CHAPTER 1 SEÑORITA ELIZABETH CALE FUENTES

69 31 1
                                    

SEÑORITA POV_:

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi dala ang supot na may lamang isang piraso ng hita ng manok.

Mabuti nalng at mabait si aleng adeng, naisipan niyang bigyan ako ng ulam ngayon.

Tamang tama at gutom na gutom na talaga ako! Sapat na to pantawid gutom! .

Kasi naman eh , iilan na lang ang pasahero ngayon sa jeep ni mang romoldo lalo't bakasyon na ng mga estudyante.



Bilang isang barker sa terminal ng mga jeep , mahirap. lalo't dito talaga ako mas mabilis kumita.



Buti nga at may makakain pa ako ngayon , ang po-problemahin ko nalng ay ang bukas .....


"Ah alam ko na! Uutang nalang ako ulit ako kay aleng Dolores ng sardinas____" agad akong natigilan at napailing.....


Naku! Wag nalng pala! Puro pagmumura ang aabotin ko don!



Lalo't di ko pa nababayaran ang utang ko sa kanya.



Tsk! Pod pod na ang tsenilas ko!
Butas butas na din ang ilan sa mga t-shirt ko...


Mabuti nga at may matino pa akong mga short's kahit paano!



Hay buhay..... Ganito araw araw...
Kayod para mabuhay.... para may makain!



Ubos na din pala ang asin ko sa bahay,
wala na ding tuyo, kahapon pa naubos ..


Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad , habang patawid ako ng tulay ay nagulat ako ng biglang may asong humablot sa supot na dala dala ko at mabilis na tumakbo..


"Tang*na ! " Mabilis akong tumakbo at hinabol ang asong tumangay ng supot ko na may hita ng manok..

Bwisit na aso! Nanakawan pa ako! Yun na nga lang ang ulam ko ngayon araw na to! Pang hapunan! boung araw na akong di kumakain!


Mabilis akong tumakbo at ganon din ang asong hinahabol ko....


Bwisit! Bakit kasi ang iksi ng mga paa ko! Ang bilis pa tumakbo ng lintik na aso!

Umabot na kami sa kalsada......


Mabuti nalng at gabi na.. walang mga tao!


Halos naging si flash na ako at domoble pa nga ata!


Maya maya pa ay bumagal na ang takbo ng aso at naglakad na nga ito, mabilis kong nilapitan ito at inagaw ang supot sa bibig niya , hindi din agad binitawan ng lintik na aso ang supot kaya nakipag agawan pa ako! Lintik!


Maya maya pa ay napunit ang supot at nalag lag ang hita ng manok mula dito..

Mabilis kong dinampot ang pod pod Kong tsienelas at binato sa aso kaya tumakbo ito palayo...


"Bwisit!" Agad kong nilapitan ang tsienelas ko at muli itong isinout....


Muli ko ding binalingan ang nalag lag na hita ng manok sa kalsada....


OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now