Magkaibang Mundo ☆ Part 8

22 3 0
                                    

Si Lisa lang ang nakakaalam na may nangyari kina Maya at Stephen.
"Maya paano kung mabuntis ka niyan.?Tiyak na magagalit sina Uncle at lola sayo."nag alala ng husto si Lisa sa pinsan.Ibinigay ni Maya talaga ang virginity nito kay Stephen Montemayor.Paano kung iiyak at iiwan lang nito sa ere si Maya.?
"D-di naman siguro sabi ni Stephen siya daw ang bahala sa akin."takot din si Maya mangyari iyon.Mabait ang Itay niya pero baka mapatay nito si Stephen.Dahil inosente at menor de edad pa siya.
"Ah basta pinapaalalahan na kita Maya.Kay tigas ng ulo mo paano kung binobola ka lang ni Senyorito Stephen.?"gusto ni Lisa iuntog ang pinsan sa pader.Dahil sobrang uto uto ito kay Stephen.
"M-mahal ako ni Stephen Lisa.Di niya ako pababayaan."kinukumbinse ni Maya ang sarili mismo.Gayong si Monica ang kasama ni Stephen sa Manila.Panay pa post nito ng mga pics nito na kasama si Stephen.Siya itong naghihintay sa Sta.Ana kung kelan pupuntahan ni Stephen.
Nagdilang angel si Lisa nabuntis si Maya after a month.Matapos ang unang pagbibigay nito sa sarili sa lalakeng mahal niya.
"L-lisa di ko na makontak si Stephen.Samahan mo ako sa Manila.Sasabihin ko sa kanya na buntis ako."takot na umiiyak si Maya sa pinsan.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko Maya.Sige tayo na bumili tayo ng ticket.Bibiyakin na lang natin ang Alkansya nating dalawa."kahit pa matigas ang ulo ni Maya di ito magawang pabayaan ni Lisa.Bata at inosente lamang si Maya.
Samantalang nag alala sina Ignacio dahil di umuwi ng bahay sina Maya at Lisa.Pati tawag nila di sinasagot ng mga ito.
"Biniyak nila ang Arkansas nila.Sabi nila pupunta daw sila ng Manila.Yon lang ang naririnig ko Itay at Inay."sabi naman ni Luna.
"Boyfren ni ate Maya si Senyorito Stephen."sigunda ni Marc ang bunsong kapatid ni Maya na marunong nang magsalita.
"Ano talagang kay tigas na ng ulo ng anak mo Suzaine.Inispoiled mo kasi ang mga bata."galit at nag aalala si Ignacio kina Maya at Lisa.
"Linda tayo na susundan natin sina Maya at Lisa.Magbooked agad ako ng ticket papunta Manila."di na pinansin ni Suzaine ang galit na mister.Basta susundan nila si Maya.
"Oo magbihis agad tayo.Maraming masasamang loob sa Manila.First time nilang dalawa ang pumunta doon."pati si Linda nag aalala ng husto sa anak at pamangkin niya.
Samantalang paglapag nila Maya at Lisa sa airport.Deretso sila sa condo unit ni Stephen.Nagdoorbell sila at si Monica ang nakabukas ng pinto.Nakatapis lang ito ng tuwalya.Katatapos lang nila Stephen at Monica maglampungan kahit Tirik pa ang araw.
"What are you doing here the both of you.?"taas kilay na tanong ni Monica.
"Tumabi ka gusto kong makausap si Stephen.!"galit na hinawi ni Maya si Monica.
"How dare you bakit lalandiin mo na naman ang bf ko.Will next month engagement party na namin ni Stephen.Imbitado ka pala Maya Domingo."pang aasar pa ni Monica kay Maya.
"H-hindi totoo yan ako ang mahal ni Stephen.Kaya kakausapin ko siya ngayon.Di ako naniniwala sayo bruha ka.!"singhal ni Maya kay Monica.
"Babe sige kausapin mo siya.Sabihin mo na maengage na tayo next month."baling ni Monica kay Stephen.
"M-maya what are you doing here.?"nagulat na saad ni Stephen wala pa itong pang itaas.
"Stephen diba ako ang mahal mo.?Pero bakit si Monica lage ang kasama mo.?At nagsex pa kayo kanina lang diba.?Dahil ba kulang ako sa experience.?"impit na sumbat ni Maya kay Stephen.
"Maya maengage na kami ni Monica next month.Kaya wag ka ng pumunta dito sa Manila.Ibooked kita ulit ng ticket pabalik."nasasaktan man si Stephen ipagtabuyan si Maya ngayon.Pero kelangan niyang maengage kay Monica Galvez.Para makuha niya ang MG Group of company.Kelangan niyang may kapangyarihan.Para di na siya hawakan sa leeg ng Daddy niya mismo.Nagtraining na din siya sa company.Para mature over na sa kanya ang MG company.
"Maya ito na sinasabi ko sayo na iiwan ka ni Stephen na iyan sa ere balang araw.Di ka nakikinig sa akin."sisi ni Lisa sa pinsan dahil matigas ang ulo.
"Paano na ako ngayon.?Ahhh....gusto ko nang magpakamatay na lamang.!"tumakbo si Maya pababa ng condo.Nadurog ang batang puso niya.Di niya maintindihan kung bakit ang mahirap di pwede magmahal ng isang mayaman.Sa pagtakbo niya sa daan nagpahagip siya ng sasakyan.
"Maya no.!"gilalas na sigaw ni Stephen buti na lang tumigil ang sasakyan agad.Kamuntikan ng mahagip si Maya ng sasakyan.
"Magpapakamatay ba iyang babae na iyan.?Wag niya kami dinadamay."galit na bulyaw ng driver ng sasakyan.
