CHAPTER 99 BEFORE YOU AND I BECOME 'WE'

8 13 0
                                    

MALAKAS NA TUMAMA sa mukha ni austin ang matigas na kamao ni dexter. Tumilapon ito sa lakas ng pakakasapak ni dexter sa kanya. Sargo ang dugo sa kanyang ilong habang lumilipad siya sa ere pabagsak sa sahig.

Tigal gal ako sa nangyari , kung ako ang nasuntok ng ganon kalakas , baka comatose na ako ngayon .

Napatingin ako sa taong papalapit sa amin .

Hindi pala nag iisa si dexter.

Kasama niya sina watson , jordan, west at.. spencer..

Agad na nilapitan ni west si samantha at mabilis niya itong dinaluhan at niyakap.

Lumuluhang yumakap pabalik si samantha dito.

Nakakatuwa sila tignan , nagulat ako ng biglang tumayo si west at sumugod kay austin.

Agad din akong inalalayan ni spencer na maupo sa sahig.

"You always cause a trouble.. Elizabeth.." sambit nito ngunit puno ng pag aalala ang kanyang tingin sa akin.

Napatingin ako kay dexter na patuloy na binubog-bog si Austin at ganon din si west dito .

Nang huminto si dexter ay agad siyang tumingin sa akin at mabilis akong nilapitan..

Agad niya akong niyakap at mabilis din akong sumob-sob sa kanyang matigas na dib dib.

"I'm sorry... Ngayon lang ako...." Napakahinahon ng boses niya habang niyayakap ako.

"You coward!"napatingin ako kay west na walang tigil na sinasapak si Austin kahit na sumusuka na ito ng dugo.

"P-Pigilan niyo siya! B-Baka mapatay niya si Austin!" Kinakabahan ako dahil Parang balak ata niya talagang patayin si Austin! At mukha ding walang balak na pumigil sa kanya.

Heto at kampante lang na nakatayo sina watson , jordan at spencer habang nakatingin kay west na mapapatay na si Austin.

"Dexter!"nakikiusap na tingin ang ibinigay ko kay dexter.

Bumaling siya kay west at agad na sinita ito. "Enough bro .." hinihingal na napahinto at napatingin si west sa amin ngunit biglang tumawa ang walang hiyang si austin kaya muli siyang binalingan ni west at muling sinapak na halos isa-isa ng tumilapon ang mga ngipin nito.

"West!" Biglang nag salita si samantha na siyang ikinatigil ni west.  Napatingin siya kay samantha at agad na nagbago ang expression ng mukha nito . "T-Tama na.." dito na tumigil si west at muling nilapitan si samantha .

Agad akong napakapit sa leeg ni dexter ng buhatin niya ako.

Bumaling siya kina spencer ." Kayo na Ang bahala sa isang yan , dadalhin ko muna si señorita sa ospital ." Sambit ni dexter na siyang tinanguan nila.

"Dexter!"turan ko, natatakot ako na baka kung ano ang gawin nila .

Ngumiti siya sa akin at sinabing "Wag kang magalala dadalhin nila si Austin sa presinto ." Napanatag ako kahit paano.

OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now