CHAPTER 101 SURPRISED PROPOSAL!

10 14 0
                                    

"WILL YOU MARRY ME?"

Nakatitig lang ako sa gwapong mukha ni dexter na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin ..

Paulit-ulit na nag eecho sa utak ko sa salitang kasasabi lang niya sa akin.

Will you marry me?

Will you marry me?

Will you marry me?

Pero ang tanging turan ko lang ay....

"ha?" Lintik ka señorita! Anong klaseng sagot yan..

Lalo siyang napangiti at napatingin sa may likuran ko , agad na bumaling ang tingin ko doon at ganon na lamang ang gulat ko ng makita ang pamilya , kaibigan namin ni dexter na naroon ay nakangiting nakatingin sa amin habang may hawak hawak na mga umiilaw na lettera.

Will you marry me?

Muli akong napatingin kay dexter na ngayon ay nasa tabi ko na , bigla siyang lumuhod sa harapan ko at inilabas at binuksan sa harapan ko ang maliit na kahon na may laman na sing sing .

Kumikinang pa ang dyamante!

"Naalala mo ba ang sinabi ko sayo noong mga bata pa tayo...sabi ko . Paglaki natin , pakakasalan kita..
Hindi ko alam kung saan , paano to nag simula ang nararamdaman ko para sayo . Basta ang alam ko lang ay simula nong una kitang makita nung mga bata pa tayo ay may bumulong sa munting puso ko at sinabing, ikaw , ikaw lang dapat... wala nga siguro sa edad ang pag mamahal kasi kahit nong mga bata pa tayo .. alam kong minamahal na kita... Mula noon , hanggang ngayon... ikaw lang señorita.. ikaw lang ang nag iisa dito sa puso ko... Hindi nawala , huminto o tumigil sa pagtibok ang puso ko para sayo..mahal na mahal kita.. handa akong gawin ang lahat para sayo... pangako na po- protektahan kita kahit na anong mangyari , aalagaan kita at pakamamahalin " naramdaman ko ang pag tulo ng mga luha ko , ngunit hindi dahil sa malungkot ako , kundi dahil sa labis na tuwa... dahil sa labis na saya.."Nangangako ako na maging tapat ako sayo .. Palagi kong susundin ang sasabihin o kahit na anong iutos mo ... Ako ang mag lilinis ng boung buhay natin , ako ang mag luluto para sayo.. para sa atin , ako ang gagawa lahat .. gagawin ko ang lahat o kahit na ano para sayo ... Dahil mahal na mahal kita... Gusto kong bou ng pamilya kasama ka.. gusto kitang makasama sa hirap o ginagawa man , hanggang sa pag tanda natin , hanggang sa huli ... Señorita Elizabeth cale fuentes- howard... "lalo akong napaiyak.."will you marry me?" lumuluhang tumango ako sa kanya.

"Yes!" Malawak siyang napangiti at agad niyang sinout sa akin ang sing-sing.

Mabilis siyang tumayo at agad akong siniil ng halik sa aking labi.

Dinig na dinig ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid namin na alam kong masaya para sa amin.

"I love you.."sabay namin na sambit ni dexter nang mag hiwalay ang aming labi , pareho kaming napangiti habang nakatingin sa isa't isa.

Napatingin ako sa aking daliri na sout ang sing sing na kumikinang pa ang dyamante nito.

Muli akong bumaling kay dexter at itinaas bahagya ang kamay ko para ipakita sa kanya ang aking dalawang daliri na sout ang dalawang sing sing na ibinigay at isinout niya sa akin.

OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now