CHAPTER 41 NEED TO THINK

6 13 0
                                    

9:04am.

Tahimik lamang akong nakaupo sa loob ng kotse  katabi ni bryant na ngayon ay nagmamaneho.

Ilang minuto na din ang nakalipas mula nang makaalis kami sa mansion.

Muntik ko pang makalimutan na may date nga pala kami ngayon....

Eh paano ba naman kasi..... Ayaw tan-tanan ng utak ko si spencer , na magpahanggang ngayon ay iniisip ko parin....

Gusto ko siyang alisin sa utak ko , pero di ko magawa ! Argh!

*

Makalipas ang ilang sandali ay huminto si bryant sa isang napakalaking restaurant.

Nauna na siyang bumaba ng kotse at mabilis na umikot at pinag buksan ako.

"Salamat" turan ko dito ng makababa ako , ngumiti lang siya sa akin at agad na niyang isinara ang pinto ng kotse.

"Let's go?" Nakangiting inilahad niya ang kamay niya sa akin.

At imbis na tanggapin ay nakatitig lamang ako dito.

Ng makita niyang tila nag aatubili akong tanggapin ang kamay niya ay ibinaba na lamang niya ito .

"Tara na" nakangiting lumapit siya sa akin at bahagya akong inakbayan at agad na kaming pumasok sa loob. 

.
.
.

"Are you okay?" Tanong ni bryant sa akin ng mapansin niyang tahimik lang akong nakaupo sa harapan niya habang siya ay nakatingin sa menu na hawak niya .

"Oo...O-Okay lang ako" sambit ko dito at tipid akong ngumiti , agad ko ding ibinalik ang tingin ko sa paligid At sa mga taong nasa loob din ng restaurant kung nasaan kami ngayon ni bryant . Napansin kong napaka simple lang ng damit na sout ko kumapara sa kanilang lahat dito.

Sa totoo lang hindi ako komportable dito , pero hindi na lamang ako umimik , baka kasi sabihin pa nitong si bryant napaka arte ko , ako na nga ang dinala sa mamahaling restaurant, tapos mag rereklamo pa ako.

Nakinig lang ako habang nag o-order si bryant sa server namin .

Umalis din ito agad matapos kunin ang order namin .

Habang nag aantay ay nag kwentuhan muna kami ni bryant na dalawa.

Panay lang siya sa pag kwento tungkol sa mga kung ano ang mga hilig niyang gawin habang ako ay nakikinig lang sa kanya .

Ilang sandali pa ay dumating na ang pagkain namin .

Inuna ko ang stake na nasa plato.

Agad akong natigilan ng mapatingin ako sa mga kustsara , tinidor at marami pang mga kung ano anong gamit pang kain na di ko alam kung paano ba gagamitin. 

Kinuha ko nalang ang kutsara at tinidor at hiniwa ko ang stake ngunit hindi ko nagawa kasi matigas .

Tumingin ako kay bryant at kita ko na hiniwa niya ang stake gamit ang maliit na kutsilyo kaya naman ginaya ko ito .
Hiniwa ko ang stake gamit ang maliit na kutsilyo pero dahil sa ito ang unang beses ko. Nahirapan ako at maingay ang pag kakagawa ko.

OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now