Magkaibang Mundo ☆ Part 1

127 3 0
                                    

Si Maine Domingo aka Maya ay anak ng trabahante ng Hacienda Montenegro.May plantation ang Hacienda na ibat ibang pananim na inaangkat pa sa ibat ibang panig nang bansang Pinas.Ang Ina niyang di niya nagisnan pa ng mamulat siya sa mundo.Sabi ng Itay niya patay na daw ang Inay niya.At lumaki siyang kakaiba ang itsura.Canadian daw ang Ina niya kaya sobrang puti din niya.Picture lang ang iniwan ng Inay niya.At kamukha nga niya ito.Gwapo ang Itay niya kaso sunog ang balat nito sa araw.Kaya naging negro na ang itsura.Millitary daw noon ang Itay niya pero ng ipinanganak siya tumigil ito sa pagsusundalo.Ang nag alaga sa kanya ay ang lola Iska lang niya.Makulit at bibo si Maya kaya gusto siya sa mga tao sa lugar nila sa Sta.Ana.Kumakanta at sumasayaw din siya kaya lage siya sumasali sa mga paligsahan sa bayan.Pangarap ni Maya maging isang Sarah Geronimo balang araw.Ang maging artista kumbaga.Kaya sikat siya sa bayan ng Sta.Ana dahil sa talent niyang pagkanta at pagsayaw.Normal lang sana ang buhay niya noon.Laro,aral at bahay lang si Maya noon.Pero ng maging dalagingging na siya.Grade six siya ng magkabakasyon ang pamilya ni Stephen Montenegro sa Sta.Ana.Apo ito sa amo ng Itay niya na si Don Montenegro.Doon idinaos ang engagement ng father ni Stephen at ang step mother nitong si Emilda.Kaya pinapakanta si Maya sa engagement na iyon.Nakilala ni Maya si Stephen at simula noon naging crush na niya ito.Kahit suplado pa ito at aloof sa mga tao na andun.
"Stephen siya nga pala si Maya.Ang star dito sa bayan ng Sta.Ana.Maya kuya Stephen mo he is 17 yrs old na."magiliw na pagpakilala ni Don Montenegro kina Maya at Stephen.
"Hello po.!"nahihiya pang ani ni Maya pero nagpapacute siya.
"Hindi ka ba kumakain ng maayos.?Sobrang payat mo bata."yon ang napapansin ni Stephen kay Maya.
"Di kasi ako kumakain ng gulay po."kay tamis ng ngiti ni Maya ng bigla siyang matapunan ng juice ng isang batang lalake din.Kasing tangkad niya ito kaya akala niya 12 yrs old pa lang ito.
"Spencer you are 14 yrs old pero childish ka pa rin.Di ko akalain maging step brother ang kagaya niyang walang isip.!"blunt na saad ni Stephen sa step brother niya.
"Im sorry hindi ko sinasadya."hingi ng paumanhin ni Spencer.
"Ano ka ba kakanta pa ako?Mahirap itong labhan dahil puti pa."reklamo talaga ni Maya.
"I can buy you another one.Kumanta ka na at umuwi ka sa inyo agad para magbihis."malditang ani ni Emilda kay Maya.
"Hoy babae libre ang pagkanta ko.Pero sige bayaran mo ng 500 ang damit ko.Lola ko na lang ang bibili.At di na ako kakanta pa tse.!Gutom na ako tapos papakantahin mo ako agad.?"matapang na ani ni Maya kay Emilda.
"Emilda ano bang asal iyan ha.Pinapatulan mo ang isang bata.!"saway ni Rogelio Montenegro sa magiging asawa niya.
"Binulyawan niya si Spencer Babe kasi.Tinuruan ko lang na mabuting asal."alibi ni Emilda kay Rogelio.
"Ikaw dapat ang matuto ng asal babae.Dahil kakanta ako sa party ninyo.Dapat tratuhin mo ako ng maayos.Kung kumakanta ako sa mga kasalanan at mga party party nang ganito binabayaran ako noh.!"malditang ani ni Maya.
"Emilda ako ang nag imbita kay Maya kumanta sa engagement na ito.Kaya tratuhin mo ang maliit kong bisita ng tama.Manang bihisan nyo na si Maya nong binili kong damit.At pakainin nyo muna siya ok."ani ng Don na aliw na aliw kay Maya talaga.Matapang na bata ito at di magpapaapi.
Simula noon humanga si Stephen kay Maya.Puro bata lang ito kaya binalewala lang niya ang paghanga dito sa batang babae na singer noon.
Nang kumanta na ito sobrang napahanga ang lahat sa galing bumirit nito.No wonder na tinaguriang star ng Sta.Ana si Maya.
"Don Montemayor sinusundo ko na ang anak ko.Maya magpaalam ka na kay Don Montemayor."kararating lang ni Ignacio doon trabahante lang siya kaya di siya imbitado doon syempre.
"Bye po Don Montemayor.Bye po kuya Stephen.!"kumakaway pa si Maya kay Stephen.Ngumiti lang ito sa kanya pero kinikilig na ang batang puso ni Maya.Simula noon naging pantasya na niya si Stephen Montemayor.
"Bye Maya tuwing bakasyon dadalasan ko ang pagpunta dito sa inyo."pero si Spencer humahanga talaga kay Maya.Sabi niya sa batang isip niya pag binata na siya liligawan niya si Maya balang araw.
