Magkaibang Mundo ☆ Part 17

13 3 0
                                    

Sa wakas natupad ang pangarap ni Stephen noon pa.Na ipagluluto niya ang mag ina niya at pagsisilbihan balang araw.Binigyan nga siya ng second chance para itama ang mali niya ngayon sa mag ina niya.
"Dada like sa our house sina lolo ang nagluluto.At mga girls ang taga kain lang.This sandwich bread is so yummy.!"sarap na sarap si Mikaela sa tuna sandwich na hinanda ni Stephen.
"Teka paano ba ito gawin.?Diba di ito niluluto pa.?Sarap nito pang snack ni Ela sa skul."pinuri pa ni Maya ang gawa ni Stephen.
"Ituturo ko sayo ang ingredients at procedure.May gagawin ka ba ngayon Maya.?Punta tayo ng mall ni Ela.Ibili ko kayo ng personal things dito sa bahay."yaya pa ni Stephen.
"Haler Pinas ito Stephen di ako pwedeng magliwaliw sa mall.At isa pa ayoko magka issue tayong dalawa."tanggi agad ni Maya dito ayaw niya ding bigyan pa ng chance si Stephen.Hanggang buhay si Monica Galvez di maging payapa buhay nila.
"Nakalimutan ko si Maine Domingo ka na pala.Mag order na lang tayo online shopping ok."tumabi pa si Stephen kay Maya.Para makapamili ito sa kelangan nito mga sanitary.
"Stephen unordered ka pala nong sanitary napkin.Mas mura yong box na ok.Tatlong box dahil para kina Lisa at Luna na rin."gusto ni Maya yong madamihan ang sanitary napkin niya.
"Itype mo dito kung anong brand gusto mong bilhin."sinadya ni Stephen dumikit pa kay Maya.Di nila alam palihim na pinicturan pa sila ni Mikaela.Alam nito magpost sa IG ni Maya.Ginawang profile pa nito ni Mikaela ang picture na iyon.Umiyak ang social media confirm na daw nagkabalikan sina Maya at Stephen.Maya Maya pa biglang nagring cp ni Maya.Ni loudspeaker niya ito dahil nag eenjoy siya sa pamimili online.
"Maya big issue ginawa mo.Panindigan mo na nagkabalikan na kayo ni Stephen.Aksidente ba ang pag upload mo ng bagong profile mo ngayon.?Or you want only provoke Monica Galvez.?"namoblema tuloy si Lisa di pwede iyon pabulaanan.Dahil totoong nasa condo ni Stephen sina Maya at Mikaela ngayon.
"H-ha what are you talking about.?"dali daling tiningnan ni Maya IG niya mismo.Binaha ng comment ang post na iyon agad agad.
"Mommy Im the one to upload that picture.I want to post that para sabihin sa mga klasmet ko na ok ang Dada at Mommy ko."pag amin agad ni Mikaela.
"Lisa hayaan mo na para di din mabully pa si Ela sa skul.I will sacrifice my career either."bumuntonghininga na lamang si Maya.Kaligayahan iyon ng anak wala na siyang magagawa pa.
"Ifollow mo na ako Maya.At say cheese right now."gagaya din si Stephen na iprofile ang selfie ngayon nilang tatlo.
"Wait ulitin mo dapat maganda kuha Ela.Kay pangit ko dito oh baby girl."sinakyan na lamang ni Maya ang trip ng anak.Para mawala ang tampo na nito sa kanya agad agad.
"Ok you both should closer to each other.Dada hug Mommy right now."utos pa ni Mikaela na parang photographer na ang datingan.
"Little paparazzi kay daming mong demand Maam."si Maya na ang yumakap kay Stephen.Ramdam niya ang kaligayahan sa puso niya.Confirm na mahal pa nito si Stephen.Ayaw niya magpantasya pa.Basta kahit kunwari iyon sapat na iyon for her.More expectation kasi the more you hurting so badly.Di inaasahan ni Maya hinalikan siya ni Stephen sa pisngi niya ng mabilisan.Sakto sa pagclick ni Mikaela sa cp niya.Nataranta tuloy puso ni Maya parang napaso siya na dumistanya agad kay Stephen.
Samantalang sa bahay nina Roman Galvez.Dinala ni Alona ang big issue sa pagitan nina Stephen at Maya.
"Sister kawawa ka naman nagkabalikan na pala sina Stephen at Maya.?Kung di ka nagpabebe maging Mrs.Montelebano ka noon pa."pasimula ni Alona at gusto niyang pagtawanan si Monica ngayon.
"Ano tama si Alona Monica.!Bakit ba inuna mo iyang sinasabi mong career.?Ayan tuloy naunahan ka ng mga kalaban.!"galit na ani ni Roman sa anak.
