CHAPTER 20 It's Hurt

10 13 0
                                    

"Aray!" Ugtang ko ng bigla akong itulak ni Spencer.

Tumama ng malakas ang pwet ko sa sahig, sakit non ah!

Ano bang problema niya , ba't bigla nalang siya nanunulak..

Agad siyang tumayo at bahagyang tumikhim at dinapuan ako ng tingin .

Tumayo na lamang ako kahit na medyo masakit ang pagkakatulak niya sa akin.

"Bakit ka ba kasi biglang nanulak" mahinahong sambit ko dito habang hinihimas ko ang siko ko na tumama sa sahig ..

"I don't like you" ugtang nito.

"A-Ano?"

"Una si Bryant , sunod si jordan, at ngayon..... Ako naman" asik nito habang nakatingin sa akin."Ganyan ka ba talaga?"

"Anong sabi mo?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa "Señorita Elizabeth Cale Fuentes"
Lumapit siya bahagya sa akin. "Hinding hindi ko magugustuhan ang tulad mo na--------" isang malakas na sampal ang binigay ko dito dahilan para matigilan ito sa pagsasalita.

"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan , wala kang alam , wala kang alam sa mga pinag daanan ko" mariing sambit ko dito , tumingin naman ito sa akin ngunit agad siyang natigilan ng makita ang istura ko.

Agad din akong natigilan ng maramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko.

U-Umiiyak ako?

Humakbang papalapit sa akin si Spencer ngunit agad ko na ito iniwasan at tumakbo ako palabas ng condo niya na sout ang t-shirt niya at wala man lang sout sa paa.

"Wait!" Sambit nito ngunit di na ako nag abala pang lingunin ito.

Agad akong dumiretsyo sa hagdanan at mabilis akong naglakad pababa.

Bakit kasi ganon siya magsalita! Masyado siyang mapanakit!

Hindi niya ako kilala! Wala naman siyang alam tungkol sa akin! Tungkol sa mga pinag daanan ko na hirap sa buhay!

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad pababa habang di tumitigil ang pag tulo ang mga luha ko ng bigla akong natapilok at napaupo sa hagdanan.

Bwisit! Ngayon pa talaga ako minalas!

Bakit ba kailangan mangyari sa akin to!

Oo , gusto kong gumanda ang buhay ko, gusto kong makaranas na tumira sa napakalaking bahay. Gusto ko makakain ng masasarap na pagkain...
pero..... Hindi ko hiniling na mainsulto ng ganon!

Ang tingin niya sa akin ay malandi ako!gago pala siya eh!

Agad na akong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad...

Bakit ba ako masyadong nasaktan sa sinabi niya.....

Hindi naman ako ganito ah ...

Pero bakit ang sakit marinig yun galing sa kanya.... bakit nasasaktan akong isipin na ganon ang tingin niya sa akin.

Tuluyan na akong nakababa at agad na akong dumiretsyo palabas.

"Ma'am? Saan ka po pupunta?" Takang tanong sa akin ng gwardya na bumati sa amin kanina na siyang nag babantay din dito sa building.

OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now