Kabanata 33

12.2K 220 2
                                    

Baby sister

Maaga din na umuwi sila Jewel, Manjo at Jerome dahil may mga pasok pa daw sila bukas.

"Saglit lang Je ah. Aayusin ko muna yung higaan ni Jorgina bago mo siya ilapag." Nakatulog kasi si Jorgina habang buhat niya ni Jeremy.

Humikab si Jeremy at tumango kaya nag martsa na ako papunta sa kwarto at inayos ang higaan nang masigurado kong maayos na ang higaan ay tinawag ko na si Jeremy. Hiniga niya si Jorgina at pinayakap ko kay Jorgina ang isang unan.

"Lipat na tayo." napatingin ako kay Jeremy dahil sa sinabi niya. "Bakit? ayos na tayo dito." sagot ko at nag iwas ng tingin. "O kung gusto mo ikaw na lang ang lumipat dalaw dalawin mo na lang si Jorgina dito." dugtong ko.

"Ayoko! Kung lilipat ako gusto ko kasama ko kayo." Aniya. Huminga ako ng malalim. Siguro ito ang tamang panahon para pag usapan ang level ng relasyon namin. "Jeremy, ano ba tayo?" Nakita ko kung paano siya nagulat at bumalik din sa normal niyang ekspresyon. "Ikaw ang ina ng anak ko at mahal kita." sagot niya na ikinatahimik ko "Vannah, kapag nakalipat tayo magpakasal na tayo."

Lipat... Kasal..

"Jeremy hindi mo ko kailangan alukin ng kasal dahil lang sa ina ako ng anak mo." yumuko ako pagkasabi ko noon.

"What!? ano bang sinasabi mo? Hindi kita papakasalan dahil ikaw ang ina ng anak ko. Papakasalan kita dahil mahal kita at ikaw ang gusto kong maging katuwang sa habang buhay." I can hear a frustration in his voice.

Iniisip ko ang sinabi niya. Is it true? Bakit hindi ako makapaniwala?

Tumabi sa akin si Jeremy at niyakap ako. "Vannah, Mahal kita. Mahal kita kaya papakasalan kita. Nong araw na nagkita tayo sa hospital nagalit ako kasi mahal pa din kita at nong oras na yun hindi ko pa alam ang tungkol kay Jorgina." His voice softened as he confessed.

Pinagapang niya ang palad niya sa magkabilang braso ko at iniyakap iyon sa bewang niya. "Mahal kita Van.." I can feel the warm and love in his soft voice na para bang hinahaplos nito ang puso ko.

Bahagya niya akong inilayo sakanya at hinalikan sa labi na agad kong tinugon. Nang lumayo siya ay ngumiti siya at tinignan ako na parang isa akong bituin. Nag init ang pisngi ko kaya yumakap na lang ako sakanya. I heard him chuckled. "Gawa na tayo ng baby sister ni Jorgina." aniya kaya agad akong lumayo sakanya at hinampas ko siya.

"Tumahimik ka nga!" suway ko sakanya he pouted his lips. "Sige na nga. After ng kasal na lang." aniya.

"Anong kasal?" maang mangan kong sabi. "Kasal natin. Sa ayaw at sa gusto mo." aniya at hinalikan ako.

---

"Vannah!" Narinig kong sigaw ni Jeremy sa kwarto. "Bakit!?" sigaw ko. Nasa sala ako at namamalatsa ng gagamitin niyang pamasok.

"Kala ko umalis ka." aniya mula sa pintuan. "Saan kami pupunta papa?" tanong ni Jorgina na nanonood ng cartoon na sa tuwing umaga lamg pinalalabas. "Secret." sagot ni Jeremy. Siraulo talaga!

Pinagpag ko ang polo ni Jeremy at hinanger. "Kumain ka na. Di ba may pasok ka?" tanong ko kay Jeremy.

"Meron. Anong ulam? Kiss muna." aniya ng tuloy tuloy. "Monggo." sagot ko. Hinarap niya ako sakanya at hinalikan niya ako sa labi. "I love you." wika niya pagkatapos niya akong halikan.

"Sweet niyo naman! Bitter ako." napatawa ako sa sinabi ni Jorgina malamang yan kay Jun niya natutunan iyon.

Nakita kong nakakunot ang noo ni Jeremy kaya bahagya kong tinusok iyon ng daliri ko. "Bakit?" tanong ko pero umiling lang siya.

"Kumain na kayo?" tanong niya. "Hindi pa. Sabay na tayo, hinintay ka namin eh." sagot ko sakanya at inayos ang pamalantsa.

Binuhat ni Jeremy si Jorgina at nauna na sila sa hapag. Nang maayos ko ang ginamit ko ay nagtungo na din ako sa hapag at pinagsilbihan sila.

Sabay sabay kaming kumain kaya  naramdaman ko ulit ang pakiramdam ng may buong pamilya.

------

Two chapters to go at wakas na. Thank you sa pagbabasa. Wag masyadong mag expect sa story.

-Myka

Once His  (Published)Where stories live. Discover now