko na lang kay Jerome 'to bukas.

Napa angat ang ulo ko ng makitang malapit na kami sa bahay. Nang huminto ang taxi ay nag bayad na ako at bumaba.

Agad akong pumasok sa bahay at nag diretso sa kusina para mailagay ang cup cakes sa refrigerator. Madilim na sa bahay marahil ay tulog na sila mama. Siguro na tulog na din ang mga maids buti na lang at dala dala ko nag duplicate keys ko.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng pang tulog. Nag hilamos ako at nag toothbrush bago nahiga sa kama.

Pumikit ako at hinanda ang sarili sa pag tulog. Naalimpungatan ako ng tumunog ang cellphone ko.

"Vannah, open the gate." Bungad sa akin ng nasa kabilang linya na si Ate. Tinignan ko ang screen ng phone ko para matignan kung anongboras na, 12:46 A.M.

Kinusot ko ang mata ko at bumaba ng kama habang nakadikit pa din ang phone ko sa tenga.

"Wait Ate." Wika ko sa kabilang linya habang humahakbang pababa, nang nasa pintuan na ako ay pinatay ko na ang phone ko.

"Bakit ang tagal mo!? Ang lamok lamok kaya dito!" Naiinis na wika ni Ate. Humikab ako at sinarado ang gate ng makapasok na siya. "Nakatulog kasi ako. Bakit ngayon ka lang? Hindi ka pa ba nag pagawa ng bagong susi mo?" Tanong ko sakanya.

"Wala ka ng paki kung bakit ngayon lang ako at obvious naman na hindi pa ako nakakapag pagawa ng bagong susi. Di ba!?" Aniya at naglakad ba papasok. Umiling na lang ako at pumasok na din sa loob.

Hindi ko alam kung bakit ganyan makitungo sa akin ang ate ko. Simula ng magkamalay ako sa mundo ay ganyan na siya sa akin kaya sanay na ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko at pinagpatuloy ang pagtulog na naudlot.

-----

"Vannah... Lunch later ah." Wika ni Jeremy ng huminto sa harapan ko. Ilang sandali kung inisip ang sinabi niya.

Baka magalit si Jerome kapag nakita niya kaming sabay na kumakain ng kapatid niyang si Jeremy. Baka kung anong isipin non, baka mag selos iyon.

"Ano kasi.. sabay na kami ni Jewel." Pagdadahilan ko sakanya. Tinagilid niya ang ulo niya at kinagat ang labi. Nang bumaling siyang muli sa akin ay may ngiti na siya sa labi. "Then... we'll eat lunch together." Aniya at bahagyang ginulo ang buhok ko bago pinagpatuloy ang paglalakad niya.

Sumamit ang lunch break at sabay nga kaming kumain. "Be, kain ka muna sa bahay lang naman iyong si kuya." Sabi ni Jewel dahil kanina ko pa hawak ang phone ko.

May sakit daw si Jerome kaya hindi ito nakapasok. May nag aalaga kaya sakanya? Ano na kayang lagay niya?

"Be!" Napatingin ako kay Jewel na ang sama ng tingin sa akin pagkatapos ay bumaling din ako kay Jeremy na may bahid ng sakit sa mga mata niya. Bakit siya nasasaktan? Am I seeing right?

Hinablot ni Jewel ang phone ko at ibinulsa iyon. "Jewel!" Maktol ko sakanya, pinanlakihan niya ako ng mata. "No! Eat first. Tapos kung gusto mo sama ka sa bahay." Aniya na ikinatuwa ng puso ko.

Magana nga akong kumain. Nang maubos ko iyon ay saktong tapos na ang lunch break. "Vannah, thank you again sa pagsama sa akin sa sinehan." Ani ni Jeremy.

Napansin ko ang pabalik balik na tingin sa amin ni Jewel, nagtataka. "Okay lang. Manonood din naman talaga ako. Thanks sa lunch." Wika ko habang dinadampot ang bag.

"Wait!? Anong meron? Akala ko sumabay sa akin si Kuya Jeremy pero dahil sayo pala?" Naguguluhang tanong ni Jewel.

Ikinweto ko sakanya ang nangyari pero pili lang. Tumango tango naman siya.

Nauna na akong pumasok sa class room at kasunod ko si Jewel. "Bye. Vannah. Thank you ulit." Aniya kahit na nakatalikod ako. Nang lingunin ko si Jeremy ay naglalakad na ito palayo sa room namin.

Inihatid kasi kami ni Jeremy sa room. Tumingin ako kay Jewel may pagtataka pa din sa mata niya, parang may kung ano siyang iniisip. Nagkibit balikat na lang ako sakanya.

Nang mag uwian na ay sumama ako kay Jewel para mapuntahan ko si Jerome. Hindi pa alam ng parents niya na ako ang girlfriend niya at ito ang unang beses na pupunta ako sa bahay nila.

Itinuro sa akin ni Jewel ang kwarto ni Jerome kaya dagli dagli akong pumunta doon.

Nasa akmang pipihitin ko na ang door knob ng bumukad iyon at laking gulat ko ng lumabas doon si Ate. Nakita ko din na nanlaki ang mata niya pero saglit lang iyon. "Ate, Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

Napatingin ako sa labi niya medyo maga iyon at sobrang pula. Pinalobo ko ang pisngi ko. Tumahip ang kakaibang kaba sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Hindi iyon pwedeng mangyari. Wala kami sa isang palabas o libro kaya hindi mangyayari ang iniisip ko.

"Nag message sa akin si Jerome at may sakit daw siya kaya pinuntahan ko." Aniya sabay lakad palagpas sa akin.

Hindi ko alam na close pala sila. Hindi ko alam na nagkaka text pala sila ni ate.

Once His  (Published)Where stories live. Discover now