Humingi ng sorry si Stephen at biglang nahimatay si Maya.Isinugod nila agad ito sa ospital.Tumawag si Lisa sa Ina nito at kay Suzaine.
"Tita at Inay nasa ospital kami ngayon.Pumunta kami dito sa Manila dahil buntis na si Maya.Binuntisan siya nitong gagu na Stephen Montemayor na ito.Sunduin nyo kami dito dahil I engage na sila ni Monica Galvez daw."umiiyak na nagsumbong si Lisa sa mga ito.
"A-ano buntis na si Maya.?"nanlaki ang mga mata ni Stephen.
"Oo bakit pipiliin mo ba siya kesa sa Monica na iyan.?"malditang bulyaw ni Lisa habang umiiyak siya.Ramdam niya ang hinagpis ng pinsan.
"Stephen pwede mo naman kukunin ang baby ninyo pag nanganak na iyang bata na iyan.Aalagaan ko siya Stephen ng maayos."takot si Monica na piliin ni Stephen si Maya.Nakahanda na ang engagement nila.Kelangan nilang maengage ni Stephen.Para may pakinabang siya sa mata ng Daddy niya.Kung di matutuloy ibabasura daw siya nito.
"Di kami papayag sasabihin ko sa pamilya namin na kasuhan na lang si Stephen.Dahil minor pa si Maya pinagsamantalahan mo ang kainosentehan niya.Matanda ka sa amin alam mo ang tama at mali.Nang makuha mo na ang pagkababae ng pinsan ko.Iiwan mo siya sa ere.!Kayo labas na pupuntahan kami nina Inay at Tita Suzaine dito.At kung ayaw ninyong umalis tatawag ako ng pulis.!"matapang banta ni Lisa sa mga ito.
"B-bantayan ko lang si Maya habang wala pa sila."naguguluhan ang isipan at kalooban ni Stephen ngayon.
"Mas safe si Maya sa ospital kesa sayo Stephen Montemayor.!Kaya labas na sabi."tinutulak na ni Lisa ang binata palabas ng kwarto ni Maya.
"B-balik na lang ako bukas."ani na lang ni Stephen ayaw man niyang iwan si Maya ngayon.Pero ayaw din niyang makulong.
Sinabi naman ni Monica kina Roman at Rogelio ang pangyayari.
"Anak sustentuhan lang natin ang anak ng Maya na iyon.Wag kang matakot sasabihin natin sa pulis na nilalandi ka niya.At di mo naman siya nirape."sulsol ni Rogelio sa anak para matuloy lang ang engagement ng mga ito.
"Tama at kung maari pwede natin kunin ang bata.Alagaan na lang ni Monica dahil minor de edad pa ang Maya na iyon.!"segunda naman ni Roman.
Tahimik si Stephen dahil mahal niya si Maya na pala.At ng umiyak ito kanina lang.Parang triple ang sakit na nararamdaman niya.Kung di niya pipiliin ito maaring Madurog ang pagkatao nito.Ayaw niyang masira ang buhay ni Maya dahil lang sa kanya.Subalit ang tanong ng isip niya di na ba niya itutuloy ang goal niya.?Abot kamay na niya sana ang pagiging CEO.Kung pipiliin niya si Maya mapupunta malaman kay Spencer ang trono na dapat sa kanya lamang.Gulo gulo ang puso at isipan ni Stephen ngayon.Di niya alam kung ano ang pipiliin niya.Si Maya na mahal niya or ang kapangyarihan na gusto niyang kamtan.?
Samantalang umiiyak sina Suzaine at Linda dumeretso sa ospital.
"Maya sweetheart nandito na si Mama.Wag kang matakot gagawa ako ng paraan para panagutan ka lamang ni Stephen Montemayor."mahigpit na niyakap ni Suzaine ang kawawang anak.
"Pinili niya si Monica Mama.Di pwede natin siyang pilitin diba.?Di niya ako mahal kaya gusto ko na lang mamatay.Baka magalit si Itay sa akin.Di ako nakikinig sa kanya."impit na hagulgol ni Maya buti na lamang may pamilya siyang makakapitan ngayon.
"Pinaalam ko na sa Itay mo.Di daw siya galit sobrang inosente mo lang.Kaya pinagsamantalahan ka ng Stephen na iyon.Tatawagan ko ang Itay mo teka."haplos haplos ni Suzaine ang likod ng anak niya.
"Hello Maya anak ko.Sana sinabi mo muna sa amin na buntis ka.Paano kung napaano kayo ni Lisa dyan sa Manila.Bumalik ka dito sa Sta.Ana agad anak.Di mo kelangan si Stephen para mataguyod ang baby mo diba.?Aalagaan ko ang apo ko di kita papagalitan anak.Natakot ka ba na magalit kami ng lola mo.?"malumanay na sabi ni Ignacio sa pagkakataon na ito kelangan ng anak nila ang emotional support.
"Oo paano si Lola tiyak na papaluin niya ako Itay."humihikbing ani ni Maya naiibsan ang bigat na dinadala niya.Di siya pinagalitan ng Itay niya.
"Apo paano kita papaluin kung buntis ka.?Tsaka na kung manganak ka si Lisa lang ang paluluhurin ko sa asin."biro pa ni Iska sa inosenteng pa niyang apo.
"Lola pinigilan ko naman si Maya.Bakit ako paluluhurin mo ng asin?"reklamo ni Lisa kaya natawa na si Maya.
Malumanay na kinakausap si Maya ng pamilya niya.Tama di niya kelangan si Stephen Montemayor.As long as di siya tinatakwil ng pamilya niya.Sapat na iyon para magpatuloy siya sa buhay.

Magkaibang MundoWhere stories live. Discover now