Magkabilang Mundo ☆ Part 3

25 3 0
                                    

Sobrang daldal na ulit ni Maya.Dahil masaya siya nakapiling na muli ang Ina niya sa loob ng 13 years.
"Nga pala Suzaine pwede ka ng dumito sa amin.Kung di ka maarte at kung gusto mo lang naman."paanyaya ni Iska dahil nga mabuting lumaki si Maya na may Ina talaga na nakagabay dito.
"P-pwede po kaso baka ayaw ni Ignacio Inay."nahihiyang tumingin si Suzaine kay Ignacio.
"Patulugin ko siya sa labas kung ayaw niya.Total sabi mo mag isa ka na lang.Wala naman asawa si Ignacio kasi ayaw ni Maya."nakangiting ani ni Iska.
"Inang may anak siya daw sa Manila.Kaya bakit mo inalok ang bahay natin.?"des gusto syempre si Ignacio dahil baka mainlove ulit siya kay Suzaine.
"Ampon ko lang siya Ignacio.At ayaw ni Roman na bigyan ako ng karapatan sa anak lang daw niya."ani naman ni Suzaine gusto talaga niyang makasama ang tunay na anak.Kahit pa saan siya tumira ok lang.
"Itay dito na si Mama kung PTA meeting dapat mother daw ang pupunta.Babae daw ako at isa pa busy din si lola diba.?"pilit ni Maya sa ama.
"Tama si Maya kuya para may kasama ako lage kung may meeting.Ako lage represante kasi ni Inang."biglang dating ni Linda ang Ina ni Lisa na bilas ni Ignacio.
"Kuya nagsinungaling tayo kay Maya.Kaya pagbigyan mo na siya.Isantabi mo na ang ego mo kuya Ignacio."segunda naman ni Igme na nakakababatang kapatid ni Ignacio.
"Mga anak magmano kayo sa Auntie Suzaine ninyo."utos ni Linda sa mga anak niyang si Lisa at Luna.Si Lisa 13 yrs old si Luna naman 8 yrs old pa lamang.Buntis ulit si Linda dahil gusto nila ng magkaanak ng lalake ni Igme.
"Hello sa inyo may mga pasalubong ako.Luna sayo na lang daw iyong mga barbie.Ayaw ng maglaro nina Maya at Lisa ng ganun."magiliw si Suzaine sa mga bata may charity nga siya na nagpapaaral sa mga batang di makaafford hanggang college.Mga batang karapatdapat bigyan ng scholarship.
"Yiheey may bago na akong laruan."lumulundag naman si Luna sa tuwa.
"Malaki na kami ni Maya may crush na nga kami."kinikilig pang ani ni Lisa.
"Anong sabi mo Lisa.?May gatas pa kayo sa labi."saway agad ni Ignacio sa mga panganay nilang anak.
"Uncle normal lang iyong may crush.Meron din ako sa skul ei."ngumuso pa si Luna.
"Ke aga aga ninyong kumikiringking.Maglaro na lang muna kayo ng chinese garter ok."kontra naman si Igme.
"Ate Suzaine kj talaga ang mga ama noh.Anong masama sa may crush diba.?16 yrs old akong nabuntisan ni Igme naman."hagikgik ni Linda.
"Ako 17 yrs old kaya nga abnormal naman ang walang crush."nagkakasundo agad sina Suzaine at Linda.
Napakamot na lamang sa ulo ang mga ama nila Maya at Lisa.Dahil walang laban sila sa mga babae.Dahil spoiled ni Iska ang mga ito.Bumili naman si Ignacio ng malaking kutson para komportable si Suzaine sa kamang kawayan na tutulugan nito.Sa sala na lamang siya matutulog dahil dalawa lang ang kwarto sa munting kubo nila.Kinagabihan naligo din si Suzaine kaya nakatapis lang ito ng tuwalya habang nagpapahid ng lotion.
"S-sorry hindi ko alam na magbibihis ka pala."kwarto ni Ignacio ang ginamit ngayon ni Suzaine.Inayos pa nito ang mga gamit doon.
"Ok lang nakita mo naman ako nakahubad diba.?Kwarto mo naman ito nakakahiya ngang dito mo ako patulugin.Sana sa sala na lang ako."sobrang humble talaga ni Suzaine kahit sobrang yaman nito.
"Malamok may kulambo dito.At magagalit si Inang kung sa sala kita patulugin."pinaglabanan ni Ignacio ang sarili niya.
"I-ignacio gusto ko lang sabihin sayo na until now mahal pa rin kita."biglang yakap ni Suzaine at umiiyak talaga siya ng sambitin ang mga katagang nasa puso niya ng maraming taon.
"A-anong gusto mong mangyari.?B-bakit ka umiiyak pinaiyak ba kita.?"nagbalik ang sakit na pilit ibinaon ni Ignacio sa limot.Kaya sinabi niya kay Maya na patay na ang Ina nito.Para makalimot na siya at makamove on.
"I hope you give me a last chance.Maging mabuting Ina at asawa ako sa inyo ni Maya.Pero wala akong magagawa kung ipagtabuyan mo man ako.No choice ako nong hiwalayan kita.Dahil tinakot ako ng Daddy ko na ipapatay daw sampu ng pamilya mo.Kung di ko pakasalan si Roman.Walang araw na gusto ko na lang magsuicide.Pero pinapalakas ko ang loob ko.Dahil alam ko balang araw magkikita tayong muli."hagulgol ni Suzaine talaga.