"Wala kayong pakialam sa akin.Kaya inuna ko ang career ko.Pero kahit magkabalikan silang dalawa.Guguluhin ko sila habang buhay.!"saad ni Monica sabay walk out.Ang totoo walang kasing sakit iyon para sa kanya.Gusto niyang mabuntis siya kay Stephen.Pero kahit maghubad siya sa harapan nito.Wala nang amor siya para sa ex bf.Ngayon hawak ni Maya sa leeg si Stephen.Dahil may anak silang dalawa kumbaga.Kung siya yong naanakan ni Stephen.Baka mahahawakan din niya ito kahit papaano.Ayaw ni Monica tanggapin na lang pagkatalo niya.
Samantalang ipupush na ni Roman na maengage sina Spencer at Alona sa madaling panahon.Kaya may private dinner silang lahat.Di sumalo si Monica dahil ayaw nitong pagtawanan siya ni Alona mismo.
"Rogelio kung naudlot ang engagement nina Stephen at Monica noon.Dapat matuloy na ang engagement nina Alona at Spencer.Para tanggalin natin sa pagiging CEO si Stephen."kahit wala ng kapangyarihan sina Roman at Rogelio sa MG enterprises.Feeling ni Roman pag aari pa nila ito.Ang katotohanan na si Stephen ang may malaking shares sa company na iyon.50% ang hawak ni Stephen dahil malaki din ang naiwan ng matanda dito.At isa pa si Stephen ang nagpapalago ng husto sa company di Sina Roman at Rogelio.
"Ano hiwalay na kami ni Alona.Di ko siya mahal at masyado siyang controller freak.!"kontra agad ni Spencer.
"Ang sabihin mo Spencer gusto mo si Maya na ligawan.Kaya mo ako binasura ano na ngayon wala ka ng pag asa.Wala ka nang choice kumbaga."bwelta naman ni Alona.
"Spencer wag mo ng pangarapin ang anak ng magsasaka.Sikat man si Maya ngayon pero hampaslupa pa rin pinanggalingan niya.!"galit na ani ni Rogelio sa ampon.
"Si Alona ba di ba siya nanggaling sa pagiging hampaslupa.?Katulong ang Nanay niya noon at until now alipin pa rin ni Tito Roman.!"matapang ani naman ni Spencer.
"Tang ina Spencer pinaaral kita at binigyan ng pangalan.Ngayon babastusin mo na ako ngayon.!"sumbat naman ni Rogelio sa ampon.
"Wag ninyong makakalimutan na binabayaran ko ngayon ang nagastos mo sa akin Rogelio Montelebano.Binabayaran ko ang bills sa bahay at ako na nagpapalamon sayo ngayon.?Walang pakialam sayo nga sarili mong anak.Dont you ever provoke me.Baka matulog ka sa lansangan.Total di kita tunay na ama naman.!"banta pa ni Spencer bago padabog na umalis sa dinner nila ngayon.
"Emilda pagsabihan mo iyang anak mo.Wala ng galang sa akin.!"baling ni Rogelio sa asawa.
"Rogelio di mo nga makontrol sarili mong anak si Spencer pa kaya.Basta ako kontra ako sa engagement nila Spencer at Alona.Hahanapan ko ang anak ko ng mayaman karapatdapat para sa kanya.Tama naman siya ang katotohanan na anak lang si Alona ng isang katulong.!"yon lang at sumunod si Emilda sa anak wala na kasi siyang mahihita kay Rogelio Montelebano.
Nong gabing iyon naglasing si Spencer.Dahil masakit sa kanya ang malaman na nagkabalikan na sila Stephen at Maya.Di pa nga siya nakausad manligaw naunahan na naman siya ni Stephen.At lamang si Stephen dahil kay Mikaela.Talagang tingin niya no choice lang si Maya pakisamahan ulit si Stephen.Pasuray spray siyang umuwi sa condo niya.Ngayon doon na siya uuwi simula ngayon.Dahil he is piss off dahil pinupush na nina Roman at Rogelio ang engagement nila ni Alona.
"Spencer bakit ka ba lasing na lasing.?Dito rin ba ang condo mo.?"kauuwi lang ni Lisa galing siya sa meeting ng client nila ni Maya.May bagong iniindorse si Maya kasi ngayon.Pagkain naman iyon at she meet their client.Kaya ginabe na siya sa pag uwi.
"L-lisa I'm so devastated right now.6 yrs kong hinintay si Maya bumalik ng Pinas.But pagbalik niya si Stephen pa rin ang binalikan niya.I hate na until now naging naive pa rin si Maya."umiiyak na ani ni Spencer.
"Swerte ng pinsan ko siya lang pati nakikita mo."bulalas na lang ni Lisa may gusto siya kay Spencer noon pa.Pilit niyang pinigilan ang sarili.Dahil alam niya din na si Maya ang mahal nito di siya man lang nakikita.
"Lisa help me na sabihin kay Maya na wag siya uling magpauto kay Stephen."hingi pa ng tulong ni Spencer kay Lisa.
"Lasing ka na bukas na lang tayo mag usap sa bagay na iyan.Ihahatid na lang kita sa condo mo."inalalayan na ni Lisa si Spencer.Simula na ng pagkakaibigan nilang dalawa.Dinadamayan na niya si Spencer sa tuwing umiinom.Dahil nasaktan ito kay Maya daw mismo.

Magkaibang MundoWhere stories live. Discover now