CHAPTER 15 BARAGDULAN!

12 15 0
                                    

Nakapasok at Nakabalik na ako sa kwarto ko. Mabuti nalang talaga at hindi ako nahuli!

Kasalukuyan akong nakahiga at di parin ako nakabihis.

Hindi kasi mawala sa isip ko ang mayabang na Spencer na yon!

Dati... Akala ko si Dexter na ang pinaka bwisit sa lahat , wala na kasing ibang ginawa yon kundi bwisitin ako ng bwisitin, pero di pala, may mas malala pa pala.....

Yung mayabang na Spencer na yon!

Arghhh!!!

Agad kong kinuha ang isang unan at tinakip sa mukha ko.

Bakit ba di mawala ang mukha niya sa utak ko!!! Kainis!

Marahan Kong tinanggal ang unan sa mukha ko at napatingin ako sa kisame...

Naalala ang mga mata niya...

.....Nang bigla Kaming nagkatitigan sa mata at kasabay non ang pag ilaw ng bumbilya sa gilid namin. ......

Agad akong napailing at sinampal bahagya ang pisnge ko.

"señorita! Tumigil ka! Bakit mo ba iniisip Yun!"

Pero teka lang.... Pano kaya nangayri yun, magkapatid sina Dexter, ronel , watson , west at.. Spencer....

Ngayong nahanap ko na sila ....

Kailangan ko naman humanap ng paraan kung paano kami makakaalis o makakalabas dito sa librong to.

Kung paano kami makakabalik...

Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko , at maya maya pa ay tuluyan na akong nakatulog...

******

Nagising ako mula sa katok ng pinto sa labas ng kwarto ko .

Agad ako nag mulat at bumangon.
Naupo ako sa kama habang kinukusot kusot ang mga mata ko.

Patuloy parin ang katok sa pinto, agad akong tumayo at naglakad patungo dito.

"Good morning Madam" bati sa akin ni lalyla .

Ngumiti naman ako dito at bumati pabalik "Good morning din "

"Pasensiya na po , naistorbo ko po ang tulog niyo, kasi po..... Anjan na po ang Mommy at Daddy mo"  turing nito na kaagad kong ikinatigil.

Akala ko ba isang buwan sila wala.

"Ganon ba, segi.. magbibihis muna ako sandali bago ako bumaba. " Tumango naman sa akin si lalyla at nauna ng bumaba.

Agad akong tumungo pabalik sa kwarto at nag ayos.

Matapos non ay agad na din akong bumba

Pagkababa ko ay agad akong sinalubong nina ma'am helena at sir Robert.

"How are you darling ?" Nakangiting tanong sa akin ni ma'am helena at lumapit sa akin 't niyakap ako.

"O-Okay lang po" sagot ko dito.

Lumapit din sa akin si sir Robert at niyakap ako.

OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now