"P-pag iisipan ko ang bagay na iyon.Nasaktan ako sobra Suzaine sa pag aasawa mo.Kaya di madaling tanggapin kita ulit."di mapigilan ni Ignacio ang wag haplusin ang likod ng ex gf niya.Ang babae na una at huling mamahalin lang niya.
"I know sana maisipan mong bigyan mo ako ng chance Ignacio.Sisikapin kong makibagay sa mundong ginagalawan mo.I hate my parents at kayo na lang ni Maya ang pag asa ko para mabuhay.Sobrang minaliit ako ni Roman at sa pamilya nila.Kung di daw ako anak ng isang mayaman wala daw akong mararating.Isa lang kasi akong writter Ignacio.Sabi nila di daw career ang pagsusulat.Pero may sarili akong publishing company naman.Di ba iyon career na matatawag.?"tila nagsusumbong na si Suzaine kay Ignacio.
"Sobrang magkaiba kayo ni Maya.Ambisyosa ang anak mo gusto daw niyang maging artista at performer tulad ni Sarah Geronimo.Ikaw naman sobrang humble mo."mahigpit na niyakap na ni Ignacio si Suzaine.
"Mama,Itay excuse me dinalhan ko lang ng gatas si Mama.Lola kinikilig ako sa kanila."masayang bulalas ni Maya ng makita ang parents niya na nagyayakapan.
"Pumikit ka na lang tayo na at dapat maaga ka ng matulog.Baka gagawa sila ng kapatid mo Maya."isinara pa ni Iska ang pintuan.
"Inang chismosa talaga kayo kahit kelan."namumula naman si Ignacio dahil sa sinabi ng Ina niya.Pabor ito kung magkabalikan daw sila ni Suzaine.Alang alang daw sa kaligayahan ni Maya.Dapat daw kalimutan ni Ignacio ang pride niya bilang isang lalake.Nagkakamali din ang tao at napipilitan lang daw si Suzaine sundin ang mga magulang nito.Kaya pag iisipan niya talaga iyon.
Kinabukasan kumalat ang chismis na nagbalik ang asawa daw ni Ignacio.Di pa daw ito patay at sobrang yaman daw ito na tao.
"Aling Iska pautang naman kami.Mayaman daw iyang manugang mo."may maliit na kainan kasi si Iska malapit sa elementary school.At malapit din iyon sa Hacienda Montemayor.
"Kung mayaman ba ang manugang ko gagawin ninyo akong bombay.?Aba kay haba na ng listahan ninyo diba.?Bayad muna bago utang ulit.Para may pambili ako ng karne."kalmante lang si Iska sa mga chismosa na kapitbahay nila.Kung iindahin nila iyon magkakasakit siya sa puso.
"Tama di libre ang paninda ni Inay.Bussiness is bussiness dapat."tumutulong din sina Suzaine at Linda sa paglalako ng ulam.
"Tse kay barat nyo naman."ani nong numero unang utangera.
"Hoy aling Pasing naitae mo na ang inutang mo.Ngayon may tse ka ng nalalaman.Baka di na makaulit ang mga anak mo umutang.Alangan naman libre ko sa inyo mga paninda ko.Palit tayo ng position baka minura mo na ako ngayon diba.?Wag mo akong matawag na barat.Baka ipabaranggay kita sa haba ng listahan ninyong mag anak.!"galit na ani ni Iska sa kasing edad niya.
"N-nagbibiro lang ako Iska.Kung may pera na mga anak ko magbabayad agad ako."mabilisan umalis si Pasing sa lugar na iyon.
"Ate Suzaine masanay ka na sa mga tao dito.Nga pala anak nong babae na iyon ang lumalandi kay kuya Ignacio.Nasa Hacienda din siya nagtatrabaho."kwento ni Linda kay Suzaine.
"Linda pwede ba tayong pumunta doon.?Takot akong maagawan ng fafa."biro ni Suzaine gusto lang niya makita ang pinagtatrabahuan ni Ignacio ngayon.Doon na din siya titira kung magkakabalikan sila ni Ignacio Domingo.
"Sige ate hahatiran natin sila ng tanghalian din.Para mainggit yong Anna na iyon sayo.Lage nakashort nang maiksi kay itim naman ng kuyukot."panlalait ni Linda sa lumalandi sa bilas niya.
"Totoo iyon nagsabon ng gluta daw yong si Anna.Kaso kulang sa hilod yong kuyukot niya yata.Utangera ang mag anak ni Pasing.Gusto ni Anna maging ama si Ignacio sa anak niya na sobrang maldita din.Kaaway nila Maya at Lisa iyon.Kaya ayaw ni Maya kay Anna.Buti naman pumunta ka dito anak.Di na malulungkot si Ignacio."kwento pa ni Iska masaya siya magkasundo sina Linda at Suzaine.At buo na ulit ang pamilya ni Maya.Dalangin niyang bigyan ng pagkakataon pa ang Ina ng apo niya.Na nangungulila sa kalinga ng isang Ina.

Magkaibang MundoWhere stories live. Discover now