Magkabilang Mundo ☆ Part 19

18 3 0
                                    

"Bakit kayo nandito sa pamamahay ko.?Stephen bakit mo sila pinapapasok.?"galit na salubong ni Rogelio sa bisita nilang di inaasahan.
"Nabuntisan ni Spencer ang anak ko.Kelangan niyang panagutan si Lisa.!Wag nyo itulad kay Maya noon.Na di inako ni Stephen ang responsibility ng anak mo Rogelio.!"bulyaw naman ni Igme.
"Ano baka naman hindi si Spencer ang ama ng bata.?"ayaw maniwala si Emilda ayaw niya maging manugang ang anak ng mga hampaslupa daw.
"Excuse me di pariwara ang pinsan ko ano.Si Spencer lang Nakagawa kay Lisa.!"giit naman ni Maya.
"Sweetheart dito ka sa likod baka saktan ka nila."overprotective na ani ni Stephen.
"Emilda tawagan mo si Spencer.Para sabihin sa mga ito na di siya ang ama ng bata.!"galit na utos ni Rogelio sa asawa.
Mayamaya pa dumating si Spencer.Pinapapasok niya sina Lisa na nasa labas ng gate.
"Teka Lisa anong nangyari bakit ka umiiyak.?"close na sila Spencer at Lisa gumaan ang pakiramdam niya dahil nakikinig si Lisa sa lahat ng hinagpis niya.
"B-buntis ako Spencer.Galit sila Itay at Uncle buti na lang naagaw ni Maya daw ang baril ni Uncle agad."parang baha ang luha ni Lisa alam niyang di siya panagutan ni Spencer talaga.
"Buntis ka pero di ko alam.?Sana pinaalam mo agad sa akin.Ako ang ama niyan Lisa dapat ako una makaalam diba.?Di ako tulad ni Stephen na walang bayag.Nakakastress ang umiyak tumahan ka na."niyakap agad ni Spencer si Lisa.
"OK lang ba sayo na buntis ako.?"maang na tanong ni Lisa.
"Gf kita at kaya ko ng buhayin kayo ni baby.Anong klase na tanong iyan Lisa Domingo.?Pabor nga ito sa akin para di na ako kulitin ni Daddy maengage kay Alona Galvez."kumunot ang noo ni Spencer.
"Gf mo ako bakit di ko alam iyon.?So papanagutan mo ba ako.?"lalong naiyak si Lisa sa sinabi ni Spencer.
"Sorry di kita naligawan.Narealize ko na di ko na guluhin pa si Maya.Alang alang kay Mikaela.Kelangan niya ng complete family kumbaga.Ganun din ang anak natin.Happy ako atleast di ako baog Lisa.Tumahan ka na puntahan natin sila sa sala."inalalayan pa ni Spencer ang gf niyang buntis.
"Exaggerated lang pala tayo Suzaine.Ikaw na bata ka dapat pinaalam mo muna Kay Spencer na buntis ka."nabawasan ang kaba nina Linda at Suzaine.
"Anak buti dumating ka na.Sabihin mo sa kanila hindi ikaw ang ama ng pinagbubuntis ni Lisa Domingo."salubong ni Emilda sa anak.
"Mommy ako nakauna kay Lisa.Impossible na di ko anak ang bata.Mga Tito di ko kasi alam at nag over thinking lang si Lisa.Ganun siguro ang buntis.Pasensya na po sumugod pa kayo dito.Sana sa opisina ko po kayo dumeretso."yakap yakap ni Spencer si Lisa na tumahan na sa pag iyak.
"Kasi maengage ka daw next week kay Alona.Iba si Lisa sa akin ako yong naive siya kay tapang niya.Bubuhayin daw namin na lang ang baby ninyo."si Maya na ang nag explain.
"Wala pa lang problema sa manugang ko.Yong mga babae over thinker talaga.Malaki na si Spencer kuya di na niya kelangan consent ng mga magulang niya."kumalma bigla si Igme.
"Di ako papayag Rogelio.Malaki gastos natin sa engagement nila Spencer at Alona.Spencer di na uso iyong pakasalan mo isang babae dahil buntis lang.Dapat maengage kayo talaga ni Alona.!"maawtoridad na saad ni Roman.
"Di ako pinikot ni Lisa kagustuhan ko na panagutan siya.Wag nyo ako pilitin sa anak ninyo.Si Monica at Alona walang pinagkaiba ang ugali.!"nanindigan na sagot ni Spencer kay Roman.
"Walanghiya kang babae ka.Mang aagaw at malandi ka pareho kayo ni Maya Domingo.!"duro naman ni Alona kay Lisa na kararating lang.
"Hoy babae mahiya ka yang Nanay mo ang puta.Wag mong sabihan na malandi ang anak ko.Kundi manghihiram ka sa mukha ng aso.!"bulyaw ni Linda kay Alona.
"Linda hampaslupa ka lang naman.Iyang anak mo di bagay kay Spencer.!"gumanti si Anna sa pang iinsulto.
"Nagsalita ang di hampaslupa.Atleast umangat kami dahil masipag ang mister ko.Ikaw asa lang sa bigay ni Roman Galvez.Wag mong kalimutan na Japayuki ka noon Anna.!"di natitinag si Linda.
