Kabanata 4

12.7K 228 4
                                    

Dinalaw kita.

Pumasok ako sa kwarto ni Jerome at hinanap siya agad ng mata ko. Nakita ko siyang nakahiga sa kama at walang saplot pang itaas bahagya naman na nakatakip ng kumot ang kalahati ng katawan niya pababa.

"Vannah? A-anong ginagawa mo dito? S-sinong kasama mo?" Kinakabahan na tanong niya habang umuupo sa kama niya. Ngumiti ako at naglakad papunta sa gilid ng kama niya. Nilapag ko ang paper bag na dala ko simula pa kanina sa side table niya.

"Dinalaw kita. Kamusta ang boyfriend ko? Si Jewel ang kasama ko." Malambing na wika ko. "Nakita ko si Ate galing siya di--" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng magsalita na siya. "Na wrong send ako sakanya. Dapat ay saiyo iyon." Aniya bago ako inalalayan na umupo. "Sorry hindi ako nakapunta kahapon may emergency kasi." Aniya at hinaplos haplos ang buhok ko.

"Okay lang naintindihan ko." Wika ko sakanya. Hinarap niya ako sakanya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Bumaling ang mata niya sa labi ko. "I want to kiss you, pero baka mahawa ka sa akin." Tumibok ng malakas ang puso ko. "I missed you Jerome." Sabi ko at ako na ang naunang humalik sakanya. Dinampi ko lang ang labi ko at inilayo ko din agad.

"I missed you too." Aniya. "Ano pala iyang dala mo?" Tanong niya at kinuha ang paper bag na dala ko. "Cupcakes iyan. Dapat bibigay ko sayo kahapon pero hindi ka sumipot." Nagtatampong wika ko. "Sorry. Babawi ako sa susunod." Aniya na ikinangiti ko.

Ilang saglit lang ay nagpa alam na din ako sakanya na uuwi na ako dahil baka hinahanap na ako sa bahay. Nagpumilit naman siyang tumayo at ihahatid daw ako sa pinto. "Bye." Paalam ko at niyakap siya, niyakap niya din ako pabalik at nang mailayo ako ay kinintalan niya ng halik ang labi ko, akala ko ay dampi lang iyon pero pinalalim niya. Nang maghiwalay ang labi namin ay kapwa kami hinihingal.

"Bye." Aniya ng nakangiti. Tuluyan na akong lumabas sa kwarto niya at pumunta ako kay Jewel para magpaalam.

------

Mahigit isang linggo kaming hindi nagkita ni Jerome dahil busy siya at ganon din ako. Ngunit kahit ganon ay nagkaka text pa din kami.

Inayos ko ang reading glass ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ng isa sa libro ko. Kakatapos ko lang gawin ang mga projects ko at kapag naipasa ko na ito bukas ay pa petiks petiks na lang ako.

Napangiti ako sa isiping graduating na ako. Pagkatapos ng ilang linggo ay mag ma martsa na ako, kami nila Jewel, Jerome at Jeremy.

Mabilis na lumipas ang araw at inaantay ko na lang na tawagin ang pangalan ko sa entablado.

Anna Fe Lumen, pagtawag ng adviser namin sa pangalan ng unang babae kong kaklase ay kinabahan na ako sa saya.

mabilis ang pagtawag hanggang sa konti na lang at ako na.

Jewel Erie L. Hidalgo, nilingon ako nilingon Jewel na nakaupo sa bandang unaha ko at ngumiti, nginitian ko din siya pabalik. Tumayo siya at naglakad na paakyat sa entablado upang makipagkamay sa principal namin.

Khaira Quitain, Tumayo ang kaklase ko at naglakad din papunta sa Entablado.

Mary Kaye M. Gordiola, Tumayo ito at ginawa ang ginawa din ng ibang natawag.

Mia Vannah Alvarez, pagkarinig ko ng pangalan ko ay kaagad na akong tumayo at naglakad paakyat sa stage.

Inabot sa akin ng Principal ang nakarolyong papel at kinamayan ako. Humarap ako sa mga estudyanteng magtatapos. Hinanap ng mata ko si Jerome na agad ko namang nakita. Hindi siya nakatingin sa akin at nakayuko lang siya habang hawak ang phone niya at nakangiti.

Nawala ang ngiti ko at agad akong bumaba ng stage.

Nang matawag na ang lahat ng magtatapos at natapos na ang program ay nag take kami ng mga kaklase ko ng pictures.

After the program ay niyaya ko sila Mommy and Daddy na to eat on a restaurant, Pumayag si Mommy ngunit tumanggi si Daddy dahil may meeting pa daw siya.

Naintindihan ko na naman. Nang aalis na kami sa pinangyarihan ng program ay naisip ko na ito na siguro ang tamang oras para pakilala ko si Jerome kaya hinanap siya ng mata ko ngunit kahit anong hagilap ko ay hindi ko siya makita.

Baka kasama ng mga kaklase niya. I said at the back of my mind.

Sa malapit na restaurant lang kami nag punta ni Mommy. Habang inaantay ang pagkain na napili namin ay nilabas ko ang phone ko para ma text si Jerome.

-
My Jerome

Hi Sweetheart, Congrats. =)) This is the start sa pag abot ng pangarap mo and I promise, I'll be there. I want to be with you kahit na sa same work place lang. Im proud of you. I love you.

-

Ngiting ngiti ako habang sini send ko ang message na iyon.

"Vannah?" napaangat ako ng tingin mula sa pagkakatungo sa phone ko. "Hmmm.. My?" I ask while smiling.

Ngumiti si Mommy at inabot ang isa kong kamay, Ipinatong niya ang isang kamay niya sa kamay ko habang nasa ilalim ng palad ko ang isa, Pinpagitnaan ang palad ko. "Im proud of you." Tumalon ang puso ko sa tuwa sa simpleng salitang binitiwan ni Mommy. "Thanks My." Abot tengang ngiti ko ng sinambit ko ang pasasalamat ko sakanya.

Masaya kaming kumain ni Mommy and after that namasyal kami sa mall. Napakasaya ko ng araw na iyon dahil nabigay ni Mommy ang kahit konting oras niya sa akin. Kapag nasa bahay kasi palaging si Ate ang kausap niya, close na close sila ni Ate.

Nang makauwi kami ay hinalikan ko si Mommy sa pisngi bago ako umakyat sa kwarto ko.

I looked at my phone at ganon na lang ang pagkadismaya ko ng wala kahit isang text si Jerome.

Maybe, nagkakasiyahan sila ng mga kaklase niya. Konsinte ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at handa ng ipikit ang mga mata ko ng tumunog ang phone ko.

Sinagot ko ang tawag ng hindi tinitignan ang caller ID.

"Hello?" I asked at the other line. Pumipikit na din ang mata ko kaya ipinikit ko iyon kasabay ng paghikab.

"Hi. Vannah, Si Jeremy 'to. Congrats..." Parang nag aalanganin ang nasa kabilang linya.

"J-Jeremy? Thank you." Sagot ko at tuluyan na akong hinatak ng antok.

Once His  (Published)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