CHAPTER 85 NICE TO MEET YOU.... AGAIN

8 11 0
                                    

"DITO KA LANG."

Hindi ko na alam kung gaano na kami katagal nakatitig ni dexter sa isa't isa bago siya naunang umiwas ng tingin sa akin.

Bakit siya umiwas?

Muli siyang umupo habang hawak hawak ko parin ang kamay niya.
Bakit kaya hindi siya humahawak pabalik sa kamay ko?

Teka , bakit ko pinoproblema yon?

"Kamusta ang pakiramdam mo?"tanong nito ng hindi man lang ako tinatanpuan ng tingin.

Hindi ko siya sinagot at nanatili lamang akong nakatitig sa kanya.

"May gusto ka bang kainin? O baka gusto mo ng tubig?" Hindi parin niya ako tinitigan at hindi ko din siya sinasagot .

"Bakit ayaw mo akong tignan?" diretsyong tanong ko dito.

Bakit walang preno tong bibig na to!

Dito na siya napatingin sa akin kasabay ng pag lunok niya.

Nang magtama ang mga mata namin ay kitang kita ko ang pag daan ng lungkot , sakit , pangungulila at kung ano ano pang emosyon sa mga mata niya.

Nakatitig lang siya sa akin , pag kuwan ay ngumiti at humawak pabalik sa kamay ko.

Dito pumanatag ang puso ko ng maramdaman kong humawak siya sa kamay ko. Mahina niyang pinisl iyon habang nakatingin sa akin.

Nakangiting nga siya pero hindi naman umabot sa mga mata niya , kumbaga ay parang props lang ang ngiting iyon para itago kung ano talaga ang totoong emosyon niya.

Nalulungkot ako na nakikita ko siyang malungkot..

Malungkot ba siya dahil hindi ko matandaan kung sino siya?kung sino siya sa buhay ko?

Eh bakit kasi ayaw nilang sabihin sa akin ng diretsyo!.

"Pasensiya na.. kung hindi kita matandaan .. "mahinang sambit ko habang nakatingin dito.

"Okay lang yon ." sambit nito at ibinaling niya ang tingin sa kamay ko.
"Ayos lang kung hindi mo na talaga matandaan kung sino talaga ako sa buhay mo .... basta wag mo lang pilitin ang isipan mo dahil baka hindi kayanin ng isip mo ang mga alaalang nawala." sa sobrang hina ng pag sasalita niya ay halos wala na akong narinig , ang alam ko lang ay may bigay at lungkot sa boses niya.

Muli siyang tumingin sa akin ay ngumiti. "Edi mag papakilala ako sayo ulit .." nakangiting sambit nito.

Hindi ko man alam kung sino o ano ba talaga siya sa buhay ko , ang tanging alam ko lang ay magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Siguradong mahalaga din siya sa akin.

Bumangon at umupo sa kama , agad din niya akong inalalayan na maupo.

Malawak akong ngumiti ako sa kanya at inilahad ang aking kamay. Ako si.... Señorita Elizabeth cale fuentes..." Nakangiting pag papakilala ko sa kanya. "Señorita na lang.."

Sabi nila yun daw ang totoo kong panggalan.

Napatitig muna siya sa akin bago siya muling ngumiti at tinaggap ang kamay ko. "Ako si...Bryant Fitzalan Howard..."
Nang maramdaman ko ang mainit niyang palad na humawak sa kamay ko ay parang tumalon ang puso ko sa di malaman na dahilan. Kasabay ng pag ngiti niya ay siyang pag kabog ng dib dib ko."Dexter nalang..." Nakatitig lang ako sa kanya at ganon din siya. 

OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now