"Tse ayoko sayo binasa mo ako ng juice.At maldita iyong Nanay mo."pahabol na ismid ni Maya kay Spencer.Pero ngumiti lang ito ng pagkatamis tamis.
Simula ng engagement party na iyon.Inaabangan na ni Maya ang pagbabakasyon ni Stephen sa bayan nila sa Sta.Ana.Taon taon daw ito nagbabakasyon doon.
"Fren sobrang tanda na ni Senyorito Stephen.18 yrs old na yata siya diba ngayon.Tayo 13 yrs old pa lamang wala pa nga tayong dede diba.?"ani ni Lisa na bestfriend ni Maya.
"Ako medyo meron na ako dede kundi."makulit na ani ni Maya.Masigla siyang pumunta talaga sa Hacienda.Tutulong kunwari silang dalawa doon.
"Maya its that you.?Halika may pasalubong ako sayo."masayang tawag ni Spencer kay Maya.
"P-po.?"nag aalangan lumapit si Maya kay Spencer.
"Hope you like it imported barbie dolls."mga barbie ang pasalubong ni Spencer kay Maya.
"Dalaga na ako di na ako naglalaro ng barbie doll.Pero ibigay ko na lang ito kay Lisa.Di pa daw siya dalaga."tinanggap naman ni Maya ang mga barbie pero binigay talaga niya kay Lisa.
"R-really hindi ko alam dalaga ka na.Sa susunod di na barbie ang pasalubong ko.Just keep it in your room ok."ayaw ni Spencer ibigay ni Maya sa kaibigan nito ang bigay niya.
"Tama si Senyorito Spencer Maya.Idisplay mo na lang sa sala ninyo itong magandang barbie.Malay mo magkaroon ka ng kapatid soon."naintindihan ni Lisa ang nararamdaman ni Spencer.
"Sige salamat po."sabay layo ni Maya kay Spencer.Hinahanap ng mga mata niya si Stephen.
"Babe madami bang mosquitoes dito.?Can I wear this right.?"isang sexy na babae ang nakaabresyete kay Stephen si Monica.
"Malamang dahil probinsya dito Maam."inis na sabad ni Maya nagseselos siya dahil may ibang babae nakadikit kay Stephen.
"Bata who are you ba.?"malditang tanong ni Monica.
"Wag mo ng patulan bata lang si Maya.Anak ng isang trabahante dito.Dont mind her ok Monica."nilagpasan lang niya si Maya at kitang kita niya ang lungkot sa mukha nito.Di niya maunawaan ang bigat na nararamdaman niya ng balewalain niya si Maya.Paglingon niya patakbo itong tila umiiyak yata.Dahil nagpapahid ng mga mata ito.Tinatawag ng kalaro nito pero tuloy tuloy si Maya palabas ng Hacienda.
Nasagasaan ng pick up truck si Maya.Dahil di niya napansin paparating.Buti na lamang di malala ang natamo niya.Napilayan lang siya sa binti nito.
"Lolo sino ang tinitingnan ng doctor.?Maysakit ba kayo lolo.?"nag aalalang tanong ni Stephen kay Don Montemayor.
"Hindi ako kundi si Maya.Nasagi siya ng pick up truck kanina.Napilayan siya sa binti.Pupuntahan ko lang sa sala."ani ni Don Montemayor.
"Ano.?"patakbo naman si Spencer sa sala.
"Kay likot mo kasi bata ka.Ayan tuloy nasagi ka ng truck."pangaral ni Aling Iska sa apo.
"Inang umiiyak na nga ang apo mo.Talagang malikot si Maya mula ng pinanganak siya.Tahan na anak ko ok."binibaby ni Ignacio talaga ang anak.
"Ibaba mo iyang bata na iyan sobrang tangkad na Ignacio.Di na maganda sa mata kung kargahin mo pa."ani ni Iska.
"Baby pa ako ni Itay lola.Itay uuwi na tayo sa atin."ayaw na muna ni Maya makita si Stephen.Malamang gf na nito yong babae na lagi nakadikit sa kanya.
"Pasensya na po kayo sa abala Don Montemayor.Di muna ako papasok ngayong araw.Bibilhan ko lang po ng gamot sa bayan si Maya."paalam ni Ignacio sa butihing amo niya.
"Sasama po ako sa inyo.Baka kelangan ni Maya ng alalay po."presenta na ni Spencer.
"Wag na senyorito dapat mahiga lang si Maya sa bahay.Di na niya kelangan ng alalay.Bilhan mo na lang siya ng tungkod sa bayan Ignacio."tanggi ng lola Iska ni Maya di pwedeng makikihalubilo sila sa mayayaman.Dahil sa mayaman ang totoong Ina ni Maya.Si Suzaine Arnaez half Canadian ito.Minamata ang anak niya sa pamilya ni Suzaine.Kaya napipilitan itong itakas si Maya patungong Sta.Ana La Union.Dahil baka dalhin daw sa Canada ng pamilya ni Suzaine ang pinakamamahal na apo.Ayaw ni Iska makikihalubilo si Maya sa mayayaman.Dahil ayaw niyang kutyain ang apo niya gaya ng nararanasan ni Ignacio noon.Nagresign ito sa magandang trabaho sana sa Manila.Para maitago lang si Maya sa pamilya ng real mother nito.Sobrang mahal ni Iska at Ignacio ang makulit man si Maya.Kaya mahirap man sila binusog nila ito sa pagmamahal kumbaga.

Magkaibang MundoWhere stories live. Discover now