CHAPTER 68 YOU AND I

5 10 0
                                    

"KUKUNIN KO LANG , KUNG ANO ANG DAPAT NA SA AKIN."

Muntik na akong mapatili ng bigla akong hablutin ni spencer mabuti at hindi ako agad binitawan ni dexter at agad niya ako nabawi dito , ang kaso agad na sinapak ni dexter si spencer.

"Dexter!" Agad ko siyang hinila ng akmang susugurin pa niya ito.

Ng makabawi si spencer ay gumanti agad siya ng suntok kay dexter.

"Dexter!" Akmang lalapitan ko ito ng bigla akong hawakan ni spencer kaya napatingin ako dito. "B-Bitawan mo ako." hindi ito nakinig at agad niya akong hinila papaalis.

Mabuti at agad akong nahabol ni dexter , agad niya akong binawi kay spencer at agad niyang tinadyakan sa sikmura si spencer dahilan para mapaupo ito sa lupa.

Nagtalo ang loob ko kung lalapitan ko ba si spencer o hindi , sa huli ay nanaig ang kirot sa puso ko at dinaluhan ko ito , tinugunan ko itong matayo .

Napatingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko ngunit agad ko itong binawi at muli akong lumapit kay dexter. "I'm S-Sorry spencer..." tanging na sambit ko dito.

Nagtagis ang kanyang mga ngipin at umiigting ang kanyang panga , bahagya ding napayukom ang kamao niya habang matalim na nakatingin kay dexter.

Bumaling ang tingin ni spencer sa akin "Sasama ka sa akin , sa ayaw at sa gusto mo ... Elizabeth " mariing sambit nito.

Umiiling ako habang mahigit na nakahawak sa kamay ni dexter . "Ayoko"

Ngumiti siya . Kung dati , tuwang tuwa ako sa ngiti niya , ngayon ay hindi na. Iba ang ngiti niya ngayon, parang nag papahiwatig ng kung anong Hindi magandang bagay.

"Gusto mo pa naman siguro makita ang Uncle mo" biglang tinambol ng dagundong ang dib dib ko dahil sa kaba.

Teka-- anong ibig niyang sabihin ? Bakit nasali dito si uncle?!

"Ikaw ang mag desisiyon" kumpaynsang turan nito.

"A-Anong ibig mong sabihin?.... B-Bakit nasali si uncle Joe dito?" hindi siya sumagot sa halip ay ngumiti lamang siya na lalong ikinakaba ko.

Ng akmang susugurin siya ni dexter ay agad kong pinigilan si dexter na siyang ikinagiti nito , napatingin ito sa akin . Nag tatanong ang mga mata nito.

Marahan akong umiling sa kanya at unti - unting tumulo ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan.

"I-Im sorry...."tanging nasambit ko bago ko marahang binitawan ang kamay niya at naglakad ako papalapit kay spencer ngunit agad na hinawakan niya ang kamay ko na siyang ikinagiti ko at ikinalingon sa kanya.

Hindi siya nagsalita, nanatili lamang na nakatingin sa akin ang kanyang mga matang nag tatanong, kitang kita ko ang pagkadesmaya at sakit sa mga ito pero wala akong magagawa , si uncle ang pinaguusapan dito.

OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now