"Duh wala ng pera iyang si Roman Galvez.Balita ko kay dami nilang utang daw Linda.Mahal uwi na tayo nag aalala si Inang sa atin lahat."hinihila na nina Suzaine at Linda ang mga mister nila na nahimasmasan na.
"Spencer wag kang sumama sa kanila.Ayoko maengage kayo ni Alona.Mas ayaw ko pakasalan mo ang isang Anak ng magsasaka.!"pahabol na tawag ni Emilda sa anak.Pero di nakikinig si Spencer.Responsibleng tao ang anak niya.At di na niya kaya pang kontrolin.Gulat sila dahil ngayon lang si Spencer di sumusunod sa sinasabi nilang mag asawa.Panindigan daw nito ang nabuntisan nito.
Nagbulyawan sina Roman at Rogelio.Pero walang pakialam si Stephen at Spencer sa mga ito.Sa condo nila masinsinan kinausap si Spencer nina Ignacio at Igme.
"Yes po papanugatan ko po si Lisa.Pwede po ba mabilisan muna.Para di na sila makahabol sa akin.?Ilang beses kong sinabi sa kanila na ayoko maengage sa Alona na iyon."atat pang pakasalan ni Spencer si Lisa.
"Teka kayo ba Maya wala bang plano magpakasal.?"biglang tanong ni Iska sa apo.
"Di pa ako sinagot ni Maya po lola.Pakipot daw muna siya po."natatawang sagot ni Stephen na nakayakap kay Maya.
"Anong pakipot pa kay laki na iyang anak ninyo Maya.Pabebe ka pa kelan ba kayo magpakasal tsaka na kung magkaanak kayo ulit.?"sermon ni Iska sa apo.
"Lola masarap yong feeling na maligawan."kinikilig pang ani ni Maya.
"Agree ako di mo ako niligawan Spencer."ismid naman ni Lisa sa katabi.
"Kayong dalawa tigilan nyo na panonood ng KDRAMA.Nakakaapekto iyon sa utak.Mag video game na lang kayo tulad ko."biro din ni Iska sa mga apo.
"Basta kayong dalawa ikasal na sa civil muna.Sa restaurant na lang handaan ok.Pwede naman kayo magpaligaw araw araw.Mahal bilhan nyo sila ng wedding gown yong simple lang.Linda tumawag ka sa atty. natin."deklara pa ni Ignacio siya ang panganay na anak ni Iska.Kaya siya ang tumayong Padre di pamilya.
"Mahal bibilhan din namin kayo ni Igme ng tuxedo.Sobrang gwapo ninyo siguro magsuot noon."pumalakpak pa si Suzaine.
"Bilhan din natin ng damit itong tatlo.Bukas ikansel ninyo appointment ninyo.Para mamili tayo ng mga damit ninyo.!"utos ni Linda sa mga anak nila.
"Bili din tayo ng wedding ring Spencer.Simula ngayon dapat magkasundo na tayong dalawa.Gusto ko noon pa ikaw maging Vice President.Dahil lage palpak si Monica talaga.Lalo na ngayon ikakasal na kami ni Maya.Dapat mawalan ng kapangyarihan si Monica Galvez sa company."nakikipagsundo na si Stephen kay Spencer.Dahil di na niya pala ito karibal sa mahal niyang si Maya.
"Kuya pahiram ng 1 million.Ibili ko lang ng wedding ring.Sinaid nina Mommy ang ipon ko kasi.Nag iipon ako ulit pero di pa umabot ng 1 million."Para kay Spencer kuya talaga niya si Stephen noon pa.Di lang step brother.
"Anong 1 million baka Holdapin ako noon Spencer.?"kontra ni Lisa.
"Di ka naman maglalakad lang sa Kanto diba.?Wag ka ng kumontra mayaman si kuya Stephen."nakangiti pa si Spencer.
"Of course simula ngayon.Tataasan ko na din sahod mo.Mahal diapers at gatas ngayon."biro pa ni Stephen di na siya ganid ngayon kay Spencer.Tinanggap na niya itong kapatid simula ngayon.
"Dito tayo bibili may discount dito at magaganda pa."may brochure na hawak si Maya.
"I want a ring din Dada.Para din ako part sa wedding ninyo."nakikisali din si Mikaela sa pamimili ng singsing.
"Ilibre nyo din ako sa kasamaang palad single pa ako."sabad ni Luna na kinatawa nilang lahat.
Masaya na ang pamilya Domingo.Dahil payak lang na pamumuhay ang gusto nila.Taliwas kina Monica at Alona di makontento sa buhay.Sobrang trying hard pero sa ending iniwan ng mga mahal nila.
"Dapat magkasundo tayo.Sisirain natin ang career ni Maya Domingo.Papakasalan na siya ni Stephen bullshit.!"gigil na ani ni Monica habang tumutungga ng alak.
"Kahit anong paraan gagawin ko makaganti lang ako nina Maya at lalo na kay Lisa.Inagaw niya sa akin si Spencer.At wala na akong pakialam na mapunta pa ako sa impyerno.!"nademonyohan na din ang utak ni Alona.Kapwa silang dalawa ni Monica na di matanggap ang pagkatalo nila.
Ano kaya binabalak ng dalawang demonya.?Maapektuhan ba ang career ni Maine Domingo.?

Magkaibang MundoWhere stories live. Discover now