CHAPTER 23 COOK WITH LOVE

9 13 0
                                    

"U-Uncle" mahinang usal ko habang nakatingin dito ...

Paanong nangyaring.....

"Uncle joe..." Usal ko muli dito habang ito at nagtatakang nakatingin sa akin .

"Ma'am señora? Ayos ka  lang ba?" tanong nito sa akin ng makitang tumulo ang luha ko.

"Uncle!" Agad ko itong niyakap at humagol hol ako ng iyak..

Alam kong nagtataka silang lahat , pero wala na akong pakialam..

Si uncle! Andito siya sa harapan ko! Totoo siya!

"Señora? Ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin Ngunit lalo lang ako napaka hagol hol ng iyak ng tawagin niya ako ulit sa palayaw ko.

Hindi ako sumagot at umiyak lamang ako.

Humarap ako dito at tinanong ito

"Naaalala niyo po ba ako ? Uncle?" Tanong ko dito habang lumuluha ako.

Hindi ito sumagot at ngumiti lamang.

Nakita ko namang sinenyasan ni Bryant ang mga tao na lumabas na agad ding sinunod ng mga ito.

"Hali kayo" sambit ni uncle sa amin ni Bryant habang ako ay nakahwak sa braso nito na nanginginig pa ang mga kamay ko .

Baka kasi bigla nalang siya maglaho...

Siya nalang ang natitirang pamilya ko.

Ang ama at ina ko na mag isang nagpalaki sa akin ....

Pinaupo muna ako ni uncle sa tabi ni Bryant ngunit natatakot parin akong bitawan siya, marahan niyang hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at tumango.

Dahan dahan kong binitiwan ang braso niya at agad kong naramdaman ang mga kamay ni Bryant sa balikat ko ngunit nanatili ang tingin ko kay uncle.

Agad siyang tumungo sa lutuan ay nagsimula ng mag luto.

Ang bawat kilos , galaw niya...
Siya ng si uncle ! Hindi ako pwedeng magkamali!

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na si uncle sa pagluluto..

Maayos Niya itong inihain sa Plato at dinala sa amin .

Inilapag niya ito sa harapan ko at ngumiti.

"Ngayon ko lang ginawa yan " sambit ni uncle..

Agad ko naman kinuha ang tinidor sa gilid at tinikman ko ang luto ni uncle.

"Ano sa palagay mo?" Tanong ni uncle sa akin, habang ngumunguya ako .

"Malambot ang pagkakaluto ng karne ,
Saktong - sakto sa pag kakatimpla , nalalasahan ko ang anghang at alat nito at......." Agad akong natigilan at ibinaba ang tinidor sa gilid.

Bigla kong naalala ang niluto noon ni uncle na parang katulad nito ngunit iba ang lasa...

"Uncle, nalalasahan ko po ang anghang ... At shaka masarap din po kasi ma alat alat po.... Sa susunod po ... Sana po matamis din po "

"Matamis?" Takang tanong sa akin ni uncle.

"Opo!" Magiliw na sambit ko dito.

OH MY BOOK (PUBLISHED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt