Kabanata 6

12K 224 8
                                    

Game and the Prize

Ano nga ba ang dapat na maramdam mo pag niloko ka ng mahal mo? magalit, dahil niloko ka o ang maawa sakanya at sa sarili mo?

Gaano nga ba tatagal ang pagmamahal ng isang tao sayo? Porket ba mahal ka niya ay dapat ka ng makampante? kahit na alam mo na walang permanente sa mundo. There's no guarantee in life.

Pagka gising ko ang tinawagan ko si Jerome naka tatlong ring palang iyon ay sinagot na niya agad.

"Hello? Jerome?" untag ko sa kabilang linya pero imbes na may sumagot pabalik ay ang ingay mula sa paligid ng nasa kabilang linya lang ang naririnig ko.

"Jerome!?" tawag ko pang muli, nang walang sumagot ay ibaba ko na sana ang tawag kaso may narinig akong tawa ng babae at tawa ni Jerome.

"Diyan pala kiliti mo Baby ah." wika ni Jerome. Nakagat ko ang labi ko dahil sa kirot ng puso ko at pag iisip ng kung ano.

Muli ay nakarinig ako ng tawa ng babae. Ang tawa na napaka pamilyar. "Jerome! Stop it!" wika ng babae habang nasa kabilang linya. "Okay. I love yo--" Hindi ko na tinapos at binaba ko na lang ang tawag.

Nang araw na iyon ay umiyak lang akong magdamag sa kwarto. Hindi ko pa nakukumpirma pero alam kong, may iba na siya.

Gusto kong may makausap. Gusto kong i-kwento ang nararamdaman ko ko pero hindi ko alam kung kanino dahil ang kaisa isang kaibigan ko ay kapatid ng boyfriend ko.

Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon mula sa screen ng phone ay nakita ko ang mugto kong mga mata pero binaliwala ko iyon at sinagot ang tawag mula kay Jeremy. Ayaw kong sanang sagutin pero baka importante.

"H-hello?" Untag ko sa kabilang linya. Hindi ko sigurado kung ano ang lagay ng boses ko.

"Ah.. Hi. Umiiyak ka ba?" Natahimik ako sa tanong ni Jeremy. "Vannah?"

"Bakit ka tumawag?" tanong ko at binaliwala ang tanong niya.

"Ah.. n-napindot ko lang. Bakit ka umiiyak? anong nangyari?" dire diretsyong aniya.

"Okay lang ako. Hindi ako umiiyak.. may sipon lang. Kung wala ka ng sasabihin... I'll hang up na.." wika ko.

"Ah.. Sige. Sorry sa biglang tawag."

Pagkatapos niyang magsalita binaba ko na ang tawag.

Nang mag gabi na ay nag message ako kay Jerome na mag usap kami. Hindi ko siya kayang makita dahil sa narinig ko sa phone pero kailangan kong tatagan ang sarili ko. Gusto kong malaman kung anong lagay ng relasyon namin.

Kinabukasan ay nag bihis na ako dahil magkikita kami ni Jerome. May excitement akong naramdaman pero itinaboy ko iyon.

Nagpahatid ako sa driver namin sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Jerome. Pagpasok ko ay naghanap ako ng vacant seat, pinili ko ang medyo malayo sa mga karamihan ng tao.

I look at my wrist watch at sakto lang ako sa oras na binangit ko kay Jerome. Omorder ako ng kape at naghintay na dumating si Jerome.

Pagkatapos ng mahigit kalahating oras na paghihintay ay hindi pa din dumadating si Jerome, I was about to message him ng bumukas ang pinto ng coffee shop at pumasok siya. Luminga linga siya hanggang sa madako ang mata niya sa akin. Naglakad siya papunta sa akin at naupo sa kaharap kong silya.

"I thought you can't make it." panimula ko. "Sorry." Ang tanging salita na namuntawi sa bibig niya.

After a seconds of silence, I cleared my throat at pilit na inaalis ng kaba sa dibdib ko. "Who's the girl?" Hindi ko alam kung saan ako magsisimula so I staight him to the point.

Nakatingin lang ako sakanya habang tinatanong ko iyon kaya nakita ko kung paano siya magulat. "Im sorry." aniya na nagpaguho ng mundo ko.

"I-If you're really sorry, break up with her and let's get back to what we are.." tanga nga sigurong matatawag. Pero may kasabihan nga na 'Kapag nagmahal ang isang tao ay magiging tanga na siya.' "Hiwalayan mo siya at kakalimutan ko ang ginawa mo." dagdag ko pa.

"I love her.." mariin na wika niya. Mga salitang napakatamis pero nakakamatay ng ibang tao. "Alam kong hindi! Mas mahal mo ako di'ba?" I almost whisper, nag unahan ang mga luha ko pero hindi ko iyon pinunasan dahil nagbabakasakali ako na maisip niyang ako ang mahal niya at ayaw niya akong umiiyak.

"Im really sorr--.." I cut him. "No Jerome! You love. You love me, right!?" Nakita ko ang awa sa mata niya pero wala akong pakialam kung mag mukha akong pathetic sa harap niya. Wala akong pakialam basta bumalik lang siya.

"I don't love you. This is all just a game. You're part of our game and the girl I love is the prize." Pakiramdam ko huminto ang lahat sa paligid ko... Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko dahil pakiramdam ko konting galaw ko lang mawawala na ako ng tuluyan sa sarili ko.

"Im sorry Vannah." Inipon ko ang lakas ko pinilit kong tumayo, sa pagtayo ko naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko kaya napakapit ako sa lamesa, agad naman na umalalay si Jerome pero tinapik ko ang kamay niya at tumayo ako ng diretso.

Pinilit kong magpakatatag at inipon ko ang lahat ng lakas ko at sakit na nararamdaman ko bago ko siya sinampal.

"Kulang pa 'yan kung tutuusin. Sa lahat ng sakit kulang pa yan." wika ko bago naglakad palabas ng coffee shop.

I am just a part of the game. Ang katulad ko ay dapat bang pinaglalaruan!? Anong ginawa ko para maranasan ko 'to. Binigay ko ang lahat pero ano 'to? bakit ganito?

There is really no guarantee in life. Oo, masaya ka kahapon pero hindi mo masisiguro kung hanggang bukas dala mo pa din ang kasiyahan na iyon.

Once His  (Published)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin