CHAPTER 98 TO FOREVER OR NOT?

8 13 0
                                    

"A-AUSTIN"

Natatakot man ay pinili kong magpakatatag at protektahan si samantha..

Itinago ko sa likuran ko si samantha habang mahigpit kaming nakahawak sa isa't isa.

"D-Dyan ka lang! T-Tumawag na ako ng pulis! Parating na sila!" Banta ko dito kahit na ang totoo ay wala naman talaga.

Walang pulis señorita!

Diyos ko! Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang mag pakasal!

Kapag talaga nategy ako dito wala akong ibang sisisihin kundi si dexter! Dahil hindi man lang kami nakapag pakasal bago ako mamatay!

Patay agad señorita?—argh!

Napaatras kami ni samantha ng humakbang si austin papalapit sa amin habang nakatutok sa aking ang hawak niyang baril.

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa.

Aba't sira ulo pala tong lalakeng to!

"Pulis?"patuloy parin siyang tumatawa. "Edi segi , papatayin ko muna kayong dalawa bago pa makarating dito ang mga pulis."

Kandalunok ako habang nakatingin sa hawak niyang baril na nakatutok sa akin.

Patuloy paring tumatawa ang walang hiya .

Biglang humarang si samantha sa akin at hinarap niya si Austin.
"Please asutin , w-wag mo na idamay si señorita dito.. wala siyang kasalanan sayo." Lumuluhang sambit ni samantha.

Lalong napahalak hak ng tawa si austin. "Oo nga , wala siyang kasalanan , pero dahil sa pagiging pakialamera niya.. damay na siya dito."

"Tama na austin! Please.. maawa ka.. pakawalan mo na kami please.." lumuluhang sambit ni samantha dito.

Humakbang ulit papalapit si austin sa amin at mabilis kong itinago si samantha sa aking likuran at ako ang humarap kay austin.

"Maawa? Bakit Sam , Ikaw ba naawa ka sa akin? Minahal kita! Binigay ko lahat sayo! Pero hindi mo ako minahal kahit konti!" Sigaw nito na halos umalingaw ngaw sa boung gusali..

"Hindi mo ako minahal Austin!" Sigaw ni samantha habang lumuluha.. hinarap niya ito. "Hindi mo ako minahal! Palagi mo akong binubog-bog!" Kaya pala may mga pasa siya sa katawan! Napaka hayop ng lalakeng to!" Hindi mo ako mahal! Dahil kung totoong mahal mo ako hindi mo gagawin sa akin yon!." Pinunsan ni samantha ang mga luha niya na patuloy sa pag agos . "At oo , hindi nga kita minahal... kung hindi lang naman dahil sa utang ng mga magulang ko , hinding hindi ako papayag na makipag relasyon sayong hayop ka!" Sigaw ni samantha dito.

Biglang nagdilim ang mukha ng lalake at ng makita kong kakalabitin na nito ang gatilyo ng baril na hawak niya na nakatutok kay samantha ay hindi na ako nakapag isip at mabilis kong iniharang ang sarili ko ngunit agad din kaming natumba na dalawa.

Halos mabingi ako sa lakas ng putok na baril.

Halos mapasigaw ako ng tamaan ako sa balikat ko. Ang sakit!

"Señorita!" Agad akong dinaluhan ni samantha . Hindi ako agad nakagalaw at namilipit ako sa sobrang sakit.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.

Naramdaman kong wala na si samantha sa tabi ko ng mapatingin ako sa kinaroroonan ni austin ay naroon si samantha at nakikipag agawan sa hawak na baril nito.

Kahit nanlalabo na at umiikot na ang paningin ko ay pinilit kong tumayo , pinulot ko ang bakal na tubo na nasa tabi ko at inipon ko ang natitirang lakas ko para lapitan si Austin at hampasin ito sa ulo niya .

OH MY BOOK (PUBLISHED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang