Magkaibang Mundo ☆ Part 2

40 3 1
                                    

Dahil sa may gf na si Stephen sobrang tamlay na ni Maya.Nararanasan na yata niya ang tinatawag nilang puppy love.
"Apo bakit ka matamlay dahil ba di ka makapaglaro sa labas.Sobrang likot mo kasi ayan napilayan ka tuloy.Punta tayo sa bayan bibilhan kita ng bagong damit.Paborito mo iyong namantsahan diba.?"nag aalala si Iska sa apo niya dahil sobrang tamlay at lungkot nito.
"Lola magfacebook na lang ako.Ayoko pong pumunta ng bayan."walang ganang saad ni Maya.
"Ano ang ipabili mo at bibilhin ko apo.?"nakagayak na kasi si Iska.Doon siya mamimili sa bayan malapit lang naman iyon sa baryo nila.
"Kayo na lang po bahala lola."kibit balikat ni Maya.
"Sige apo babalik naman ako agad.Manood ka na lang ng tv kung nababagot ka mag isa."bumuntonghininga na lamang si Iska dahil di ugali ni Maya ang sobrang tamlay.Di din niya pwedeng tanungin sa ibang bagay.Dahil bata pa ito imposible na nararanasan nito ang puppy love kumbaga.13 yrs old pa lamang ito may gatas pa sa labi ang apo niya.
Mayamaya pa kay ingay ni Lisa galing sa skul.Dumeretso ito sa kanila kahit nakauniform pa.
"Maya may nasagap ako na chismis.Sabi ni Mayor may babae daw naghahanap sayo kanina.Pumunta sina Mayor sa skul natin kasama iyong babae.Sobrang nagulat ako kamukha siya ng Inay mo na nasa picture na laging dala mo."pagbabalita ni Lisa kay Maya.
"Lisa di mo ba sinabi ang bahay namin.?"namutla na tanong ni Ignacio galing siya sa sakahan ng mga gulay.Titingnan niya sana si Maya dahil ang Inang niya pumunta ng bayan.
"Hindi po kaso baka paparating sila Mayor dito Uncle."pinsan ni Maya si Lisa at bff na rin.
"Maya halika doon ka muna kina Lisa.Bilisan mo na anak maya ka na magtanong."pinangko na kaagad ni Ignacio ang anak.
"Baka masamang tao iyon Maya dahil may mga malalaking tao na nakasuot ng itim.Kaya bilis na doon ka muna sa amin."si Lisa na ang nagbitbit sa scratches ni Maya.
Pero huli na dahil nasa bukana na ng kawayan na gate nila sina Mayor.
"I-ignacio siya na ba ang anak natin.?"napaluha si Suzaine nang makita niya ang nag iisang anak nila ni Ignacio.
"Itay diba patay na si Inay.?Bakit niya ako tinatawag na anak.?"kumunot ang noo ni Maya na nagtatanong sa ama.
"H-ha di mo siya Inay anak.K-kambal lang siya ng Inay mo kaya magkamukha sila."lalong pinagpapawisan si Ignacio dahil natunton ni Suzaine silang mag ama.
"Ignacio wala akong kambal.Di ko naman kukunin si Maine ei.Gusto ko lang siyang makita Ignacio."umiiyak na sambit ni Suzaine.
"Itay nagsisinungaling ka ba sa akin.?Diba sabi ni lola masama ang magsinungaling.Dapat paluin ka niya ng patpat.Itay kawawa naman siya papasukin mo na siya sa loob."nakangiti pang ani ni Maya.
"Painom din kami ng tubig Maya ha."alam ng Mayor na sobrang bait si Maya.Kaya nga maraming gustong maging sponsors dito kung mag aral na ng college daw.Kung di afford nina Ignacio at Iska.Wala na ng problema sa pag aaral ni Maya balang araw.
"Itay nauuhaw daw sila.Pasok po kayo Maam."magiliw na ani ni Maya nagpababa na siya sa Itay niya.
"Ignacio anong nangyari sa binti ni Maine.?"gusto man lapitan ni Suzaine ang sobrang gandang anak.Pero baka aloof ang anak nila Ignacio.Buti na lamang patay na ang parents niya.Kaya hinanap niya ang mag ama niya sa Manila.1 year din naghahanap si Suzaine.Hanggang may nakapagsabi sa kanya na nasa Sta.Ana na si Ignacio.
"Nasagasaan siya ng truck nong isang araw.Napilay lang siya naman at sabi ng doctor 1 month dapat siya magpahinga sa bahay.Anong sadya mo dito.?"kinakabahan na tanong ni Ignacio sa ex gf niya.Baka kunin kasi nito si Maya bigla.
"G-gusto ko lang makita ang anak natin.Sabi ni Mayor sobrang ok daw ang lagay ni Maine.Sana payagan mo ako bumisita madalas dito Ignacio."nanlalamig ang kamay ni Suzaine.Baka ipagtatabuyan siya ng ama ni Maya.
"Diba kasal ka na 13 yrs old na ang nakaraan.?Dapat may anak ka na rin ngayon diba Suzaine Arnaez.?"tanong ni Ignacio.
"Devorce na ako at may ampon kami.Di kasi magkaanak ang ex husband ko Ignacio.Yong ampon namin nasa family niya.Libre na akong hanapin kayo ni Maine after akong madevorce."mapait na ngumiti si Suzaine kay Ignacio.
"Paano ang mga magulang mo.?Tiyak na dadalhin nila si Maya sa Canada.?Patayin nyo muna ako Suzaine bago mangyari iyon."galit na deklara ni Ignacio.
"Patay na sila Ignacio matapos ng libing nakikipagdevorce ako sa ex husband ko 1 year ago na.Dahil kabilaan din ang babae niya.Di ako mahal nong lalake na iyon.Only child lang ako kaya nasa akin lahat ng ari arian ng namatay kong parents.Nong tinakas mo si Maine.Di ko sinabi sa kanila na nagkaanak tayo.Para di ka nila hanapin dito."tumulo ang luha ni Suzaine habang nagkukwento.
"Itay pa tahanin mo ang Inay ko.Kawawa naiiyak din ako."humihikbing utos ni Maya sa Itay niya.
"Di ko naman siya inaano Maya ah."napakamot sa batok si Ignacio.Nahihiya siya din lapitan si Suzaine.Ang babaeng minahal niya buong buhay niya.
"So your nickname is Maya.?How nice ng binigay ng Itay mo na nickname.P-pwede ba kitang yakapin baby ko.?"nagpapahid ng luha si Suzaine talagang kamukha niya ang anak nila ni Ignacio.Di pwedeng sabihin nito na di niya anak si Maya.Dahil para silang pinagbiyak na bunga.Yong height lang nakuha kay Ignacio na matangkad.
"Pwede nyo po ako yakapin pero di na po ako baby.Dalaga na ako may mens na po ako Inay.Ay Mommy ba dapat dahil mayaman kayo diba.?"biglang sumigla at naging madaldal si Maya.Dahil masaya siyang buhay pa pala ang mother niya.
"Ok sweetheart di na kita tawagin na baby.Kaugali mo pala Itay mo sobrang kulit din."natatawang niyakap ni Suzaine ang nag iisang anak.Nag ampon sila dahil nangungulila siya sa anak niya.Yong ampon niya malaki na she is 17 years old.Siya si Monica Galvez ang gf ngayon ni Stephen Montemayor.Nagkataon nasa Sta.Ana din ito nagbabakasyon.
"Mama na lang para di masyado sosyal.Nga pala Mama kung wala kayong gagawin tumuloy ka muna dito sa amin.Maliit man ang kubo namin pero maayos at malinis naman po."ayaw ng bitiwan ni Maya ang Ina.
"Suzaine wag mong balakin na kunin ang anak ko."binawi ni Ignacio bigla si Maya sa ex gf niya.
"Anak natin Ignacio correction.Di ko gagawin iyon pero pakiusap bigyan mo ako ng visiting rights man lang Ignacio.Anytime mabibisita ko dito si Maya sa Sta.Ana sana."pakiusap ni Suzaine sa ex bf niyang millitary.
"Dapat magpirmahan tayo wag lang verbally Suzaine.Dapat visiting right lang ang hahabulin mo.Wag yong full costudy ni Maya."takot si Ignacio bigla din sumama si Maya sa mother nito sa Canada.
"Oo Ignacio bukas din magpirmahan tayo sa city hall."gagawin ni Suzaine ang lahat na demand ni Ignacio.Pinalaki at inalagaan ni Ignacio ng maayos ang anak nila.Sino ba siya para ipagkait ang mahal nilang anak.?Ang gusto lang niya na makasama ang anak nila kahit papaano.
"Aalis na kami Mrs.Suzaine salamat sa donation mo sa bayan namin.Tiyak na maraming makinabang sa charity ninyong itinayo."paalam ni Mayor masaya siya dahil buhay pa pala ang Ina ni Maya.Sa age na iyon talagang kelangan pa nito ang gabay ng isang tunay na Ina.
"Your welcome po.Sweetheart nasa labas  pa ang mga maleta ko.At mga pasalubong ko din sayo.Ignacio dito na ako muna mga 1 week ha.May binili akong condo sa Manila.Para madali kong madalaw si Maya natin."masayang sambit ni Suzaine kay Ignacio.Ang totoo si Ignacio lang minahal niya.Yong ex husband niya contractual marriage lang nila iyon.Arrange marriage sa mga parents nila.
"A-ako na ang magpapasok sa mga maleta mo."ayaw ni Ignacio na mawala ang kaligayan sa puso ng anak.Pasalamat nga siya di sinumbatan siya ni Maya.Nagsisinungaling siya na patay na ang Ina nito sa buong buhay nito.
"Ignacio saan ba ang ex gf mo.?Kukunin daw niya si Maya natin.?"humihingal na pa si Iska na marami pang grocery na bitbit.
"M-mano po Inay di ko po kukunin si Maya.Bibisitahin ko lang po siya madalas dito. "magalang na nagmano si Suzaine sa Ina ni Ignacio.
"Ignacio aba mabait pala ang Ina ni Maya.Pasok ka ipagluluto ko siya ng masarap na hapunan."magiliw na winiwelcome ni Iska si Suzaine.
"Di man po ako marunong magluto.Pero tutulong po ako Inay."malaking bagay na mabait ang Ina ni Ignacio pala.Pabor iyon kay Suzaine Arnaez.
Sambakol ang pagmumukha ni Ignacio.Di nangyari na ipagtabuyan ni Iska ang ex gf niya.Sa halip winiwelcome pa ito sa kanilang tahanan.Will di maarte si Suzaine kahit mayaman.Kaya minahal niya din ito dahil sa ugali nito.Parents lang nito ang matapobre.Buti na lamang maagang namatay ang mga ito.

Magkaibang MundoWhere stories live. Discover now